Kanina pa siya nakatayo sa napakalaking bahay sa kaniyang harapan. May malaking gate na kulay itim at napakataas noon. Parang hihingalin ang magtatakangkang mag-akyat bahay bago pa ito makarating sa tuktok. May malaking nakaukit na "Montemayor" sa gitna nito.
Mukhang napansin naman siya ng isa sa mga guards kaya naman nilapitan siya nito saka tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Ikaw ba iyong entertainer?" Kumpirma nito sa kaniya. Napalunok muna siya bago tumango. Napailing ang guard. "Dito ka na dumaan sa isang pinto,"
Tumango naman siya at sumunod. Nang makapasok ay mas bumungad sa kaniya ang kalawakan ng lugar. Maraming palm trees na nakapaligid sa gilid ng maliit na daanan marahil ng sasakyan. Hindi kalayuan ang bahay sa gate, hindi naman ganon kalayo ang lalakarin.
"Nag-radio na ako sa mga katulong sa loob. Sasalubungin ka ni Myrna para ituro sa 'yo kung nasaan sila Sir," wika ng guard.
"S--Salamat po," aniya saka nagsimula nang maglakad.
Humahampas sa kaniyang balat ang lamig ng simoy ng hangin. Naka-spagetti strap lang siya at kita pa ang kaniyang tiyan saka nakasuot ng masikip na leather na palda. Idagdag pa ang mataas na heels na kaniyang suot. Hindi naman siya sanay magsuot ng ganito kataas kay naman dahan-dahan siya sa paglalakad dahil kapag nasira niya ito ay dagdag bayarin pa. Kaya nga niya ito tinanggap para kumita hindi para magdagdag pa ng bayarin.
Nang makarating sa entrance ng bahay ay mayroong ginang na nag-aabang sa kaniya. Marahil ay ito ang Myrna na sinasabi ng guard. Ngumiti ito sa kaniya saka lumapit.
"Halika, hija. Nasa may pool area sila Sir kasama ang kaniyang mga kaibigan," anito saka siya iginiya sa daan. Pinapalibutan niya ng tingin ang paligid.
Moderno ang disenyo ng bahay. . .mali, mansyon na itong maituturing dahil sa lawak nito. Sa harapan ng bahay ay may malaking fountain na katulad ng nakikita niya lamang sa mga telenovela sa telebisyon. At nang makarating sila sa pool area ay namangha siya. Nag-iiba iba ang kulay ng ilaw na nasa ilalim ng pool. Hindi niya mapigilan ang hindi mamangha. Bukod pa roon ay napakalaki ng swimming pool na iyon. At parang nabalik siya sa reyalidad ng tapikin siya ni Aling Myrna.
"Kanina ka pa hinihintay ng Sir, humayo ka na, hija." Nakangiting saad nito. Napaka-genuine ng ngiti nito na walang panghuhusga. Hindi katulad noong guard na halatang-halata sa mukha ang pagkadisgusto.
Kung hindi niya lamang kailangan ng pera ay hindi naman niya iyon papatusin.
Tumango siya kay Aling Myrna saka siya nito iniwan. Naglakad naman siya palapit sa mga taong nagtatawanan malapit sa pool. Maiingay ang mga ito at halatang nagkakasiyahan. Masyado rin malakas ang tunog ng speaker. Lahat ng mga ito ay nakatalikod sa kaniya kaya hindi niya makilala kung sino ang mga ito. Sinuot niya ang binigay na maskara ni Melissa saka naglakad para mas mapalapit. Ngunit nangatog ang tuhod niya nang mahawi ang ilang lalaking nagtatawanan. Bumungad sa kaniya ang lalaking binubuhusan ng alak sa kaniyang bibig upang inumin. Bahagya siyang napaatras sa kaba.
Si Zion Keith?!
Mukhang napansin nila ang kaniyang presensya kaya naman saglit natahimik ang mga ito. Maging si Zion Keith ay tumigil sa pag-inom ng alak. Pinunasan pa nito ang nabasang labi dulot ng ininom na alak.
"The fun starts here! Yeah!" Sigaw nito saka hinawi ang kaniyang baywang saka siya siniil ng halik. Nalasahan niya ang lasa ng alak sa mga labi nito. Mulat na mulat ang kaniyang mata habang si Zion Keith naman ay nakapikit at halatang dinadama ang paghalik sa kaniya. Nang igalaw nito ang labi at akmang ipapasok ang dila nito sa kaniyang bibig ay mabilis niyang naitulak ang binata. Napahawak siya sa kaniyang labi kasabay noon ang pagkatanggal ng kaniyang maskara.
