KABANATA 1

1035 Words
MAS lalo akong naging tampulan ng tukso dahil doon. Umalis kami ni Cindy sa field habang nagtatawanan ang mga estudyante. Hindi pa nakakalayo ay narinig ko na ang pagsita ng ilang teacher kaya nagsi-alisan din silang lahat. Nangingining ako at hilam ang mga luha.        Dinala ako ni Cindy sa comfort room at ni-lock iyon.     "Sabi ko sa'yo, umalis na tayo. Ayan tuloy, mas napahiya ka pa lalo," si Cindy na abala na sa pagkuha ng panyo sa bulsa nito.     Naka-yuko lang ako habang tahimik na umiiyak. Nakakaramdam ako lalo ng insecurity. Matapos kasing sabihin nila na nakakadiri ang mukha ko ay mas lalo akong nalugmok. Ang dami pa namang nakarinig.        Bakit ganoon. Ginagawa ko naman lahat. Hindi nila iyon alam pero sumusunod ako sa utos ni Mommy. Nagpapa-alaga ako sa derma. Kung ano-anong pinapahid na nga sa mukha ko. Kaso mawawala pero babalik pa din. Hindi ko alam ano ba talaga ang problema sa akin.     Ilang taon na ito pero hindi na siya mawala. Kailangan ko siguro na tanggapin na parte na siya ng buhay ko. Masakit lang din na minsan nadadamay sila Mommy at Daddy.     "Maybe you're adopted. Your parents are beautiful. Bakit ikaw hindi?"     "Adopted nga 'yan! Sure ako!"       "Ang pangit! Hindi mana sa magulang! Nakakahiya 'yan ipakilala!"       Lahat ng iyon ay nakasiksik pa sa utak ko. Hindi ko magawang sabihin sa magulang ko dahil alam kong masasaktan sila. They love me. They are proud of me. Ayokong malaman nila na binu-bully ako dahil sa itsura ko tapos madadamay pa sila. Nakakahiya.     Literal na kumirot ang aking dibdib. Bumuhos ang panibagong luha sa aking mga mata. Kinabig ako ni Cindy para yakapin. Umiyak ako sa balikat niya.     "Huy! Huwag ka ng umiyak, Oli. N-naiiyak na din a-ako..." garalgal nitong sabi.     Niyakap ko siya ng mahigpit. Saksi si Cindy sa lahat ng nangyayari sa akin sa school. Siya lang ang kaibigan ko na tapat sa akin. Sinubukan kong maging friendly pero ang ending. Pina-plastic lang ako.     May isa akong kaibigan noon na scholar. Hindi sila tulad naming may kaya sa buhay. Sinubukan ko siyang kaibiganin pero halatang napipilitan din lang. Ayaw niyang madamay sa pambu-bully sa akin kaya sa huli iniwan din ako.     Si Cindy, mula una hanggang sa ngayon. Pinagtatanggol niya ako. Magka-iba man ang estado namin sa buhay pero siya may paninindigan. Hindi niya ko iniwan.     "Isumbong kasi natin sa faculty or sa councilor ulit..." si Cindy na lumayo sa akin ng kaunti. Kinuha ang panyo sa aking kamay at siya ang nagpahid ng luha sa aking pisngi.     Umiling ako. Ayoko dahil makakarating ito kay Mommy. Ayoko dahil kahit naman isumbong namin walang mangyayari. Bigatin ang mga classmate namin.     Bumuntong-hininga ito.     "Kapag ako naging anak ng presidente. Makakatikim talaga sila lahat sa akin," sabi nito. Alam ko naman na nasabi niya lang iyon dahil sa inis niya.      Huminga ako ng malalim.     "Tama na. Mamaya tanuningin ka ng driver bakit namumugto mata mo. Makakarating pa ito kay Tita." Inayos ni Cindy ang buhok ko.     Pinahid ko ang luha sa aking mata. Mabigat talaga ang pakiramdam ko. Ayoko na atang pumasok bukas. Buti na lang uwian na ngayon. Hindi ko ata kayang tumuloy sa klase kung ganito ang kondisyon ko.       Naghilamos ako ng mukha. Halata pa ang pamumula ng aking ilong. Napatingin ako sa bagong tubo na namang tighiyawat sa aking noo. Napapikit ako ng mariin. Bumibigat ang aking pakiramdam muli.       Hindi ko na alam ano pa bang ikukoskos ko sa mukha ko. Para lang matapos na ito.       "Ewan ko ba sa'yo bakit ang lakas ng loob mong magsulat niyan. Alam mo namang hindi ka papatulan ni Kayden! Maghilamos ka muna ng Holy water bago ka gumawa ng love letter. Baka kuminis ang mukha mo at pansinin ka niya!"        Ipinilig ko ang ulo ng muling maalala ang sinabi ni Micah. Mahihirapan akong makatulog nito mamayang gabi. Paulit-ulit iyang nasa isip ko. Iiyak ako buong magdamag at papasok na anamn akong masakit ang ulo.       "Maganda ka, Oli. Hindi lang siguro sa ngayon nawawala ang pimples mo. Malay mo pag tumanda ka na. Unti-unti mawawala na yan. Basta huwag mo gagalawin kasi magma-marka 'yan. Tapos magbutas-butas ang mukha mo. Tiis lang. Kumakain ka pa ba ng mamantika?" tanong niya.       Marahan akong tumango.       Napangiwi si Cindy at nasapo ang noo.     "Sabi ko sa'yo iwasan mo ang mamantika. Kasi nakakadagdag 'yon sa pimples mo. Kaya naman pala tumutubo, eh."        Umiling ako sa kanya.     "Cinds, kahit na hindi ako kumain non. Mayroon pa din. Isang buwan akong hindi kumakain ng fried food. Pero meron pa din. Nagsasawa na ko!" frustrated kong sabi.         "Dapat isama mo na siya sa daily routine mo. Malay mo sa ikalawang buwan wala na. Try it harder, Oli. Para din naman iyon sa'yo..." sabi ni Cindy. Inayos nito ang strap ng bagpack na suot.       Tumahimik na lang ako at hindi sumagot. Kinalma ko muna ang sarili ko bago kami lumabas sa comfort room. Nasa entrance na nga ang school bus ni Cindy kaya nauna na siyang umalis sa akin. Ilang minuto lang ay naroon na si Kuya Mark. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay namin sa Ayala Alabang Village.       Si Manang Rosa ang naroon dahil si Daddy ay nasa trabaho. Si Mommy naman ay may taping.      Hanggang ngayon ay aktibo sila Mommy at Daddy sa showbiz. Iyon nga lang hindi na tulad noon 'nung kabataan nila. We have our own Hotel Business. Minana pa iyon sa Lolo at Lola ko. Kahit na ang magulang ko na ang namamahala ay hindi pa din naman sila tumitigil sa paga-artista. Kapag may offer na roles sa isang serye or movies. Kapag gusto nila ay tinatanggap naman nilang dalawa.     Sa ngayon ay may tinanggap si Mommy na role sa isang movie na ipapalabas sa darating na pasko. Kaya si Daddy muna ang namamahala sa negosyo.     Nagiisa lang akong anak. Wala talagang plano ang magulang ko na bigyan pa ako ng kapatid. She cares about her figure at sapat na sa kanila ako. Basta daw may anak ay okay na.     Pero talaga bang masaya sila o ma-swerte sa akin? Kung ganito ang itsura ko? Malayong-malayo naman sa kanila. Walang may gusto sa akin. Walang may balak dahil hindi ako maganda. Hindi ako papasa sa standard ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD