Kabanata 2

1324 Words
Three million KAMILA I’ve been into numerous missions because of my job. Merong kailangan kong magpanggap na estudyante, tindera, janitress, minsan pa nga’y modelo at nasubukan ko na ring maging kandidata pa sa isang beauty pageant. Magpanggap na buntis habang umiiyak dahil niloko ng kanyang asawa. Hindi na rin bago siyempre ang pagpapanggap sa isang club, as a hostess. Hindi ko maalala kung kelan ako ninerbyos sa mga ganoong pagkakataon. Sa hirap ba naman na pinagdaanan ko sa pag-aaral lalo na sa training, ano ba namang nakakanerbyos sa pagpapanggap? Kaya naman gustong-gusto kong sabunutan ang sarili ko sa mga oras na ‘to dahil hindi mawala-wala ang mabilis na t***k ng puso ko at panlalamig ng mga kamay ko. Dahil sa daming pagkakataon naman na pwede kong makita ang taong ‘to. Ngayong gabi pa talaga. What now? Hindi niya naman siguro ibubuking ang identity ko dito sa club hindi ba? Shit. s**t. What if magtanong siya kay Mamang? Bilang proteksyon ko at parte ng mga plano ko, siyempre ay hindi ang tunay na Kamila Estelle Agostini ang pakilala ko. Kumuha ako ng ibang identity na nage-exist naman talaga. Si Stela Dimagalang. 24. Tubong probinsya at namasukan bilang waitress sa isang bar sa taguig. Merong inang may malubhang sakit samantalang ang ama naman ay matagal nang sumakabilang bahay. Meron siyang apat na maliliit pang mga kapatid. Paano kung sabihin ng lalaking ‘to na naging schoolmate niya ako noon sa isang exclusive school na imposibleng mapasukan ni Stela Dimagalang. Paano kung sabihin nito na ako si Kamila Estelle Agostini. Mabubuko kaagad ako! Nalintikan na! Pilit kong iniwas ang tingin kay Theo kahit na ramdam ko ang mapanuring tingin niya sa akin. Sa gilid nga ng mga mata ko’y nasulyapan ko pang kinakausap siya ni End pero ang tingin niya’y nanatili sa akin. Even though more than a decade has passed, and I have witnessed the significant changes in his physical appearance, I can't say that his eyes have changed. They are still the same eyes that could make me catch my breath. It's the same gaze that feels like he's peering into the depths of my soul. Nagsimula ang host na i-bidding kami na animo mga painting o kagamitan sa isang auction party. Umingay ang paligid dahil talaga nga namang merong mga escort na talagang pataasan kung presyuhan ng customer magawa lamang makuha. Napalunok nga ako nang marinig na may nag-bid agad kay Layla ng kalahating milyon at umabot ‘yon sa 700,000. Nakilala ko ang nanalo na isang kilalang abogado sa bansa at may usapin pang papasukin ang pagpupulitiko. Hanggang sa ako ang maging huli. "And now... for the new face of Belles and Saints, allow me to introduce our new Belle - Stela! Let's commence the bidding at one hundred thousand!" What? Sinimulan agad ako sa one hundred thousand? Fifty thousand nga lang doon sa isa eh. May papatol kaya– “Three hundred thousand.” Tumutok ang ilaw sa isang lalaki na nasa katabing pwesto nila Theo at End. Bandang kaliwa. Seryoso ang mukhang nakatingin siya sa akin. Tantya ko’y nasa middle age na ang edad niya, kaedaran siguro ni Ninong pero gayunpaman ay hindi naman maitatago ang gandang lalaking meron siya. Mestizo siya, at medyo may pagkasingkit ang mga mata. Matipuno ang katawan at halatang may sinasabi sa buhay. Nang maalala ang trabahong meron ako ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti kinalimutan ang mga matang nagmamatyag sa akin. Three hundred thousand? Would that amount be enough to be part of the A-list? Nawala ang seryosong tingin niya sa akin at napalitan iyon ng ngiti sa labi niya. Itinaas niya pa ang baso ng alak na hawak niya na tila ba sa pamamagitan no’n ay inaanyayahan niya akong bumaba na ng stage at puntahan na siya. “Five hundred thousand.” Naalis ang tingin ko sa kanya at nalipat ‘yon sa lalaking animo hari pa rin ang pagkakaupo at tila tamad na tamad na itinaas ang kamay niya. What the f*ck? Nagtaas siya ng kilay sa akin at naghahamon ang tingin na ibinigay. Para bang may gusto siyang gawin ko pero hindi ko alam kung ano! Mygad, Theo! Can you please just disappear from my sight?! “Five hundred thousand…going once–” “Six hundred thousand.” Bumaling ang tingin ko sa lalaki na unang nag-bid sa akin kanina. Pero hindi pa man nagsasalita ang host ay naagaw muli ng paligid ang boses ni Theo. “Eight hundred thousand.” Nagsinghapan ang mga escort na kasama ko sa stage dahil iyon na ang pinakamataas na bidding na narinig namin ngayong gabi. Pero hindi pa roon nagtatapos ang lahat. “One million.” Napatingin muli ako sa lalaki na nagsalita pagkatapos ay binalik ko ang tingin kay Theo na ngumisi. Sa ngisi niyang iyon at nang kunin niya ang baso ng alak at lagukin, natanto kong hindi na siya magsasalita. “Going once–” “Three million,” ani Theo at lumikha ng tunog ang pagbagsak ng baso niya sa lamesa. Narinig ko ang pagtawa ng lalaki kanina at pagkatapos ay umiiling-iling na uminom na lang ang alak. Theo f*cking won me as his escort. Theo Figueroa–na parang batang pinipilit ko laging ilibre ako noon ay nakipag-bidding para sa akin at makukuha ang serbisyo ko bilang escort sa halagang tatlong milyon. Amazing. But this is good right? Yes! This is good! Bilang escort mababantayan ko siya at makikita ang magiging pag-uusap nila ni Mamang. Pwede rin naman akong magpanggap na hindi si Kamila. Tama! Tama! Ano bang iniisip ko? I'm Kamila; I've already mastered the art of disguising. Malay niya ba kung ako at si Stela ay iisa! “Stela, dear, bumaba ka na doon at i-entertain si Mr. Figueroa. Oh my gosh! Three million? Wow. Bet na bet ka ni Sir, ikaw na!” I winced from pain when the f*cking host gripped my arms. Doon pa talaga sa meron akong daplis. Ang diin pa ng pagkakahawak niya roon na animo kilig na kilig. Gusto kong manapak pero pinilit kong ngumiti ng matamis at pasimpleng hilahin na lang ‘yon at bumaba na ng stage kagaya ng ibang mga escorts para magpunta sa mga customer namin. Huminto ako sa kinaroroonan nila Theo at si End nang makita ako’y muling nalaglag ang panga at napatayo pa. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. “Kamila?” Hindi ako si Kamila. Iwinala ko ang ngiti sa labi ko at kinunutan siya ng noo. “Pardon, Sir?” nagpapanggap na hindi alam ang sinasabi niya. “Kamila–” “Leave.” Naputol si End sa pagsasalita nang magsalita si Theo. Dahan-dahan namang lumingon si End kay Theo at humawak pa sa dibdib niya. “Ay wow, grabe ka naman dude. Pinapalayas mo ako? Pagkatapos ng pagsama ko sa ‘yo–” “Leave or I’ll call your girlfriend.” Parang bata na ngumuso si End at kakamot pa sa batok niyang napatingin sa akin pero nang masulyapan ang tingin sa kanya ni Theo ay iiling-iling na umalis na siya. Ibinalik ko ang ngiti sa labi nang magtagpo ang tingin namin ni Theo. “Hi, Sir. I’m Stela, you are?” alok ko sa kamay ko sa kanya pero hindi niya pinansin iyon at napasinghap ako nang hilahin niya ang pulsuhan ko’t higitin ako paupo sa tabi niya. Sinasabi ko sa sarili kong kalmahin ko ang sarili ko pero ramdam ko ang matinding kalabog sa puso ko nang maramdaman ang kamay niya sa baba ko at iangat iyon para magtagpo ang tingin naming dalawa. Doon ko natantong sobrang lapit namin sa isa’t-isa, na isang maling galaw ko lang ay magtatagpo ang labi naming dalawa. “What’s with your act, Kamila Estelle?” “K-Kamila Estelle? Sorry, Sir. But I’m Stela–” “One more lie, and you're going to regret it, Kamila," he whispered in my ear, and I felt goosebumps all over my body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD