KABANATA 3

2094 Words
PINILI ko na ngang manahimik pero sa tuwing may pagkakataon ay nakukuha pa rin nila akong asarin. Umiling ako kay Cindy ng yayain niya akong sumama para tumingin sa ibang booth. "Kung hindi ka sasama at uuwi ka agad. Absent ka ngayon," sabi niya sa akin.  Niyakap ko ng mahigpit ang mga libro. Iniisip ko iyan kanina pa. Wala kasi akong gana at gusto kong matapos na lang 'yong projects namin at mag-re-review para sa finals. "Ubusin na lang natin ang oras sa likod ng building sa College of Nursing. Hindi na lang tayo titingin do'n," aniya at hinila na ko palabas sa room. Lahat ng mga estudyante sa Lopez International School Manila ay abala sa event para sa buong linggo na ito. 'Yong mga classmate ko nga kanina pa wala sa lobb ng classroom dahil excited sa mga booth at sa laro ng mga varsity players. Dumaan muna kami sa canteen para bumili ng pagkain na aabot pa hanggang mamaya. Iyong food namin dito ay monthly binabayaran ng mga magulang namin. Ganunpaman, may extra pa rin ako dahil binibigyanako nila Mommy ng monthly allowance na bihira ko lang din gamitin dahil nga lahat ng gastusin sa school ay sila naman nagbabayad. Bitbit ang paper bag na maraming laman ng pagkain ay naglakad kami papunta sa building. "Wait, Oli!" Natigilan ito sa paglalakad. Nilingon ko siya. "Hmm?" "Parang may naramdaman ako," aniya habang nakatulala. "Huh?" lito kong sagot sa kanya. "Mauna ka na nga doon. Antayin mo ko, kasi feeling ko..." huminto siya saglit at pagkatapos ay bumulong, "...meron yata ako." Nakangiwi niyang sabi at pati ako ay ganoon na din ang reaksyon. Medyo malayo na ang nalakad namin may bitbit pa kong paper bag. "Ako na mag-isa pupunta sa CR, antayin mo na lang ako doon, okay?" aniya at tumalikod na. Nagmamadali na umalis. Wala akong nagawa kundi sundin siya. Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan ng mga estudyante dahil sa kanya-kanya nilang pag-cheer sa paboritong team. Nagmadali ako sa paglalakad dahil nararamdamn ko na ang init ng araw. Pero dahil mamaya nasa likod kami ng building at maraming puno doon hindi naman masyadong tahimik. Tamabayan iyon ng mga estudyante din pero dahil nga may event sa school walang tatambay doon ngayon. Napahinto ako ng makita ko siya. Nakasuot na si Kayden ng jersey nito. Ang amo ng mukha niya. Sa lahat ng nakilala ko sa school, siya ang pinakagwapo at malakas ang dating para sa akin. Bumaba ang tingin ko sa braso niyang may kalakihan. Medyo nag-flex ang muscles nito dahil sa ginagawang pagtukod sa upuan. Hanggang ang aking tingin ay bumaba na sa mahahaba niyang binti.  Parang hinahalukay ang aking tiyan at bumilis ang pintig ng aking pulso. Nakatingala si Kayden habang nakaunat ang mga paa sa damuhan. Ang dalawang palad ay nakapahinga sa magkabilang gilid ng batong upuan.  Marami namang mauupuan pero hindi ko yata kaya na dumaan sa harap niya at kami lang dalawa. Napalunok ako at medyo nataranta. Bago pa niya ako makita ay nagpasya na kong tumalikod pa. Mamaya na lang ako pupunta kapag wala siya. I know he'll going to leave.  Sinipat ko ang suot na relo habang naglalakad na. Malapit ng mag alas-diyes. Magsisimula na ang laro nila mamaya. Dapat nga nandoon siya, bakit kaya nandito pa siya. "Why are you leaving?" Napahinto ako ng magsalita siya. Napakurap-kurap ako. Mas lalo yata tumindi ang kalabog ng puso ko. Nagsalita siya. Ako ba ang kausap niya? Walang ibang tao. Ako talaga 'yon. Napalunok ako at unti-unting lumingon. Naabutan ko siyang nakatayo na habang nakapameywang. Nakatagilid ang ulo habang pinapanuod ako. Nataranta ako ng magtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti.  "Uh, 'y-yong kaibigan k-ko... kasi. Uh, s-sunduin ko," nauutal kong sabi at hindi ko na magawang tumingin sa kanya. Pinagmasdan niya lang ako ng maigi pagkatapos ay naglakad na. Wala ng iba pang sinabi. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang maigalaw ang mga paa. Nag-aalangan ako kung tatalikod na din ba ako o maglalakad patungo sa upuan para ilapag na din ang bitbit ko. Sa huli, sing tigas ng poste ako habang nakatayo hanggang sa malagpasan niya ako. Napabuga ako ng hangin at laglag ang aking balikat. Para akong malalagutan ng hininga kanina. Para akong naglalakad sa ulap hanggang sa nanghihina akong napaupo sa batuhang upuan. Bilang lang sa daliri ko iyong pagtatagpo namin ni Kayden. Madalas may mga kasama siya. Ngayon ko lang naranasan na kaming dalawa lang talaga. Ilang minuto akong nakatulala at nakangiti. Kahit na walang sinabi si Kayden sa akin ewan ko ba bakit ang saya ko pa rin. Siya 'yong matuturing kong ultimate crush ko. Nagkaroon ako ng crush sa iba pero hindi ganito katindi pagdating sa kanya.  Natanaw ko si Cindy na paparating kaya sinikap kong maging normal. Inalis ko ang pagkain sa loob ng paper bag at nagpanggap na kunwari walang nangyari. We stayed there until the afternoon. Nagkwentuhan lang kami at nanuod ng love stories sa Netflix. Ilang beses kong pinapunta si Cindy para makapag-enjoy siya kaya lang ayaw naman niya at mas gusto niyang manatili sa tabi ko. "Sorry, ha? Hindi ka tuloy nag-enjoy sa activities." Ngumuso ako pagkatapos. Nililigpit ko na iyong earphone ko. "Okay lang. I can't have fun alone, Oli. Iniisip ko pa lang na mag-isa ka dito. Nalulungkot lang ako," aniya dahilan para matigilan ako at nag-angat ng tingin. Namumula ang aking mga mata dahil tumagos iyong mga sinabi niya sa akin. Nag-angat siya ng tingin sa akin matapos ilagay nito ang bag sa kanyang balikat. Ayaw ko na makisali sa booth o manuod. Kasi napapahiya lang ako. Tinutukso. Na-trauma yata ako last year dahil pinagtawanan nila ako. Nandoon pa naman si Kayden. Ngayon dalawang taon na lang ang kailangan kong tiisin at makakatapos na ko sa College. "Pero ayoko namang palagi kang sumamasa sa akin pagka ganito. May dalawang taon pa, hindi ka pa rin a-attend? Okay lang sa'kin, Cinds. Sanay naman ako," I smiled. Sinikap ko ipakita sa kanya iyong reaksyon ko na okay lang ako para hindi siya mag-alala. "Oli, friend kita noh! Kaya importante ka sa akin. Alam mo naman na kahit ako lang mag-isa doon pag-iinitan din lang nila ako. Hayaan mo na. We can have fun naman kahit tayo lang dalawa at marami pang ibang bagay na p'wede tayong maging masaya," aniya at umangkla na sa akin. "Pero minsan lang tayo maging estudyante—" "Quit the drama, Oli! Sige aalis na ko, kanina mo pa ko pinapalayas dito, eh. Sinasamahan na nga kita," sabi niya habang inaalis na ang kamay niyang nasa braso ko. "Hindi na nga!" dinaan ko sa tawa at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Kumurap-kurap ako para pigilin ang luha.  Sa dami man ng pangit na nangyayari sa akin sa school, si Cindy lang 'yong masasabi ko na magandang bagay na binigay sa akin para magpatuloy. Hindi ko maranasan iyong sobrang lugmok kasi may kaibigan ako na kahit anong mangyari nandiyan para sa akin. Nagpunas ako gamit ng tissue bago lumabas sa banyo. Natigilan ako ng naroon sila Micah, Loreen at dalawang babae na hindi pamilyar sa akin. Bakas agad sa mukha ko ang takot. Nakahalukipkip si Micah habang ngumunguya ng bubble gum at matalim ang tingin sa akin. "B-bakit?" sambit ko. Napaurong ako dahil unti-unti siyang lumapit sa akin. Tumaas ang kilay niya. "Alam mo nag-iinit talaga ang ulo ko sa'yo. Ewan ko ba bakit hanggang ngayon nandito ka pa. Hindi ka na lang lumipat sa ibang school," masungit niyang sabi.  Isa-isang pumasok ang mga kasama niya at sinarado ang pinto. Kumalabog nag dibdib ko sa kaba. "W-wala naman akong ginagawa. Uuwi na ko, Micah," sabi ko at sinubukang lagpasan siya kaya lang hinawakan niya ako sa braso at ibinalik sa dati kong pwesto. "Walang uuwi," kalmado niyang sabi at binigyan ulit ako ng matalim na tingin. "Nanahimik na ko, Micah. Iniiwasan naman kita, bakit ba galit na galit ka?" hindi ko maiwasang itanong. Pumiksi ako sa pagkakahawak niya at sinubukang humakbang pero hinarangan ako ni Loreen. "Your face is my problem! Ang pangit-pangit mo! Tsaka kahit wala kang ginagawa naiinis pa rin ako sa'yo! Hanggat hindi ka nadadala at lilipat sa ibang school. Pag-iinitan kita palagi." Tinulak niya ako ng malakas. Napadaing ako sa sakit ng puwitan ko dahil sa ginawa niya. Nagmamadali akong tumayo pero tinulak niya ako ulit. Namumula na ang mga mata ko at naiiyak na. Kahit ayaw kong gawin, tinulak ko ng malakas si Micah. Tumama ang likod niya sa pinto ng cubicle habang nanlalaki ang mga mata. "How dare you!" galit niyang sabi at sinugod ako ng sabunot. Hinawakan ako ng dalawang kasama niya sa magkabilang braso. Narinig ko pa ang pagtatawanan nilang lahat habang gigil na gigil si Micah sa kakahila ng buhok ko. "b***h! Ayoko idapo ang palad ko sa pangit mong mukha! Ang kapal mo para itulak ako, ha! Gusto mong isumbong kita kay Daddy! Walang magagawa ang magulang mong laos kapag sinumbong kita!" tili niya at hinila pang lalo ang buhok ko. "A-aray! Tama na! T-tama na..." Umiiyak na ako habang nagmamaka-awa. Hinang-hina ako ng bitiwan niya. Gulong-gulo ang buhok ko ng bitiwan ako ng mga kasama niya. Sinikap kong ayusin ang buhok kahit panay ang agos ng luha sa aking pisngi. Nanakit ang bunbunan ko. "Subukan mong magsalita tungkol dito. Makakatikim ka sa'kin. Kakampi sa'kin si Daddy. Mapapatalsik ka pa dito kapag sinabi ko na tinulak mo ko. Wala namang ambag ang parents mo sa school kaya sa akin sila kakampi, noh!" sabi niya sabay tinalikuran ako. Nagmamadali silang lumabas doon at sinara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag ng wala na sila. Humihikbi ako ng lumapit sa lababo. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Naghilamos ako at inayos ang buhok.  Bakit gano'n, sa panaginip ko. O, 'di kaya kapag ganitong ako lang mag-isa, iniisip ko na agad na papatulan ko sila. Kaya ko din. Hindi ako mananahimik pero pag andyan na tumitiklop ako. Umiiyak at nagmumukmok. Ilang beses kong kinalma ang sarili bago ako nagpasya na lumabas. Alas-sais na at madilim na sa labas. Nagpahuli ako dahil may tinapos kami ng partner ko sa library para sa presentation namin bukas. Nanlamig ang tiyan ko ng ilang beses kong inikot-ikot ang seradura pero ayaw bumukas. Kinalampag ko 'yong pinto.  "Micah! Micah!" Nanginginig na ang boses ko habang tinatawag ko siya. Sinubukan ko ulit buksan pero ayaw pa din. "Pabukas po ng pinto! May tao po dito!" nilakasan ko ang boses ko at baka sakaling marinig ako ng tao sa labas.  Mag-a-ala-siete na, uwian na din ng mga janitress ng ganitong oras. Iyong ibang teacher uuwi na din mamaya. Pinakamatagal na umuuwi 8pm na. Ayoko makulong dito mag-isa. Wala si Cindy dahil umuwi na kanina pa. Nagsabi ako sa driver namin na hindi ako susunduin dahil may dadaan pa ko sa mall mamaya at magtatagal kasi ako doon. Malas pang lowbatt ang cellphone ko at wala akong dalang charger! "May tao dito! Please! Buksan niyo ang pinto!" Humagulgol ako at kinalampag muli ang pinto. Ilang beses akong nagsisigaw doon hanggang sa napaos na ko at nanghihina na parang nauupos na kandila. Napaupo ako sa sahig. Kinalkal ko ang bag at kinuha ang cellphone ko. Baka sakaling mabuhay pa. "Please... please, gumana ka. Gusto ko ng umuwi." Naiiyak kong dasal habang inaantay na mabuhay ang cellphone ko matapos ko iyong i-on. Napapikit ako ng mariin ng makitang nabuhay iyon pero nagpapakita na ng warning na lobat na ito. Sumubok akong mag-text kay Mommy. Kaya lang natigil ako dahil malalaman niya ang nangyari sa'kin. Kaya sa huli, si Cindy ang tinext ko. Pangalan pa lang niya ang tinitipa ko ng mamatay na ang cellphone ko.  Napaiyak ako ng matindi. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko kung bakit sinagad ko 'yong battery life kanina. Hindi na sana ako nakinig ng music edi sana may buhay pa. Iyak ako ng iyak dahil natatakot ako mag-isa.  Mamaya pang alas-kwatro papasok ang mga staff. Kapag walang nagbukas sa akin ng pinto. Ibig sabihin no'n mag-aantay ako hanggang mamaya pa. Late mare-realize nila Mommy na wala ako. Na hindi ako uuwi dahil ang sabi ko 8PM ako uuwi sa amin. Malalam din niya ang nangyari kapag walang tumulong sa akin ngayon dito. Wala pa kong dalang pagkain. Wala akong choice kundi uminom ng tubig galing sa faucet. Sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong pero wala pa rin. Tinanggap ko na na makukulong ako dito hanggang bukas. Hindi ko akalain na kaya nilang gawin iyon sa akin. Isang pangit na karanasan na tingin ko dadalhin ko hanggang pagtanda ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD