Namumula KAMILA “Hala, salamat po dito, Tita. Ang dami naman nito,” saad ko at tinanggap ang paper bag na naglalaman ng muffins na bi-nake ni Tita Regina. Meron ding lasagna na si Ate Chiara naman ang gumawa. May pa-sharon pa talaga ako. Hangang-hanga na talaga ako sa lahi nila. Hindi lang magaganda, ang babait pa. Kumain ako kasama sila at sa una’y naiilang pa ako pero kalaunan ay nakapalagayang loob ko sila. Mas marami pa ata akong nasabi kesa kay Theo na parang tuod lang sa tabi ko. Tahi-tahimik lang. Nakipaglaro din ako sa mga pamangkin niya at kung anong ikinababa ng enerhiya ni Theo siyang ikinataas noong tatlong lalaki, sila Shiloh at ang kambal na anak ni Ate Candice. Si Selina naman ay parang mas dalaga pa kung kumilos sa akin. Englishera at nakikipag-usap din sa akin p