Pagkababa pa lang ni Kalista ng tricycle ay nakita na agad niya si Keith kasama si Kael, Caius, at Mattino. Nakasandal si Keith sa motorsiklo nito na tila ba may hinihintay. Huminga siya ng malalim saka diretso ang matang naglakad.
Nang matapatan niya ang mga ito ay binati siya ni Kael.
“Hello, Kali baby,” masiglang bati nito saka tumalin sa harapan niya habang nakapamulsa.
“H-Hi,” tipid niyang bati.
“Nasaan si Ligaya?” Luminga-linga sa paligid si Kael na para bang naghahanap.
“Baka on the way na rin iyon,” aniya.
Tumango naman si Kael. “Siya nga pala, ito ang isa pa naming kaibigan. Pinsan ni Keith ‘to. Si Mattino,” hinila niya si Tino sa kaniyang harapan. “Naisama na namin siya noong patay ang Mama mo, bagong uwi lang ‘to galing States,” pagpapakilala nito kay Tino.
“Nakilala ko na siya,” wika naman niya.
“Yep, nagkausap na kami,” si Tino naman ang nagsalita.
Dinanggi naman ni Kael si Tino sa balikat. “Baka mamata pinopormahan mo ‘tong si Kalista, bawa ‘yan ha,” pabirong sabi ni Kael saka ngumuso kay Keith.
“Bakit? Wala naman nagmamay-ari sa kaniya. Single naman ako. Wala naman masama ro’n ‘di ba?” Nakangiting sabi naman ni Tino.
Malakas na sapak ang natamo ni Tino kay Kael.
“Sira ulo ka talagang lalaki ka, kapag sinabi kong bawal. Bawal iyan!”
“Let him,” sa wakas ay narinig niya ang boses ni Keith.
Tumayo ito pagkasalita saka ipinatong ang helmet sa ibabaw ng motor nito bago naglakad na palayo sa kanila.
Pumalatak naman si Kael saka naglakad sunod kay Keith. Si Caius ay sumunod na rin sa dalawa. Naiwan silang dalawa ni Tino.
“Let’s go?” Aya nito.
Nauna naman siyang maglakad. Sa totoo lang ay ayaw na niyang maugnay sa pamilya ng mga ito. Hindi niya pa rin malimutan ang mga salitang sinabi sa kaniya kahapon ng nanay ni Keith.
Totoo naman. Talagang iisipin nitong pineperahan niya ang kanilang anak dahil ito ang halos gumagastos sa kaniya. Ito rin ang nagbayad ng tuition fee niya. Maging ang hospital bills nila noon. Tapos siya pa ang may ganang tratuhin ang binata na parang walang utang na loob. Ni minsan ay wala itong ipinakitang masama sa kaniya. Kaya mas lalo siyang kinakain ng kaniyang konsensya.
Mabuti na lamang at natanggap na siya sa pastry shop sa bayan. Kabubukas lamang noon at saktong nangangailangan ang mga ito ng staff. Kasama niya si Joy doon. Kahit paano ay magkakaroon siya ng extra income. Hindi man niya mabayaran ng buo ang perang ginastos sa kaniya ni Keith ay pipilitin niyang mabayaran iyon.
Nang makarating sa classroom ay naabutan niya si Melissa na halatang hinihintay siya. Sumenyas ito na mag-usap sila sa labas. Kaya naman lumabas siyang muli. Nagtungo sila sa may fire exit kung saan kakaunti ang tao.
“Yesterday he’s with me,” nakangiting wika ni Melissa.
“H-Huh?”
Hinawakan nito ang kaniyang palad saka iyon pinisil. “Si Keith. Pinuntahan niya ako kagabi. Basang-basa siya ng ulan. But the moment I opened the door. He started kissing me. . .”
Hindi naman siya makapagsalita. Para bang sinaksak ang puso niya ng kutsilyo.
“And then we f****d all night. That I can’t even able to walk properly.” Nakangising saad nito.
Huminga siya ng malalim. “B-Bakit mo kinukuwento sa ‘kin ‘to?”
Lumapit ito sa kaniya saka ngumiti ng malawak.
“So you can wake up from daydreaming, Kalista. Hindi porke’t mabait sa ‘yo si Keith ay gusto ka na niya. Or maybe he told you that he likes you? And you believe him? Nah, girl, he’s always like that. But believe me, he just want to get on your pants. After that? He’ll leave you because he’s done.”
Napasinghap naman siya sa narinig. Para bang mas lalong sumakit ang dibdib niya sa mga sinabi ni Melissa. Pakiramdam niya ay nilagyan ng suka at asin ang sugat sa kaniyang puso saka muling sinaksak muli upang mas lalo siyang masaktan.
“Huwag kang masyadong magpapaniwala sa kaniya, Kalista. You’re better than this, girl.” Tinapik ni Melissa ang kaniyang pisngi.
“Kung gano’n bakit ka nagpapagamit sa kaniya?” Lakas loob niyang tanong.
Pumalakpak si Melissa na tila ba nasiyahan sa kaniyang tanong. “He’s good at bed. . . Like so so so good.” Tila ba nahihibang nitong sabi habang tumatawa pa. “And of course he’s paying me, wala nang libre sa mundo ‘no.”
Kinuyom niya ang palad. Nanlalamig ang kaniyang buong katawan at unti-unting nanginginig ang kaniyang kalamnan.
“Girl, there’s so many fish in the sea. And besides there’s a rumor that he will marry a Fortalejo someday,” bulong nito sa kaniyang tainga.
Hindi na niya kaya pang pakinggan ang mga sinasabi ni Melissa kaya naman iniwan na niya ito. Pumasok siya sa classroom nila upang kunin ang kaniyang bag. Nagmamadali siyang maglakad. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nag-uunahan ang kaniyang mga luha sa mga mata. May nadanggi pa siya ngunit hindi na siya nag-atubilu pang alamin kung sino ang taong ‘yon. Tuloy-tuloy lamang siyang naglakad palabas ng eskwelahan nila. Wala na siya sa tamang pag-iisip. Dire-diretso lang siyang naglakad hanggang sa hindi niya namalayan na nasa may pedestrian lane na siya. Isang malakas na busina ang nakapagpabalik sa kaniya sa huwisyo. Mabuti na lamang at may kamay na humila sa kaniya kundi ay baka nabangga na siya ng dumaang sasakyan.
"What the f**k, Kalista! Muntikan ka ng mabangga!" histerikal na sigaw ni Keith sa kaniya.
Itinulak niya ito saka siya umatras.
"Wait are you crying?" tila nagtataka ito. "Anong nangyari?" napalitan ng pag-aalala ang boses ni Keith. Lumapit ito sa kaniya at nang tila hahawakan siya ay malakas niyang sinampal ito sa pisngi.
Natigalgal si Keith at hindi kaagad makagalaw.
"Huwag mo akong lapitan," umiiyak niyang saad.
"Kalista," masuyong tawag nito sa kaniyang pangalan.
Umiiyak siya sa hindi malamang dahilan. Umiiyak ba siya dahil sa katotohanang baka nga pinapaikot lang siya ni Keith? O, dahil ba sa ikakasal na ito sa iba. O sa katotohanang kahit gusto nila ang isa't isa ay hindi pupuwede dahil magkaiba sila ng estado sa buhay.
"Sinungaling ka!" sigaw niya habang hinahampas ang dibdib ni Keith.
"W-What?" tila nagtataka naman ito.
"Sabi mo gusto mo ako! Pero bakit ka nakipaghalikan kay Melissa!" tila nanunumbat niyang sabi.
"What? Saan mo naman nalaman 'yan?" mukhang naguguluhan naman si Keith sa sinabi niya.
"Nagmamang-maangan ka pa? Sinabi sa 'kin ni Melissa kanina!"
"What the hell! Ni hindi ko siya nakasama kagabi. I'm with Kael and Tino last night. Kahit itanong mo pa sa kanila." paliwanag nito.
"May nangyari daw sa inyo!"
Nanlaki naman ang mata ni Keith. "What the f**k, Kalista. Matapos mo akong bastedin, sa tingin mo ba may gana pa ako sa ganoong bagay? damn, I wanna cry my heart out. Kaya nakipag-inuman na lang ako sa dalawa. I can't do that to you! Hindi ako magtataksil sa 'yo," masuyo nitong hinawakan ang pisngi niya. "Tell me, why are you crying, my lady?"
Tumulo ang luha niya ngunit pinahid naman iyon agad ni Keith. Paano ba niya sasabihin na gusto niya rin ito? Ngunit hindi niya rin maintindihan kung bakit sinabi iyon ni Melissa. Gusto ba nitong siraan si Keith? Hindi niya malaman ang dahilan.
"Anong pakiramdam noong nalaman mo na nakipag-s*x ako sa iba?" biglang tanong ni Keith. "Does it hurt your heart?"
Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi saka masuyo siyang tiningnan. "Tell me, be honest, Kalista. does it hurt you?"
Pumikit siya. At sa halip na sagutin ang tanong ni Keith ay dinampian niya ng halik ang labi ng binata.
Sapat na siguro iyon para masagot ang katanungan nito.