Coming KAMILA “Aba’y kung nakakayaman lamang po ang buntong-hininga, napakayaman mo na ngayon, Kams.” Inirapan ko lang si Hillary at nakikuha ng chips kay Hyacinth. Animo chewing gum ang kinakain na binagalan ko ang pagnguya roon. Vacant namin at tumatambay kami sa playground na para sa mga grade school. Habang abala ang dalawa sa mga research project namin, ako ito’y nakatitig lang sa cellphone ko. Pinagmamasdan ang text ko kay Theo na as usual wala na namang reply. It’s been a week since I asked him to come to my birthday. Nag-lielow na muna ako sa pagsunod at paglapit sa kanya. Nag-focus ako sa pag-aaral dahil malapit na rin ang exam namin pero marupok ako eh. Kahit na hindi ko siya nilalapitan nangungulit pa rin ako sa text at messenger. Sumusulyap-sulyap pa din ako at mas lalo