Girlfriend KAMILA “Yown! Sabi na sinangag eh, masarap ‘to pero wala bang kamatis at tuyo?” “Huwag kang maghanap ng wala, baka sapakin kita diyan,” bwisit kong saad kay Aries na hinarap naman ako at parang batang ngumusong itinuro ang pisngi niya na kung tititigan ay mapapansin ang pasa na naroroon. “Nasapak na nga eh,” animo nangongonsensya na saad niya. Napangiwi naman ako. “Sige na, saka ka na maghangad ng tuyo. Makuntento ka na lang diyan.” “Kiss muna–” Hinila ko ang patilya ng buhok niya dahilan para mapamura siya. “Ang bayolente mo! Naglalambing lang!” “Hindi ‘yan paglalambing ungas ka, panlalandi ‘yan. May pasok ka pa kaya kumain ka na.” “Opo, mommy.” Maglalakad na sana ako patungong lababo para maghugas ng kamay nang may maalala. Lumingon ako at nakita si Theo na nakakrus a