Unexpected visitor KAMILA “Kamila–f*ck!” "I'm going to kill all of you the same way you killed my mother. No, not in the same way. I'll find you, and I'll kill you in the most brutal ways possible." “Die!” humigpit nang humigpit ang kapit ko sa leeg niya at isang magandang musika sa pandinig ko ang nahihirapan niyang paghinga. Kulang pa ‘to. Kulang na kulang pa. Malakas akong tumawa at mas idiniin ang pagkakahigpit sa leeg niya. “I-it’s me…d-damn.” Napangiwi ako nang maramdaman ang mahigpit na kamay na humawak sa braso ko. Nagbago ang mukhang nakikita ko ngayon at lumuwag ang kapit ko sa leeg ni Aries. “F*ck!” mura ko at agad na umalis sa ibabaw niya. Ang sunod-sunod niyang pag-ubo at ang tila kakapusan niyang paghinga ang nagpagising sa akin sa reyalidad. Nasapo ko ang nanakit k