Busted
KAMILA ‘STELA’
“One more lie, and you're going to regret it, Kamila."
Putragis! At ano namang gagawin mo para pagsisihan kong nagsinungaling ako sa ‘yo?
Pero parang ayoko nang isipin pa iyon dahil nakakaramdam ako ng panlalamig sa sobrang lapit naming dalawa. Pero sa kabila no’n ay may kakaibang init naman akong nararamdaman sa gitna ng aking mga hita. The last time I let him this close to me was–
Shit! Get a grip, Kamila! Hindi ka niya pwedeng mabisto!
“Sir, ano bang–”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko at nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang labi ni Theo na dumiin sa leeg ko. Pakiramdam ko’y mabibingi na ako sa lakas ng t***k ng puso ko nang sipsipin niya pa ‘yon.
Kailan ka pa naging bampira?
Napahawak ako sa dibdib niya para itulak siya pero hinawakan niya lang ang pulsuhan ko at nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang dila niya sa balat ko. Ni hindi nga ako nakaramdam ng ganitong kaba kahit na noong nabisto ako sa isang entrapment operation namin sa isang drug syndicate tapos dito sa lalaking ‘to pakiramdam ko’y may kakayahan ang puso kong tumalon paalis sa katawan ko dahil sa malakas at mabilis nitong kabog.
“D-distansya naman, Sir. Sandali lang, masyado kang h-hot,” pilit kong sinasabi iyon ng kaswal at diretso pero pinagkanulo ako ng sarili kong boses.
Lumayo siya sa akin at doon ko lang yata naalalang huminga pa. He was smirking as he stared at me with his dark brown eyes.
“Not Kamila? Then what’s that birthmark? A tattoo?”
Napahawak ako sa parteng hinalikan niya at sa pagkakataong ito’y hindi ko na alam kung paano pang lusutan ang sinabi niya. Ngayon ko lang ikinainis ang birthmark kong hugis puso sa leeg na palagi kong ibinibida noon sa kanya.
I’m busted. Bakit ko nga ba naisip na maloloko ko ang taong ‘to?
Nang hindi ako magsalita ay muli niyang inilapit ang sarili sa akin. Napahawak ako sa balikat niya pinipigilan siyang makalapit pa sa akin dahil pakiramdam ko’y mawawala na ako sa huwisyo at hindi iyon pwedeng mangyari.
“Theo…”
Isang bigkas ko lang sa pangalan niya ay nagdilim na ang mukha niya at siya na mismo ang kusang huminto sa paglapit ng sarili sa akin.
Umismid siya. “So, you’re a w***e now, Kamila?”
Gagong ‘to? w***e!? Eh kung barilin ko ‘yang talong mo?
Pero siyempre hindi ko ‘yon magagawa. Hindi ko siya masasaktan. Hindi ko kaya–
Ah talaga ba?
Hindi naman ako dapat maapektuhan sa sinabi niya. Ano kung eto ang isipin niya sa akin? Eh hindi naman iyon ang totoo. This is my disguise.
The important thing to do right now is to make sure na hindi niya mabubulgar ang katauhan ko sa lugar na ‘to.
Tumikhim ako at malanding ngumiti sa kanya. “Grabe naman sa w***e, Sir. Escort kami dito, high end escort, nakita mo may artista pa? Hindi naman kami iyong pokpokin sa daan na–”
“Kamila–”
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng mabilis akong lumapit sa kanya at tinakpan ng palad ko ang bibig niya dahil nakita ko si Mamang na papatayo na sa kabilang table at nasisiguro kong dito na siya papunta.
“Hindi nga ako si Kamila! Stela! I-I mean, that’s my alias here. I’m begging you, don’t mention my f*cking name!” gigil kong saad sa kanya.
Nakita ko ang galit sa mga mata niya nang hawakan ang pulsuhan ko at alisin iyon sa bibig niya. Dumiin pa nga ang kapit niya roon pero mataas ang level ng pain tolerance ko kaya hindi ko alintana iyon.
“F*cking? You have a filthy mouth–”
“Thank you, Sir! Makakaasa kayo ng magandang serbisyo mula sa akin,” putol ko sa kanya at malanding hinimas pa ang braso niya ng masulyapan na si Mamang na ilang hakbang na lang sa amin.
