Rumble KAMILA Kinuyom ko ang kamao ko para maitago ang panginginig nito dahil ramdam kong habol pa rin ako ng tingin ni Theo. Nakagat ko ang labi ramdam din ang matinding pag-iinit ng pakiramdam ko at alam kong hindi lang ‘to dahil sa lagnat ko. Apektado siya sa ginawa ko pero apektado din ako doon– Hindi. Hindi pwede. Tangina, Kamila. Umayos ka. Hindi na ikaw iyong dating Kamila na kilala niya. Madumi ka na sa paningin niya. Bayaran at tingin niya’y ilang lalaki na ang nakagamit sa ‘yo. Tama, ayon na ang tingin sa akin ni Theo. Papanindigan ko ‘yon dahil hindi man ako ang bayaran na inaakala niya, kung ikukumpara sa kanya, walang-wala pa rin ako. Besides, I’m on a mission. I don’t need a f*cking distraction. And Theo? He’s the perfect example of that. My distraction. Tinapi