Favorite KAMILA Malakas akong nagbuga ng hangin nang maginhawaan ang pakiramdam ko sa paghihilamos. Siyempre nilubos ko na ang kakapalan ng mukha ko, naghanap na ako ng restroom at nakigamit na rin ng toothbrush, ang ibig kong sabihin, ay kumuha ako ng hindi pa nabubuksan na toothbrush. Buti na lang mayaman talaga si Theo, mala-hotel ang banyo at kumpleto sa toiletries. Pwede nga akong sumayaw dito sa laki, nakahiwalay ang shower, toilet bowl, pati ang sink. Napahawak ako sa tiyan ko nang kumulo iyon pero namilog ang mga mata ko nang may maalala. Shit! Si Babes! Mabilis ko tuloy na binuksan ang pinto ng banyo at kumaripas patakbo sa taas kung nasaan ang kwarto. Ni walang katok-katok na binuksan ko ‘yon. “Ay p**e!” natutop ko ang bibig nang makita ang hubad na pwet ni Theo.