Kabanata 4

1748 Words
Nang matapos ang klase ay nasipat na agad niya si Keith na nakasandal sa pintuan ng kanilang classroom. Pinagtitinginan ito ng kanilang mga kaklase habang kinikilig. Isinilid niya sa loob ng bag ang ilang gamit niya. "Bilisan mo naman!" mahinang untag sa kaniya ng kaibigang si Joy. Para itong bulating inasinan kasi hindi mapakali. Hindi na nga ata nito naintindihan ang lecture nila. Naglakad sila palabas. Agad naman kumaway si Kael sa kanila. "Hi, Aking Ligaya," kinindatan pa ni Kael si Joy. Ngumiwi naman ang isa saka nilapitan si Caius. Hinawakan ni Keith ang kaniyang sling bag na para bang kinukuha iyon. "Bakit?" aniya habang nagtataka. "Ako na magdadala," suhestiyon naman nito. Pinalis niya ang kamay ni Keith saka naunang maglakad. Ano bang pinagsasasabi nito? Mabilis naman siyang sinundan nito habang hawak pa rin ang strap ng bag niya. "Ako na," ulit nito. Hinarap niya naman ito. "Kaya ko naman." wika niya. "Loverboy, rawr!" pang-aasar naman ni Kael saka sila nilampasan. Umiling na lang siya saka naglakad na rin. Sa huli at hindi na siya kinulit pa ni Keith. Umupo sila sa usual na lamesa ng barkada nila Keith. "Kami na ang kukuha ng pagkain. Umupo ka na lang diyan," utos sa kaniya ng binata. Inilabas naman niya ang wallet saka nag-abot ng pera pero agad itinikom ni Keith ang palad niya saka ibinaba. "Sagot ko na `to." bumaling siya kay Kael, "Tara na kumuha," Naiwan sila ni Joy at Caius. Nakapamulsa si Caius habang seryoso ang mukha na tila naghihintay. Tumikhim si Joy saka lumipat sa bakanteng upuan sa tabi nito. "H--Hi," nahihiyang bati ng kaibigan niya. Palihim naman siyang natawa. Tiningnan siya ni Caius na para bang hinihintay ang sasabihin nito. "Ako nga pala si Joy," pakilala niya. Nanatiling walang imik si Caius. "Birthday ko na sa isang araw. P`wede ka bang pumunta?" Nabuga niya ang iniinom na tubig. Napatingin tuloy ang dalawa sa kaniya. Ang lakas naman kasi ng loob ng kaibigan niyang imbitahan ito! "Saan ang inyo banda?" baritonong boses na tanong nito. Tumingin sa kaniya si Joy habang malaki ang pagkakabukas ng bibig na parang hindi makapaniwala. Ni hindi pa nga pumapayag si Caius at nagtatanong pa lamang ng address niya ay parang hihimatayin na ang kaibigan niya. "Sa sentro ang amin, malapit sa plaza. Kung pupunta ka pupuwede tayong magtagpo sa plaza." Tumango naman si Caius saka inilabas ang libro nito at nagsimulang magbasa. Hinawakan ni Joy ang balikat nito kaya naman napatingin muli si Caius sa kaniya. "Pupunta ka talaga?" umaasang tanong ng kaibigan. Marahang tumango si Caius. "Promise?" paninigurado ni Joy. Inilahad ni Caius ang hinliliit nito. Tiningnan naman iyon ni Joy na mukhang nakuha nito ang ibig sabihin ng kausap. "Pinky promise," ani Caius. "Oy, oy, ano `yan?" usisa ni Kael. Ibinaba nito ang tray na naglalaman ng mga pagkain. "Birthday ko sa Sabado, punta kayo, ha?" "Okay," ani Keith saka umupo sa katabi niyang upuan. Pumalakpak si Joy. "Iniligtas ko siguro ang mundo sa unang buhay ko kaya nararanasan ko ito! OMG!" kilig na kilig ang bruha. Napailing na lang siya inasta nito. "Susunduin kita," sabi ni Keith sa kaniya saka naglagay ng tatlong plato sa kaniyang harapan. Napanganga naman siya. "I don't know what you like that's why I bought all the pasta that is available. You can choose or you can eat them all. I don't mind," sabi nito saka kumagat na burger na hawak. Tumikhim si Kael saka uminom sa hawak nitong juice. Pinandilatan naman siya ni Keith. Pinili niya