Crushback KAMILA “Yes, mommy, paalis na po kami ni Kams. May susundo daw sa amin–opo, hindi ko siya papabayaan. Nagdala–mommy! Enough na, I’m gonna hang up the phone na,” ani Ate Karla na nakailang ikot pa ang mga mata bago iabot sa akin ang phone ko. Napangiwi ako dahil hindi pa pala binaba ni Ate ang tawag dahil kakausapin pa raw ako ni mommy kahit nakausap niya na ako kanina. Sabado na at ngayon ang alis namin papuntang Palawan. Ang sabi ni Ate Candice ay ipapasundo na lang kami ni Ate papuntang airport. Wala si Mommy dahil umalis siya kagabi para umuwi ng Bulacan. Pupuntahan niya si Lola Belen na kapatid ng mamsiela ko na siyang mama naman ng mommy ko. May sakit daw kasi ang matanda at gusto niyang dumoon muna hanggang lunes dahil wala ang nag-iisa nitong anak. “Ang mga bilin k