Nagniningning ang mga mata ni Mamang habang nakatingin sa amin. Tila gustong-gusto pa ang nakikita niyang pagiging malapit ko sa customer.
“Get off me!” gigil na bulong sa akin ni Theo nang umabrisete pa ako sa braso niya.
“Ikaw ‘tong dikit nang dikit sa akin kanina! Ang arte mo.”
May pahalik-halik ka pa ngang animal ka!
“What the f*ck?” pagmumura niya pero tumigil nang binati siya ni Mamang. Lumayo na din naman ako sa kanya dahil pakiramdam ko’y apoy siyang pinapaso ako sa pagdidikit ng balat naming dalawa.
“Good evening Mr. Figueroa, I hope you’re enjoying your time with Stela.”
Hindi sumagot si Theo at walang buhay na sinulyapan lang si Mamang ng malamig.
Wow, elsa ang peg.
Ang lamig.
Tumikhim si Mamang at may inilapag na folder sa harap niya. “That’s our contract, Sir. Sa three million ninyong bid kay Stela, she owed you five days of her service, and since you’re a new customer, please read our terms and conditions–”
“Five days for three million?” He scoffed.
Bakit? Nagsisisi ka na? Sino nga namang tanga ang maglulustay ng tatlong milyon para sa limang araw–
“I want her for two months.”
Anong two months?! Hindi pwede! Kung siya lang ang magiging customer, ibig sabihin mawawalan ako ng rason para pumunta dito sa Belles? Hindi!
“Oh wow, I mean–”
“No.”
“Stela?” tila nagngitngit ang ngipin ni Mamang na tawag niya sa akin.
Ngumiti naman ako ng matamis. “Mamang, mukhang nakainom na si Sir Figueroa. Pipirmahan niya na ‘yan, kami na lang ang mag-uusap.”
Tinaliman niya ako ng tingin. Tila ba sinasabi ng mga mata niyang ‘wag ko siyang utakan.
Lumapit naman ako sa kanya at sa pag-upo ko sa tabi niya ay nakita ko ang nakakamatay na tingin sa akin ni Theo. Pero nagpasalamat ako nang hindi siya magsalita at padaskol niyang kinuha ang folder na naglalaman ng kontrata sa mesa. Kuryoso ang mga mata niya habang sinimulang basahin iyon hindi alintana na medyo madilim sa pwesto namin.
“Mamang, kung gusto niya talaga ng serbisyo ko, taasan ninyo ang presyo ko sa website. Mas kikita tayo no’n hindi ba? S-saka two months? Hihingi iyan ng discount!”
Gaga! Nasa mukha ba ni Theo na manghihingi siya ng discount.
Pero nang makita ko ang pagngisi ni Mamang ay mukhang nakumbinsi ko naman siya. “Sabagay, may tama ka diyan, Stela. Saka gustong-gusto ka din noong isang customer kanina. Aba’t mautak ka pala.”
Matapos sabihin iyon ay hinarap niya na si Theo at tumikhim pa siya.
“Sir, once you have signed the contract and made the p*****t, yours na si Stela for five days.”
Yours? Ano ko, bagay na binebenta online?
“Sa two months na sinasabi ninyo, you can go to our website and see for yourself if you’re still willing to avail Stela's services. Thank you.”
Kahit na hindi naman talaga ito ang totoo kong trabaho pakiramdam ko’y nanliit ako sa paraan ng pagtingin sa akin ni Theo. Naniningkit ang mga mata niya at tila ba isa akong basura na pinandidirihan niya.
“Right. I should do that. Perhaps there's someone else I might prefer, and not just her, as I think she's not the best here,” seryoso at mariin ang bawat salita niyang saad habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Naikuyom ko naman ang kamao ko at tila may kumirot sa puso ko sa isiping kukuha ng ibang escort si Theo sa Belles and Saints.
Ay hindi! Walang kirot-kirot sa puso! Iyong braso ko ‘to, iyon ang masakit! Nyeta kasing host iyon may pahawak-hawak pa!