Boytoy
KAMILA
Pabatong ibinigay sa akin ni Theo ang folder matapos niyang walang kabuhay-buhay na pirmahan iyon. Sinilip ko ang cellphone ko nang makatanggap ng message kay Madam na napadala niya na rin sa bank account ko ang porsyento ko sa binayaran ni Theo.
Binuksan ko pa ang bank account na ginawa ko sa pamamagitan siyempre ng disguise ko at umawang ang labi ko’t mapait na napangiti nang makita ang malaking halaga roon. Ni wala nga akong paggagamitan nito lalo’t hindi ko naman kailangan. Sapat na sa akin ang kinikita ko dahil mag-isa lang naman ako sa buhay. I mean, may mga tinutulungan ako pero may nakukuhanan ako ng pera para roon.
Limang araw para sa ganitong pera?
Eto ba ang nagpasaya sa ‘yo noon, Ate? Alam kong hindi ko kayang kitain ‘to sa trabaho ko pero pwede naman tayong maging masaya…bakit–
“What are you waiting for? Let’s go.”
Umawang ang labi ko sa sinabi ni Theo at bago pa ako makatugon sa kanya ay tumayo na siya at iniwan ako. Nakita ko ang paghabol ng tingin sa kanya ng mga kasamahan ko at nang mapatingin sa akin ay isa-isang nagngiwian, para bang hindi nila tanggap na si Theo ang kumuha sa akin.
I can’t blame them. Kung gwapo na si Theo noon, triple yata ang iginuwapo ng bebe–este ng snow prince. Mas nag-mature siya at kung matangkad na siya noon, mas tumangkad pa siya. Bakat sa long-sleeve polo niya ang mamasel niyang mga braso at kanina’y kitang-kita ko ang ugat doon nang iangat niya pa ‘yon hanggang siko.
He’s amazingly hot, mysterious, and dangerous.
Dangerous?
No. Sa aming dalawa’y mas akmang dapat kong gawing description ‘yon sa sarili ko.
“Uy Stela, ano na, hindi mo ba susundan iyong kliyente mo? Tititig lang ganern?” bulong sa akin ng baklang host na may kagagawan kaya nanakit ang braso ko ngayon.
Doon ko lang napansin na nilingon na pala ako ni Theo at kahit hindi na siya magsalita ay kitang-kita ko ang inis sa mga mata niya at salubong na din ang kilay na napasulyap pa sa host na malapit na pala ang mukha sa akin.
Dali-dali tuloy akong tumayo at sumunod sa kanya matapos maibigay ang kontrata sa host para siya na ang mag-abot kay Mamang. Pero nagmabagal ako dahil pakiramdam ko’y aso akong sumunod sa amo niya at hindi iyon maganda sa pakiramdam.
Hindi naman na ako ang dating Kamila na parang tuta na nakabuntot sa kanya ah!
Pero…sabagay. Tatlong milyon ang winaldas niya sa akin.
Dapat ko ring kalimutan na hindi ako si Kamila–ako si Stela, at may misyon ako ngayon.
Nang makalabas kami sa club ay nilingon ko si Theo na nagpatuloy sa paglalakad patungong parking lot. Madilim na at tantya ko’y lampas alas-dose na malamang ang oras.
“Teka, Sir. Saan tayo pupunta?” tanong ko nang makarating kami sa madilim na parte ng parking lot.
Nilingon niya ako at tila ba tamad na tamad akong sinulyapan. “Since I bought you now, you need to know my rules, Kamila–”
“Stela. Besides, five days mo lang akong nabili, Sir. Huwag ka namang magsalita na parang panghabambuhay mo na akong binili.”
Umismid siya. “You’re too full of yourself, Stela. Why would I even buy someone like you for a lifetime?”
Sige. Insulto pa, Theo. Push mo ‘yan. Akala mo naman magpapadaig ako.
Kinuyom ko ang kamao ko. “Ooops, apologies, Sir. Nililinaw ko lang naman. Besides, hindi ko rin naman pinagbibili ang sarili ko para sa isang lalaki lang na makakasama habambuhay. Maraming lalaki sa mundo at sa trabaho ko bakit ako mags-stick lang sa isa? More boys, more fun!” animo nage-endorse ng produktong masaya kong saad sa kanya kahit ramdam ko ang asido na umaakyat mula sa tiyan ko patungo sa lalamunan ko.
Nagdilim ang mukha niya pero saglit lang naman ‘yon at sumeryoso na din. “Do you know how to drive?”
“Alin bang klase ang gusto mong manehohin ko, Sir?” I asked him with a hint of playfulness. Pinaninindigan ko ang tingin niya sa akin. “Marami kasi akong alam na manehohin at sakyan–”
Napaigik ako nang hinaklit niya ang braso ko at diniinan pa ro’n sa parte na putanginang may sugat ako.
“Enough with your innuendos remarks, woman! Hindi na ako natutuwa!”
Kahit nasasaktan ay nginisian ko siya. “Bakit? Kasi tinatayuan ka na–”
“What the f*ck?!”
Lumuwag ang pagkakakapit niya sa akin at niyuko ang palad niyang may bakas ng dugo mula sa braso ko. Mukhang lumala nga ang daplis na sinasabi ko kaya hindi naging sapat ang benda na nilagay ko at dumugo iyon lalo’t sobrang higpit talaga ng naging kapit niya sa akin.
Umangat ang tingin ni Theo sa braso ko at kung hindi ko lang alam na galit siya sa akin ay iisipin kong nag-aalala siya nang mabilis niyang hawakan ang pulsuhan ko tangkang tatalikuran ko na siya.
“Where the hell are you going?”
“Sir, bukas na lang natin simulan iyong five days mo–”
“No! You’re coming with me!”
Bago pa ako magprotesta ay nahila niya na ako patungo sa tingin ko’y kotse niya at animo isang bagay na halos ihagis ako sa shotgun seat. Nasabunutan ko ang buhok pero napamura dahil sa pag-angat ko ng kamay ay muli kong naramdaman ang kirot sa braso ko kaya agad kong ibinaba iyon.
Bwisit kasi iyong jeje na druglord na ‘yon!
Napatingin ako kay Theo na hindi ko namalayang nakasakay na ng driver’s seat. Kita ko pa ang saglit na pagkatigalgal niya nang mas maliwanag niyang nakita ang dugo sa kamay niya.
“Takot ka pa din sa dugo?” walang bahid ng pang-aasar na tanong ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin at padaskol na kinuha ang tissue at pinunasan ang kamay niya. Naglagay pa ng alcohol at muling pinunasan iyon pagkatapos ay bumaba ang tingin sa braso ko kaya napahawak naman ako doon.
Napangiwi ako nang makitang nalagyan din ng dugo ang palad ko kaya ginaya ko siya at kumuha ng tissue para punasan ang kamay ko. “Malayo ‘to sa bituka. N-nadaplisan lang no’ng pako sa pintuan sa bahay–”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang animo nagkakarera na mabilis niyang pinaandar ang kotse niya. Pero dahil sanay naman ako sa ganitong pagpapatakbo ay hindi naman ako kinabahan o natakot man lang. Kaswal ko lang din na sinuot ang seatbelt ko.
“Sir, saan ba talaga tayo pupunta?”
“Yuhhoooo. May kausap ba ako?”
“Wow. Salamat sa pagsagot.”
Napuno na ang sasakyan niya ng sarkastiko kong mga pahayag pero hindi pa rin siya nagsasalita. Kaya inis ko na lang na ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman din ang pagsama ng pakiramdam ko.
Nagdilat lang ako ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bag ko. Agad kong sinagot iyon nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone na siyempre nakalaan lang para kay Stela pero pagdating sa kanya, kahit saang misyon ako binibigay ko ang numero ko sa kanya.
“Oh babes, problem?”
Sa gilid ng mga mata ay nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Theo pero hindi ko siya siyempre pinansin.
“Hi babes, s-sensya na, si Lolly kasi nilalagnat ilang araw na–”
“Ano? Babes naman eh, sabi ko sa ‘yo tawagan mo ako kapag may mga ganyan tapos–”
“Babes, nahihiya na kasi ako.”
“Sus. Sa akin ka pa mahihiya, nagkakitaan na tayo ng lahat-lahat tapos–shit!”
“Hala babes, anyare?”
Sinamaan ko ng tingin si Theo nang basta na lang malakas na magpreno at kung wala akong suot-suot na seatbelt baka lumipad na ako palabas ng kotse niya.
“Get out.”
Pagtingin ko sa labas ay nakita kong nasa labas kami ng hospital. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Theo na bumaba.
“Babes?”
“Babes, padala ako tonight. Dalhin mo agad bukas o kung kailangan ngayon mismo. Tawag ako ulit later–”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may walangyang kumuha ng cellphone ko at basta-basta na lang ‘yon pinatay at hinagis sa hita ko.
“Rule number one, as your boss I want your full attention. Itigil mo muna ang pagkausap sa mga boytoy mo,” madilim ang mukhang saad niya at tinalikuran na ako.
Boss? Ah oo nga pala, for five days…
Pero boytoy?! Lokong 'to.
“Ano ba? I don’t freaking care if malayo sa bituka ‘yang sugat mo. Ipagamot mo ‘yan dahil ayokong makasama ang babaeng sugat-sugat,” lingon niya sa akin na kung nakamamatay lang ang tingin baka hindi sa daplis ng bala ako mamatay kung hindi sa mga mata niyang animo may laser.
Nag-mature nga pero mukhang may hindi pa rin nagbago sa lalaking ‘to.
Siya pa rin si Theo ‘pinaglihi sa sama ng loob’ Figueroa.