T.W: Violence/R@pe Darkness KAMILA Masaya kong binuksan ang pintuan ng bahay ngunit katahimikan ang sumalubong sa akin. “Mommy? Ate? Dad?” Wala ni isang sumasagot at napapitlag ako sa gulat nang biglang bumukas ang tv sa sala na siyang nagbigay ingay sa paligid. Ang barilan na ingay mula ro’n ay nagpalakas ng t***k ng puso ko. Tumakbo ako sa taas at sa nanginginig na kamay ay dumiretso ako sa kwarto nila mommy para lang mapatda nang makita silang tatlo ro’n na pare-parehong naliligo sa kani-kanilang mga dugo at mga wala ng malay. Lalapit na sana ako sa kanila nang may maramdaman akong malamig na bagay sa gilid ng noo ko at sa paglingon ko’y tumambad sa akin ang baril na nakatutok sa akin. “Checkmate.” “Kamila Estelle!” Hinihingal akong nagdilat ng mga mata at ramdam ko ang til