Mine…officially KAMILA “Ano? Hindi ka na naman makaka-attend sa practice ng Sabado? Kamila naman, patapos na iyong mga scenes dito sa school at kailangan na natin iyong scene outside the school premises, paano naming gagawin ‘yon kung wala ka?” Napabuntonghininga ako at napakamot sa buhok ko. “E-eh nasabi ko naman na sa inyo eh, hindi ako pinapayagan dahil kay mommy.” “Oh di doon na lang tayo sa subdivision n’yo instead kina Luna.” Hindi pwede. “Hindi din pwede–” “Ano ba ‘yan? Kami na lang ba maga-adjust lagi sa ‘yo?” iritang saad ng leader namin na si Ate Julie. Lumapit naman si Kuya Bryan sa kanya at tinapik-tapik siya sa braso tila ba sinasabing kumalma siya. Hindi ko naman din siya–o sila masisisi kung bakit sila naiinis na. Ilang linggo na ang matuling lumipas simula nang mag