“Kali, paki-refill naman ng mga sibuyas at chili oil,” utos sa kaniya ni Ate Mameng—may ari ng pinagtatrabahuhan niyang paresan.
Pinunasan niya ang basang kamay sa suot niyang apron. “Sige, ‘teh,” sagot niya.
Lumabas siya upang kunin ang mga walang laman na lagayan saka dinala sa kusina. Kinuha niya ang malaking tupperware at isa-isang ni-refill ang mga lagayan. Nang matapos ay inilabas niya iyon saka ibinalik sa lagayan. Nilapitan niya ang malaking kaldero na naglalaman ng pares saka hinalo iyon para hindi masunog ang ilalim.
“How much for that?”
“Fifty pesos kapag may kanin. Forty kapag wala,” sagot niya nang hindi nililingon ang nagtanong. “Bibili ka?” Tumunghay siya saka tiningnan ang bumibili.
Nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang nasa harapan.
“Anong ginagawa mo rito?” Singhal niya kay Zion Keith. Kasama nito ang dalawang kaibigan na nasa likod. Kumaway pa si Kael sa kaniya.
“We’re gonna buy all of that. Magkano ba?” Walang abog na tanong ni Zion Keith.
Lumaglag ang panga niya sa sinabi nito.
“Kali, ito pa ang ibang plato. Pakipunasan na lang,” lumabas si Ate Mameng na may dalang mga plato.
Tiningnan ni Zion Keith si Ate. Humugot ito sa bulsa saka inilabas ang wallet. Naglabas ito ng lilibuhin. “Okay na ba ang ten thousand para rito?” Tinuro niya ang kaldero.
Kumunot naman ang noo ni Ate Mameng na parang nagtataka.
“Bibilhin ko ito lahat. At isasama ko siya. Is ten thousand enough?” Pag-uulit nito.
“H—Huh? Eh, tama na iyon,” nauutal pang sagot ni Ate saka tinanggap ang perang inabot ni Zion Keith. Ngumuso naman ito na parang sinasabing sumama na ako.
Napanganga ako.
“Sumama ka na, Kalista.” Utos sa kaniya ni Ate Mameng.
Hinubad niya ang apron saka iyon isinabit sa lagayan nito. Lumapit siya kay Zion Keith na ngayon ay nakasandal na sa mamahalin nitong sasakyan.
"Let's go," binuksan nito ang pinto ng kotse.
"Saan tayo pupunta?" naguguluhan niyang tanong.
"Bibisitahin natin ang nanay mo," sagot nito.
Tumingin siya sa loob ng sasakyan may malaking fruit basket sa upuan. Tiningnan niyang muli si Zion Keith. This time ay mahina siyang itinulak nito papasok ng kotse. Narinig niya pang bumusina ang kotse sa likod nila saka lumabas ang ulo ni Kael sa bintana.
"Tama na 'yang labing-labing na `yan! Tara na!" sigaw nito sa amin.
"Shut up!" masungit na sagot naman ni Zion Keith. Tiningnan siya nito na parang naiinip na dahil hindi pa rin siya pumapasok sa loob. "Do you want me to carry you inside the car?" sarkastiko nitong sabi.
Inirapan niya ito saka sumakay sa loob. Malakas niyang isinara ang pintuan ng kotse nito. Nakita niya ang pagkagulat ng mukha nito sa kaniyang ginawa. Dali-dali itong umikot patungo sa drivers seat. Nang makasakay ay tiningnan siya nito ng masama saka nagsimulang magmaneho.
Dumiretso sila sa Clemente Medical. Naoperahan na naoperahan ang kaniyang ina. Hinihintay na lamang itong magising. Nagtungo sila sa kwarto kung nasaan ang ina. Naabutan niya si Ily na nagbabasa. Agad naman itong tumayo nang makita sila.
"Upo po kayo," alok nito.
Lumapit naman si Zion Keith sa kaniyang ina.
"Kailan siya gigising?" nag-aalalang tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung magigising ito. Dahil tinapat sila ng doktor na possibleng hindi ito agad magising.
Hinaplos niya ang mukha ng kaniyang ina. Nagkaroon ng blood clot ang ulo nito kaya inoperahan ito para maalis iyon.
"If you need cash. I can lend you more," sinserong sabi ni Zion Keith.
Tiningnan niya si Kael na ngayon ay kausap na si Ily. Si Caius naman ay tahimik lamang sa isang gilid. Huminga siya ng malalim saka tumingin kay Zion Keith.
"You don't know me. We're completely strangers, Zion Keith--"
"Keith. Just call me Keith." pagtatama nito.
"Okay, Keith. Hindi naman tayo magkaibigan. Bakit mo ako tinutulungan?" naguguluhan niyang tanong.
Tiningnan ni Keith ang kaniyang ina. Saka hinaplos ang buhok nito. "Coz you're lucky to have a caring and protective mother that loves you." Ngumiti ito pagkasabi. "I didn't experience having a mother like that. Ni hindi ko maalalang may ina ako kapag nagkakasakit ako. Hindi ko alam ang lasa ng luto ng isang ina. My mom was always in abroad, mas importante ang kumpanya at business namin kaysa sa kaisa-isang anak niya."
Nag-aalangan man ay mahina niyang tinapik ang balikat nito saka ito nginitian. "Mabait si Nanay, sobra. Napakaswerte namin na naging anak niya kami,"
"I wanted to help you because I wanna see her wake up."
"Matutuwa iyan kapag nalaman niyang may iba akong kaibigan bukod kay Joy," tiningnan niya si Keith na ngayon ay parang nagtataka. "May nasabi ba akong mali?"
Umiling si Keith. "So we're friends," tumango-tango ito saka ngumingiti.
"Ang tamis ng apple, gusto ninyo?" sabad naman ni Kael, kinakain na nito ang mansanas na nasa fruit basket.
Malakas na binatukan ni Keith si Kael. "Tarantado ka! Ikaw ba ang bantay at ikaw pa ang naunang kumain niyan?"
Sapo ang nasaktang batok ay ngumusonsi Kael. "Tikim lang, eh!"
"Hindi ka na nahiya! Tayo ang dumalaw. Tapos nangunguna ka pang kumain ng bitbit natin!"
Akmang babatukan pa ulit siya ni Keith pero agad siyang pumagitna sa dalawa. "Hep! Tama na 'yan. Kainin na lang natin ang mga prutas," suhestyon niya. Nagliwanag naman ang mga mata ni Kael.
Habang binabalatan niya ang ilang mga prutas na binili ng mga ito ay abala naman sina Keith sa pagkanta sa kaniyang nanay. Ang sabi nila ay nakakatulong daw ito sa pasyente para madaling magising dahil kahit tulog ang mga ito ay naririnig nito ang boses ng nasa paligid niya.
Kalog si Kael, ito ang palaging bumabangka sa kwentuhan. Si Caius naman ay tahimik lang talaga. Mabibilang lang ang salita nito. Halos si Keith at Kael lamang ang madalas mag-asaran. Napuno ng tawanan ang kwarto nila dahil sa dalawa.
Nang sumapit na ang alas onse ay nagpaalam na ang mga itong uuwi na. Hinatid niya ang mga ito sa parking lot.
Umuna na si Kael at Caius na umalis. Habang si Keith ay nakasandal na naman sa kaniyang sasakyan.
"Hindi ka pa ba aalis? Gabi na," aniya.
Pumalatak ito. "I can stay all night. I'm used to it. Laman ako ng bars," parang ipinagmamalaki nitong saad.
Tumango lamang siya. "Eh, babalik na ko. So diyan ka na?"
Tumango ito ngunit nakanguso naman na parang bata.
"May kailangan ka pa ba? Sabihin mo na,"
Inilahad nito ang kamay na hawak ang cellphone nito. Tiningnan naman niya ito ng nagtataka.
Nag-iwas ito ng tingin. "A-Anong number mo?" mahina ngunit abot naman ng kaniyang pandinig.
Natawa siya ng bahagya. Nahihiya ba ito? Ito ba talaga ang Zion Keith na kilala niya? Bakit parang hindi ito? Natatawang inabot niya ang cellphone saka itinipa ang kaniyang numero saka muling inabot dito.
Agad naman nitong kinuha iyon saka nagmadaling binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Bumusina ito saka tuluyang umalis.
Kinabukasan pagpasok niya ay masamanc tingin agad ang ipinukol sa kaniya ng kaibigan niyang si Joy.
"Anong problema mo?" tanong niya.
"Bakit naman hindi mo ako niyakag kagabi! Magkasama pala kayo ni Caius!" malakas na palahaw nito. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.
"Ano ka ba? `Wag kang OA! Dinalaw nila si Nanay sa ospital," mahina niyang paliwanag sa kabigan. Kinurot niya pa ito sa tagiliran. Kaya naman napaigik si Joy sa sakit.
Tinaasan naman siya nito ng kilay.
"At bakit naman sila dumalaw? Kailan pa kayo naging close?" Malakas na tampal sa kaniyang puwitan ang iginawad nito. "Ikaw ha? Dalaga ka na!" pang-aasar pa nito.
"Tumigil ka nga! Ano bang pinagsasabi mo diyan?" naglakad na siya pataas ng hagdanan. Agad naman siyang sinundan ni Joy.
"Asus! Balita ko kay Ily, siya ang sumagot ng pangpa-opera ni nanay."
"Oo,"
"Paano nangyari?" usisa ni Joy.
Huminga siya ng malalim saka ikinuwento rin ang puno't dulo ng lahat kung paano napasok sa buhay niya si Keith.
"Grabe, dalawang araw pa lang ang nakakalipas pero gano'n na agad siya sa `yo. Baka type ka niya?" nakangiting pang-asar ni Joy.
"Puwede ba? Malabong mangyari `yon. At saka. . . naawa lang `yon sa `kin. Huwag nating bigyan ng malisya. Babayaran ko rin naman `yon paunti-unti sa kaniya,"
"What if sa halip na pera ay puso mo na lang ang kunin niyang bayad?" umarte pa itong kinikilig.
Inismiran niya ito. Saka binuksan ang pintuan ng classroom nila. "Hindi ako ang mga tipo niyang babae kaya malabo `yon,"
"Malabo ang alin?"
Na-estatwa naman siya nang marinig ang boses ni Keith. Tiningnan niya ito. Kumaway si Kael sa kaniya. Si Caius naman ay ngumiti rin. Narinig niya ang mahinang pag-igik ni Joy. Kilig na kilig ang bruha.
"W--Wala," aniya."Bakit ka nandito?"
Tiningnan niya ang mga kaklase niyang nakatuton ang mata sa kanila.
"Sabay tayong mag-lunch," aya sa kaniya ni Keith.
Sasagot pa sana siya pero dinanggi siya ni Joy saka sumagot. "Surething pating!" galak na galak ang boses nito.
"Joy, right?" nakangiting tanong ni Keith.
Nanlaki ang mata ni Joy saka siya tiningnan. Humawak pa ito sa bibig saka sumigaw ng mahina. "Oo, pano mo alam?" dinaggi nito si Keith ng mahina. "Ikaw ha,"
Hindi naman ito pinansin ni Keith sa halip ay binalingan siyang muli. "Ano oras ba ang lunch niyo? Vacant kami ng twelve,"
"Twelve rin," sagot naman niya.
"Okay, sa kabilang classroom lang kami. Sabay na tayong pumunta sa cafeteria," pagkasabi'y lumulan na ito paalis.
"Bye pretty girls," nakangising sabi ni Kael saka kumindat kay Joy.
Nang makalampas ang mga ito ay nagulat siya nang biglang tumumba si Joy sa sahig. Dali-dali naman niya itong tinulungan.
"Anong nangyari sa `yo?" nag-aalala niyang tanong.
"I can't believe it. Makakasabay ko kumain mamaya ang ultimate crush ko!"
Nasapo niya ang noo. Ang akala naman niya ay napano na ang kaibigan.
"So, you're his new playtoy."
Sabay silang lumingon ni Joy sa nagsalitang si Jessica. Agad na tumayo si Joy saka nilapitan ito.
"Bakit? Inggit ka `no? Kasi kahit naghuhubad ka na hindi ka pa rin pinapansin ni Keith? Ewww," pang-aasar nito saka dinanggi sa balikat at nilampasan.
Umiling na lamang siya saka naglakad na rin.
Ngunit nagsalitang muli si Jessica.
"Well, well, well baby girl. Gan'yan si Keith, he will pretend that he's a good boy, a holy man, but when he get into your pants. He will dump you right away!"
Tumigil siya sa paglalakad saka ito hinarap.
"I'm not that naive, Jessica. I won't be like you. We're just friends. Nothing more, nothing less. So stop being like a jealous freak," pagkasabi'y naglakad na siya patungo sa kaniyang upuan.