KABANATA 2

1015 Words
NAKATULUGAN ko ang lahat ng may mabigat na dinadala sa dibdib. Hindi na nga ako nakakain matapos kong umakyat sa kwarto. Ginising ako ni Manang Rosa para sa dinner pero sinabi ko na busog ako. Nagmukmuk ako mag-isa sa kwarto. Binabaon sa unan ang aking mukha sa tuwing sasagi sa isip ko ang kahihiyang dinanas ko kahapon.       Alam na ng mga estudyante sa school ang tungkol sa pagkaka-gusto ko sa kay Kayden Valdez. Ano pa bang mukhang maiha-harap ko sa kanila. Lalo na kay Kayden. Pero siguro naman hindi niya ako maalala dahil hindi lang naman ako iyong may love letter. Mayroon din ang iba. Sila pa nga ang nagbasa.     Pero kasi mahina naman talaga ang loob ko. Isa pa, binu-bully ako nila Micah kaya nakadagdag iyon sa bigat ng dibdib ko. Alam ko kapag pumasok ako mamaya. Aasarin na naman nila ako.        Lagi na lang ako ang nakikita. Nai-stress ako at ako lang ang lumalaban. Hindi alam ng parents ko. Nagpasya akong hindi pumasok kinabukasan at nagdahilan na masama ang aking pakiramdam.       Pumasok tuloy si Mommy sa kwarto ng bandang tanghali na. Umuwi ito madaling araw na. Kaya tanghali nagising. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na hindi pumasok ngayon. Kukulitin lang kasi niya ako. Buti pa si Daddy, 'nung sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Okay na. Inutusan lang niya si Manang Rosa na dalhan ako ng pagkain at gamot.     Pero si Mommy kasi ay iba.     "Oli, what happened? Why are you sick? Hindi naman umulan kahapon? Ano bang masakit sa'yo?" she said the moment she opened the door.        Tumalikod ako at nagtalukbong ng kumot.       "My, parang nilalagnat ako. Pero sa loob. Masama talaga ang pakiramdam ko," pagdadahilan ko. Mahina ang pagkakasabi ko para magmukhang matamlay ako. Pero ang totoo naman talaga iyon ang nararamdaman ko. Matamlay ako dahil nade-depressed na ata ako sa nangyayari sa akin sa school.      Napahiya pa ako sa crush ko.       Naramdaman ko ang paglundo nito sa kama. Hinihila ang kumot na nakatabon sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Sasalatin niya sana ang noo ko kaso nakita niyang may mga bagong pimples ako doon.       "May bago na namang tubo. Hindi ka na naman naghihilamos bago matulog, Oli. Paano mawawala 'yan kung hindi ka sumusunod." Humalukipkip ito. Sinulyapan ko lang siya at bumalik sa dati kong pwesto. Ipinikit ang mga mata.     "Ginagawa ko nga 'yan. Ubos na nga iyong serum na binili mo sa'kin. Kulang na lang ipaligo ko. Pero natubo pa din," reklamo ko. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko dahil doon.     Palagi na lang nila akong sinasabihan na hindi kasi ako sumusunod. Kung ano-ano na pinapagawa sa akin. Lahat ng 'yon, sinusunod ko talaga. Pero wala naman. Babalik pa din. Tapos kapag nasanay na ang mukha ko sa product. Parang wala na siyang epekto ulit. Napapagod na ko. Gusto ko na lang sukuan at hayaang dumami ng dumami kung hindi lang ako pagtatawanan sa school.       "I'm gonna buy you a new one. Subukan natin iyong set na binili ko galing Korea. Tiyagain mo lang, Oli. Tsaka sabi ko sa'yo 'di ba. No oily foods and dapat mag-exercise ka. Healthy diet and exercise, Oli. Mawawala 'yan. Gaganda at malusog ka pa."         "Edi sinabi mong pangit din ako. Kasi kapag hindi ko ginawa. Ang pangit ko pa din." Napanguso ako. Naninikip ang dibdib ko.     "Hindi ka pangit. Ako ang Mommy mo. Panong pangit ka? May pimples ka lang. Babablik tayo kay Doctora sa sabado. Papa-laser na lang ulit natin 'yan at magpa-facial."       "Masakit na naman..." mahina kong sabi.        "Ganoon talaga! Tiis ganda. Wala ba kayong exam? Bakit hindi ka daw kumain kagabi at kanina?"     "Masama nga ang pakiramdam ko. Nasusuka ako kung ipipilit ko..." mahina kong sabi sa kanya. Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi. Mabuti na lang at kinuha ko ang gamot na iniwan ni Manang Rosa. Tinapon ko sa lababo para kunware nainom ko.       At least maniniwala si Mommy na may sakit nga ako dahil wala ng laman iyong gamot sa ibabaw ng lamesa.       Bumuntong-hininga ito.       "Pilitin mong kumain, Oli. Lalo kang magkaka-sakit niyan. Malamig na itong pagkain mo. Magpapadala ako ng panibago at siguraduhin mong kakainin mo na. Dapat na gumaling ka na para makapasok ka bukas. Tuesday pa lang ngayon. Mahirap kapag buong linggo kang absent."     Tumayo si Mommy. Hindi ako sumagot kaya nagsalita itong muli.       "Ako ang maghahatid ng pagkain. Tumayo ka na diyan at maligo para mapreskuhan ka. Gumanda ang pakiramdam mo..." anito.       Umungol ako bilang sagot.       Gaganda ba ang pakiramdam ko kung naalala ko iyong nangyari kahapon tapos babalik din ang ibang ala-ala ng pambu-bully sa akin noon. Nagpapatong-patong na. Minsan naiisip ko, ang malas ko. Siguro kung pinanganak akong mahirap. Baka hindi ganito ang problema ko. Kundi pera pero maayos naman ang itsura. Sana ganoon na lang kaysa sa ganito nga pero araw-araw akong nakikibaka sa mga estudyante na wala ng ibang ginawa kundi gumawa sa akin ng masama.       Anak ng mga politicians. Mga spoiled brat pero ang iba naman ay hindi. Kaso anong laban ng magulang ko doon. Natatakot ako na baka mamaya anong mangyari sa kanila. Madamay pa. Nahihiya din ako na malaman nilang binu-bully ako sa school. Masasaktan si Mommy kapag nalaman niya na ang anak niya ay tampulan ng tukso. Maihahambing pa ako sa kanya. Maririnig niya ang masasakit na salita at hindi ko alam ang aking gagawin kapag nakita ko si Mommy na manghina kapag nalaman niya ang lahat ng iyon.       Kaya naman sa mga sumunod na araw mas tahimik ako kumpara sa noon. Hinayaan ko sila. Ilang timba ng luha ang naipon ko gabi-gabi. Dumaan na ako sa depression at stressed. Hanggang sa magsawa sila at iba na ang pagtuunan ng pansin. Pero ganoon pa din. Binabalikan pa din nila ako. Hanggang sa tumapak ako sa kolehiyo.        Hindi nawala ang problema ko at tampulan pa din ako ng mga masasakit na biro. Nagpalipat ako ng school. Kahit saan ako magpunta. Ako pa din ang bida. Bida sa mga ino-okray. Kinimkim ko lahat ng iyon. Dahil sa mga masasakit na biro at salita naging mahina ako. Mahiyain at nilalayo ang sarili sa mga tao.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD