Kabanata 12

1062 Words
Kalista Solene Benitez “I like you, Kalista,” Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ni hindi siya makapagsalita dahil sa gulat na nadarama. Gusto siya ni Keith? Paano? “I like you the moment I saw you,” pag-amin nito. “H-Huh? Noong nagdala ako ng project kay Melissa?” Umiling si Keith. “Nope, wayback our freshmen days. Naglalaro kami ng basketball noon sa gym at dumaan ka, natamaan ka ng bola ni Kael. Ako ang nagdala sa ‘yo sa clinic. I was mesmerized by your beauty. Simula noon palagi kitang tinitingnan sa malayo,” Hindi siya makapaniwala. “Pero palagi kang maraming babaeng dine-date,” aniya. Keith scoffed. “Yeah, I admit that. Hindi ako marunong manligaw, sanay ako na babae ang lumalapit sa ‘kin at sila ang nanliligaw sa ‘kin. I can’t even talk to you ng hindi nauutal. But fate played it well, ikaw ang unang lumapit sa ‘kin and I took the chance. Naglakas ako ng loob, Kalista. Kasi baka kung hindi ngayon kailan pa?” “P-Paanong. . . B-Bakit?” Hindi niya alam ang sasabihin. “Maghihintay ako, Kalista.” Masuyo nitong sabi habang mataman na nakatitig sa kaniya. “Hindi ako titigil hangga’t hindi nagiging pareho ang nararamdaman nating dalawa,” Umiling naman siya. “May iba akong gusto,” mahina ngunit alam niyang umabot sa pandinig ni Keith. Parang may bumara sa lalamunan niya noong sinabi niya iyon. “Sino?” Laglag ang balikat na tanong ni Keith. “Hindi mo na kailangan pang malaman ‘yon,” pagkasabi’y tumalikod na siya ngunit agad naman siyang niyakap ni Keith patalikod. “Gusto ka ba niya?” Mahinahon ngunit puno ng hinanakit na tanong ni Keith. “O-Oo,” nanginginig niyang sagot. “Liar,” Kumawala siya sa pagkakayakap saka tiningnan si Keith sa mata. “Hindi kita gusto. Maraming Salamat sa lahat ng naitulong mo sa ‘kin pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo, Keith.” Pinilit niyang patatagin ang boses kahit na anumang sandali ay mababasag na iyon. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang nagbabadyang luha. “Why? Dahil ba basagulero ako? I can change. Just give me a chance. Aayusin ko ang pag-aaral ko. I can do that! I can be a role model if you want, Kalista. Gagawin ko ang lahat para lang bumagay sa ‘yo,” Bumagay sa kaniya? Hindi ba’t siya ang hindi nababagay para rito? Masyado itong mataas at hindi niya kayang abutin. Gustuhin man niyang tugunin ang pagmamahal ni Keith ngunit hindi pupuwede. “Umuwi ka na,” pagtataboy niya rito. Itinulak niya pa ito kaya naman sumalampak ito sa sahig. Parang gusto niyang sampalin ang sarili ng makitang umiiyak si Keith. Lumuhod ito sa harapan niya habang nakayakap sa kaniyang dalawang binti. “Kalista, please, gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Para lang magustuhan mo ako. Sabihin mo lang gagawin ko,” “Umalis ka na,” hindi na niya napigilan ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Habang pilit niyang tinatanggal ang pagkakayakap ni Keith sa kanya. “Umalis ka na, Keith. Please,” pagmamakaawa niya. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya at nagtagumpay naman siya. Malakas niya itong itinulak sa labas kaya naman sumadsas ang binata sa lupa. Sakto naman ang pagpatak ng ulan. Tuluyan na siyang umiiyak. Gustong-gusto niyang yakapin ito at bawiin ang mga sinabi niya pero pinigilan niya ang sarili. “U-Umalis ka na, please lang. Nagmamakaawa ako sa ‘yo umalis ka na,” Kitang-kita niya ang pagkawala ng emosyon sa mga mata nito. Hindi ito nagsasalita ngunit mataman lang siyang tinitingnan sa mata. Pinahid niya ang kaniyang luha saka walang paalam na pumasok sa loob ng bahay nila saka isinara ang pintuan. Naabutan naman siya ni Ilyana sa ganoong sitwasyon. “Ate? Umiiyak ka ba?” Nag-aalalang tanong nito. Hindi siya nagsalita. Sa halip ay niyakap niya ang kapatid. Napakasakit ng puso niya. Earlier Nagmamadali siyang tumakbo palayo kay Keith. Hindi niya akalain na makikita niya ang mga magulang nito. Presensya pa lang mga ito ay para na siyang lalamunin ng buhay. Kahit may edad na ang ina nito ay napakaganda pa rin at halatang alaga ang katawan. Maging ang tatay ni Keith ay makisig pa rin. Muli niyang tiningnan ang kinaroroonan ng mga ito. Nakita niyang nag-uusap si Keith at ang tatay nito. Napaibis siya nang may marinig na tumikhim sa kaniyang likuran. Nang tingnan niya ay nagulat siya ng makita ang nanay ni Keith. "So you are that girl," mataray nitong tanong. Tiningnan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa na para bang ineeksamina siya. "I don't wanna be rude, but stay away from my son." Napalunok naman siya sa sinabi nito. "By the looks of you, mukhang hihilahin mo lang pababa ang unico hijo ko. And he is going to marry the daughter of the Fortalejo. One of the wealthiest clans in Tierra del Sol. I bet you know them, right hija?" "O-Opo, Ma'am," "Akala mo ba ay hindi ko alam kung paano mong hinuhuthutan ang anak ko? You really have a thick face, hija. Ang anak ko pa ang pinagbayad mo ng hospital bills ninyo at maging ng tuition fee mo! Ang kapal ng mukha mo!" galit na sigaw nito. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. "You're a gold digger!" pagkasabi'y sinampal siya ng ginang. Halos mabuwal siya sa kaniyang kinatatayuan. Hinawakan niya ang nasaktang pisngi saka tumingin rito. "Wala po akong intensyon na masama," umiiyak niyang saad. "How much do you want? Ibibigay ko layuan mo lang ang anak ko. Oh my Gosh, this is so cliché but I don't wanna ruin my son's life for a low class girl like you! Talaga palang may mga katulad mong huthutera." "Hindi ko po hinuhuthutan si Keith," depensa naman niya. "Oh right, you'll tell me that you like him? Oh God, that was so Teleserye coded. Hija, spare the drama." "Nagsasabi po ako ng totoo," "I don't want you associated with my son. Here," inabot nito ang blankong cheke sa kaniyang palad. "Puwede mong ilagay ang kahit magkano basta layuan mo ang anak ko." tumalikod naman ito pagkatapos at naglakad pabalik da restaurant. Hinabol niya ito saka ibinalik ang cheke. "Lalayuan ko po siya. Hindi niyo na po kailangan na tapalan pa ako ng pera. Gagawin ko po iyon ng kusa,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD