Girlfriend KAMILA “Mommy–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang takpan ni mommy ang bibig ko. I could feel her hands shaking as tears started streaming from her eyes. Bigla-bigla’y pumasok na lang siya sa kwarto ko at hinila ako papunta dito sa closet ko. “L-listen to me, Kamila. Dito ka lang, k-kahit anong marinig o makita mo, hindi ka lalabas dito.” Gusto kong magsalita pero mas diniinan niya ang takip sa bibig ko. Gulong-gulo na ako at ang dami kong gustong sabihin pero hindi ako hinahayaan ni mommy. “Kamila…m-mangako ka, okay? Dito ka lang, anak…please,” ang mommy ko na mas strikta pa kesa kay daddy at minsan ay matigas ang ekspresyon ay ibang-iba ngayon. She was begging me and I found myself nodding my head. “I-I love you, anak.” Hindi expressive ang mommy kaya ikinagulat