Nanlaki ang mata niya nang bumagsak sa sahig ang maskara. Agad niyang tinakpan ang mukha at akmang pupulutin ang maskara ngunit mabilis na hinawakan ni Zion Keith ang kaniyang braso.
"I know you," kunot-noong sabi nito.
Lumapit naman si Caius saka Kael habang ineeksamina siya. Hinawakan ni Kael ang baba nito at umaktong parang inaalala kung saan siya nakita.
"Right! Siya iyong babaeng kausap ni Melissa kanina," pagkumpirma ni Kael.
Nagtagis ang bagang ni Zion Keith. "What are you doing here?"
"H--Ha? A--Ako 'yong ipinadala ni M-Melissa," nahihiya niyang sabi. Para siyang mauubusan ng hangin. Napahawak na siya sa kaniyang dibdib dahil parang nahihirapan na siyang huminga.
"What?! You don't look like an entertainer. Ni hindi ka marunong humalik," sita ni Zion Keith.
"Whoa bro!" Si Caius naman ay natawa.
"Go home," walang emosyong sabi ni Zion Keith.
Go home? s**t! Hindi puwede. Mukhang hindi ito natuwa sa itsura niya. Pero ginawa naman ni Melissa ang lahat para maging kaakit-akit siya. Ang problema lang ay baka hindi talaga siya kaakit-akit. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa mga ito kapag nagkasalubong sila sa University? Mas lalong kumabog ang kaniyang dibdib sa naisip.
"T--Teka, hindi ako pupuwedeng umuwi." Nauutal niyang sabi. Nangunot lalo ang noo ni Zion Keith.
"And why is that?" Masungit nitong tanong. Nag-aalab ang mga mata nito. Halatang hindi gusto ang kaniyang presensya.
"K-Kailangan ko a-ang p-pera," mahinang sagot niya habang nakatungo.
Zion Keith rolled his eyes. Bumuga ito ng hangin saka muling kinuha ang braso niya saka siya hinila palayo sa pool.
"Happy Birthday My Boy! Enjoy the rest of the night!" Sigaw ni Kael saka tinungga ang isang basong alak na hawak.
Diretso silang pumasok sa bahay. Bumungad sa kaniya ang malaking portrait ng kaniyang pamilya. Hindi niya masyadong napagmasdan dahil napakabilis ng paghila sa kaniya ni Zion Keith. Nakita pa sila ni Aling Myrna at sinundan ng tingin nang makita silang naglalakad pataas sa grand staircase.
"T--Teka, saan ba tayo pupunta?" Naguguluhan niyang tanong.
Pumasok si Zion Keith sa isa sa mga kwarto saka siya marahas na tinulak sa kama. Mas lalo siyang kinabahan. Ngunit tinatagan niya ang loob. Kailangan niya ng pera. Alam naman niyang may posibilidadn na mangyari ito at pinaalalahanan naman siya ni Melissa at pumayag siya kaya wala siyang karapatan mag-inarte pa.
Tumalikod ito at umalis saglit. Nang makabalik ay ibinato nito sa kaniya ang t-shirt. Tumama pa iyon sa mukha niya.
"Ano 'to?" Naguguluhan niyang tanong.
"Wear it, stupid!" Inis na singhal nito.
Nagulat siya sa sinabi nito.
"Huh? Akala ko magse-s*x tayo?" Nag-iwas siya ng tingin habang sinasabi iyon.
Zion Keith burst out laughing.
"What the hell, Miss. You didn't even know how to kiss!" Tumatawa ito na para ba siyang isang malaking joke.
Nahiya naman siya. Paano naman siya matututo? Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nahalikan ng lalaki.
"Pero 'di ba iyon ang ginagawa ng entertainer?" Aniya habang tinitingnan ang damit na ibinato nito sa kaniya.
"Kinda, but can you do it?" Lumapit sa kaniya si Zion Keith.
Nqkahubad baro ito at tanging itim na boxers lamang ang suot. Basa ang buhok nito habang namumula ng kaunti ang pisngi at labi nito. Napalunok tuloy siya nang maalala kung paano siya nito hinalikan.
"Ipapahatid na kita sa inyo," muling sabi nito na hindi na hinintay ang kaniyang pagsagot. "Wear that," wika nito saka siya tinalikuran pero maagap siyang tumayo saka hinawakan ang braso nito.
Tumigil si Zion Keith saka siya tiningnan.
"T-Tapos n-na?"
"Tapos na? Ang trabaho mo? Obviously yes. Hahanap na lamang kami ng iba. You don't fit in this kind of job. Wala sa hitsura mo ang tumatanggap ng ganitong trabaho. You're even trembling and I bet you're a virgin. Mighty God, I dont f**k virgins. They're dramatic! I don't want drama," kibit-balikat nitong paliwanag.
Humigpit ang hawak niya sa braso nito. "Pero kasi kailangan ko ang perang ibabayad mo," kinapalan na niya ang kaniyang mukha sa sinabi. "Nasa ospital ang nanay ko kaya napilitan akong tanggapin ang trabahong ito," aniya.
Nanatiling nakatingin sa kaniya si Zion Keith. Mukhang tinitimbang nito kung tunay ba o nagsisinungaling siya.
"Mahaba pa naman ang gabi. Ano bang gusto mong gawin ko? Puwede naman akong makipag-inuman. P'wede rin nama--"
"Shut up." Putol nito sa kaniyang sinasabi.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi siya pupuwedeng umuwi ng walang dalang pera. Kailangan maoperahan ng kaniyang ina. Binitiwan niya si Zion Keith saka nagsimulang tanggalin ang kaniyang spagetti strap pero pinigilan siya nito.
"Don't." Pigil nito. "Magkano ba ang. . .kailangan mo?" Hingang malalim na sabi nito.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "F-fifty thousand." Nakatungong sagot naman niya.
Inagaw nito ang t-shirt na ibinato sa kaniya kanina. Saka isinuot iyon sa kaniya. "I said I don't f**k virgins. I'll lend you money. Don't worry."
Parang gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ang sinabi nito. Isa-isang nag-unahan ang luha niya sa pagpatak. Nayakap pa niya si Zion Keith sa sobrang galak.
"Thank you!" Umiiyak niyang sabi habang paulit ulit na nagpapasalamat sa binata.
***
Inihatid siya ni Zion Keith sa ospital. Sinalubong naman siya ni Ily habang nanlaki ang mata nang makita si Zion Keith. Agad siyang siniko ng kapatid.
"Bakit kasama mo si Keith?" Usisa nito habang tinitingnan si Keith na ngayon ay nakatingin sa kaniyang ina na nasa ICU.
"Siya nagpahiram sa 'kin ng pera,"
Nanlaki lalo ang mata ni Ily. "Close pala kayo?" This time ay tinaasan siya nito ng kilay. "Baka mamaya girlfriend ka na niyan? Balita ko babaero 'yan, Ate!"
Pinandilatan niya si Ily dahil baka marinig ito ni Zion Keith. Nilapitan naman niya ito.
"What happened to her? She has bruises all over her face," usisa nito.
Tiningnan niya ang inang napapalibutan ng maraming aparato sa katawan.
"Binugbog ng tatay ko," malungkot niyang sagot.
"What?!"
Tiningnan niya si Zion Keith na ngayon ay nakatingin rin sa kaniya. "Where's your Dad? Napakulong ninyo na ba?"
Tumango naman siya. "Oo, dapat ay papasok pa ako sa raket ko kagabi. Mabuti at umuwi muna ako dahil may kakaiba akong pakiramdam na gusto kong umuwi. Nadatnan ko si Nanay na nakahandusay sa sahig habang tulad ng dati ay lango sa alak ang tatay ko." Kuwento niya rito.
"Mabait ba ang Nanay mo?" Out of the blue nitong tanong sa kaniya.
Ngumiti naman siya saka tiningnan ang ina. "Oo naman, siya ang nagtatrabaho para may makain kami noong mga bata pa kami. Kapag nagagalit ang tatay sa 'min dati at papaluin kami sinasalo niya iyon kaya mas lalong dumami ang mga pasa niya. Masakit na habang lumalaki ka ay nakikita mo ang nanay mong sinasaktan ng taong dapat at nagpoprotekta sa kaniya. Kaya naman ipinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para maialis ang buhay namin sa buhay na mayroon kami ngayon. Kaya gagawin ko ang lahat para sa operasyon niya Zion Keith. Kahit pa kapit sa patalim."
"You're lucky to have a mom like her," bakas sa boses nito ang lungkot. "Not everyone is blessed to have a mom who's loving and caring just like your mom,"
Dumukot ito sa bulsa saka nag-abot ng makapal na lilibuhin. "I don't have much cash pero sana makatulong itong kaunting meron ako para gumaling ang nanay mo,"
Halos malaglag ang panga niya sa tinuran nito. Pero nang tingnan niya si Zion Keith ay hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata nito.