ang carbonara saka inilagay sa gitna ang dalawang plato. Kinuha naman ni Joy ang isang plato at agad nilantakan iyon. "Anong oras ba ang party mo?" tanong ni Keith kay Joy. Nagkatinginan sila ni Joy. Uminom muna ito saka sumagot. "Ay oo nga pala. Kapag mayaman ay party, saming mahihirap ay handaan lang," tumawa pa ito. May bahid pa ng spagetti sauce ang labi nito. Natigilan ito nang punasan ni Kael ang gilid ng labi nito. Nakita niya rin na akmang aabutan ni Caius si Joy ng tissue pero mabilis nitong itinago ang kamay na may hawak na tissue. Mukhang siya lang ang nakapansin noon. "Magkita-kita na lang tayo sa plaza. At saka huwag kayong magdala ng mamahaling kotse. Please lang, kasi walang parking sa bahay namin. At saka baka pagchismisan ako ng kapitbahay namin. Baka akalain mga manliligaw ko kayo, `no?" Tumawa naman si Kael. Habang si Keith naman ay ngumiwi. "Makakasama ka ba?" tanong sa kaniya ni Keith. "Titingnan ko pa. Baka kasi walang bantay si nanay," "P`wede naman tayong sumaglit. Pagkatapos ay sasamahan kitang bantayan si nanay," anito. "Kalista?" Sabay silang lumingon ni Keith sa nagsalita. Agad na lumapit si Melissa rito saka humalik sa may gilid ng labi nito. Saka siya nginitian. Hinila nito ang bakanteng upuan saka inilapit kay Keith saka umangkla sa braso nito. "So what are you guys talking about?" nakangiting tanong ni Melissa. Nawala naman ang ngiti ni Joy. Hindi niya masyadong gusto si Melissa dahil palagi itong iniestsapwera. "Wala, nagbibiruan lang kami." si Joy ang nagsalita. Tumango naman si Melissa saka kumuha ng chips at binuksan. Sumandal pa siya sa balikat ni Keith. Nag-iwas naman siya ng tingin. "So are you guys free on Saturday? We can go clubbing!" masiglang sabi ni Melissa. "Sorry, I'm out. May pupuntahan ako," si Kael ang unang nagsalita sabay kindat kay Joy. "May pupuntahan rin ako," si Keith naman ang sumegunda. "Saan ka pupunta? Can I come?" nagpapa-cute na tanong ni Melissa. Umismid naman si Joy. "No. I have to. . .uhm, talk to mom," pagsisinungaling nito. Tumango naman si Melissa. Hindi na nito tinanong si Caius dahil siguro alam niya na rin ang sagot nito. Mahinang itinulak ni Keith si Melissa ngunit dahil mapayat lamang ito ay halos matumba ito sa upuan. "Tapos na ba kayong kumain?" tanong ni Keith sa kanila. Tumayo naman agad si Joy saka isinukbit ang bag. Sumunod naman si Kael pati si Caius. Tumayo na rin siya saka si Keith. "Let's go," anito saka iniwan si Melissa sa lamesa. Tiningnan niya ito. Masama ang tingin nito ngunit nang makita siya nitong nakatingin ay ngumiti ito agad. "Don't go near her," utos ni Keith habang naglalakad sila. Kumunot naman ang noo niya. "She's a friend," Tumigil ito maglakad. "Sinong kaibigan ang ibubugaw ang kaibigan niya?" "Hindi niya ako binugaw, Keith. Nagkataon lamang na iyon ang trabahong madaling pagkakitaan ng pera," paliwanag niya. "And you're not wondering why she knew that kind of job?" Nauna nang maglakad si Joy at Kael kasunod nito si Caius. Hinawakan ni Keith ang baba niya saka iyon itinaas ng bahagya dahilan upang magtama ang mata nilang dalawa. "Hindi magandang sumasama ka sa kanya. Baka matulad ka pa sa ginagawa niya," wika ni Keith. "She has reasons, Keith. Siya lamang ang nagsusuporta sa pag-aaral at pamilya niya." Umismid si Keith. "There are more decent jobs out there," Umiling naman siya. "Madali sa `yo ang sabihin ang mga salitang `yan. Naranasan mo na ba ang pakiramdam na gutom na gutom ka pero kailangan ninyong paghatian ang kakarampot na ulam? Naranasan mo na bang manghagilap ng pera dahil kailangan mong magbayad ng pang-tuition? Naranasan mo na bang kumapit sa patalim dahil kailangan mo ng pera para lang may maisuporta ka sa pamilyang ikaw lang ang inaasahan? Kasi kung hindi lahat ang sagot mo sa fanong ko, wala kang karapatan husgahan ang mga ginagawa nila para sa pamilya nila." pagkasabi'y nilampasan niya ito pero mabilis nitong nahagip ang kaniyang kamay. "I--I'm sorry," hinging paumanhin nito. Hinarap niya si Keith. "Kapag walang-wala ka, maiisip mo ang kahit ano magkapera lang. Kasi wala ka nang choice. Kaya maswerte ka dahil hindi ka namomoblema sa pera," "But I'm not happy, Kalista." Hindi siya nakapagsalita. "If I could only choose between our lives? I will gladly give you mine. I just want to have a mom who's gonna be there for me whenever I need her." Nauna nang naglakad si Keith. Na-curious tuloy siya sa nanay nito. Hindi ba nito inaasikaso ang sariling anak kaya ganito si Keith? Nagtungo na siya sa sunod niyang subject. Tumabi siya agad kay Joy. Sakto naman ang pagdating ng prof nila. Nagsimula ang lecture kaya naman hindi na niya masyadong naisip ang kuryosidad niyang nadarama kay Keith. Nang mag-uwian ay naunang umuwi si Joy. Nagtungo naman siya sa sakayan ng jeep ngunit bago pa siya makaakyat sa baitang ng jeep ay may bumusina na sa kaniyang likuran. Dumungaw si Keith sa bintana. "Ihahatid na kita," Kumunot naman ang noo niya. Saka muling tumingin sa punong-puno ng jeep. Halos hindi na makaupo ng maayos ang mga pasahero. "Miss sasakay ka ba? Kasi kung hindi bumaba ka na para makaalis na. Hirap na hirap na akong magpanggap na may nauupuan ang puwet ko!" mataray na sabi ng isang baklang nakasakay. Agad naman siyang bumaba. Saka umalis ang jeep. Lumapit naman siya sa kotse ni Keith saka iyon binuksan. "Sakay na," utos nito. Pumasok naman siya sa loob. "Sa ospital ka ba didiretso?" tanong nito saka pinaandar ang kotse. Tumango naman siya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin talaga siya sa ipinapakitang kabaitan ni Keith sa kaniya. Parang isang araw ay hindi sila magkakilala, ngayon ay narito siya nakaupo sa sasakyan nito at inihahatid pa. "Sasamahan kitang magbantay," nakangiting sabi ni Keith. "Wala ka bang lakad?" tanong niya. Tiningnan naman siya ni Keith. "Lakad? Saan naman ako magpupunta?" "Sa bar or sa. . ." huminga siya ng malalim saka nag-iwas ng tingin, "girlfriend mo." Tumawa naman ng malakas si Keith sa tinuran niya. "Nagsasawa na ako sa bar. At isa pa single ako," Tumango naman siya. "Sa sahod ko magbibigay ako ng konti para sa ibinigay mong pera. Baka matagalan akong makabayad. Medyo malaki kasi ang naipautang mo. Maliit lang ang sahod ko sa paresan," aniya. Iginilid ni Keith ang sasakyan saka tumigil. Hinarap siya nito. "Hindi naman ako naniningil. Isipin mo na lang na tulong ko `yon sa `yo. Mas okay naman siguro `yon kaysa winawaldas ko ang pera ko sa alak at yosi `di ba?" nakangiting sabi nito. "Pero masyado nang malaki ang utang ko sa `yo. At saka hindi mo naman dapat ginagawa `to." Lumapit ito sa kanya. Saka pinisil ang pisngi niya. "Saka na ako maniningil," anito saka siya kinindatan. Bigla ay parang may kakaibang naramdaman siya sa kaniyang tiyan. Parang may mga paru-parong naglalaro doon. Maging ang pintig ng kaniyang dibdib ay hindi normal. Mas malakas at mabilis iyon kaysa normal. Muli niyang tiningnan si Keith na ngayon ay ngiting-ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD