Kabanata 11

1027 Words
Zion Keith Montemayor's Kasalukuyan silang nasa loob ng restaurant. Nasa harapan niya ngayon ang pamilya ng mga Fortalejo. Matagal na niyang alam na nakatakda silang ikasal ni Tosca. Ngunit noon ay wala naman siyang pakialam dahil tanggap na niya ang kapalaran niya. Kaya nga siga nagpapakasawa sa babae dahil alam niyang matatali rin siya pagdating ng araw. Ngunit iba ngayon. Tiningnan niya si Tosca na abala sa pagsimsim sa wine na hawak nito. Nagkatinginan sila saka siya biglang kininditan ng dalaga. Napangiwi naman siya. . Tosca is gorgeous. Aminado naman siya. Noon ay wala siyang pakialam sa usaping ito. Ngunit iba ngayon. "Happy Birthday, Keith," bati sa kaniya ni Tosca saka inabot ang isang paper bag na puti. Inabot naman niya iyon. "Thanks," tipid niyang sagot. "Who's with you kanina? Is she your friend?" usisa nito. Tumikhim naman siya saka tumingin sa mga magulang niya. "Yeah, a schoolmate." "Hmm, then why are you together?" umakto pa itong parang nag-iisip. "Even so, she looks poor. I can say sa pananamit niya pa lang. It looks cheap," tumawa pa ito na para bang may nakakatawa sa sinabi. Nagpanting ang tainga niya. Sa inis ay hinampas niya ang lamesa. Mukhang nagulat naman silang lahat. Lalong-lali na si Tosca. "Zion Keith!" sigaw ng kaniyang ama. "I didn't raised you to be rude to other people!" "`Pa, she's insulting my friend!" "I didn't insult her! Excuse me, that's a fact!" sigaw naman sa kaniya ni Tosca. Tumayo pa ito saka siya matalim na tiningnan. "Come on kids, calm down," pagpapakalma ng kaniyang Mama. "Tosca, sit down." utos naman ng ina ni Tosca. Padaskol itong umupo sa upuan saka siya inirapan. Magkaklase sila ni Tosca simula kindergarten hanggang elementary. Magkaibigan kasi ang kanilang mga magulang. Ito lamang ang nag-iisang babae sa kanilang grupo. Nagkahiwalay lang sila nang lumipat ang mga ito sa States noong highschool sila. Ang usapang kasal ay para mas lalong mapagtibay ang dalawang pamilya. Montemayor - Fortalejo. Isa sa mga pinakamayaman sa Tierra del Sol. Mas lalawak ang investors kung magsasanib ang dalawang kumpanya. Wala naman silang alitan ni Tosca, ngunit parang kakaiba ito ngayon. Sa katunayan ay close na close sila noon. "Magsimula na muna tayong kumain," anang kaniyang ama. Isa-isang hinain ng waiter ang mga pagkain. Wala na siyang gana. Gusto niyang sundan si Kalista at magpaliwanag pero heto at nandito siya kumakain at nakikipagplastikan sa mga Fortalejo. "I want to discuss the engagement of the two. Bakit hindi natin isabay sa darating na kaarawan ni Tosca? She's gonna be eighteen. At marami akong inimbitahan," suhuestiyon ng nanay nito. "Hindi po ba masyado tayong nagmamadali?" sagot naman niya. "It's fine with me," ani Tosca saka sumubo ng kinakain nitong pasta. Tumayo na siya saka hinila si Tosca sa upuan. Nagpupumiglas pa ito at ayaw tumayo. "What the hell, Zion!" sigaw nito habang hinahampas ang kamay niya. Hindi naman siya natinag at hinila pa rin niya si Tosca palabas ng restaurant. "What's with you? Ang sakit ha!" halod mangiyak-ngiyak ang boses nito. "What was that?!" inis na bulyaw niya rito. Nameywang si Tosca saka siya hinarap. "You like that cheap girl over me?!" "Tosca, don't act like as if we have a relationship!" Sinampal siya nito. Natigalgal siya sa lakas. Parang tumining ang tainga niya dahil sa impact ng sampal. "Then what about the kiss?" Kumunot ang noo niya. "What the hell are you talking about?" naguguluhan niyang tanong. "So you forgot it all of a sudden, kasi you have that girl na! Nalimutan mo na agad? Before I left going Chicago! You kissed me! You fuckin kissed me! I-I thought you like me. . . that was my first kiss! Kaya pala you didn't contact me eversince! How dare you!" pinaghahampas siya nito sa dibdib habang umiiyak. Niyakap naman niya ito para kumalma. "I can't remember," medyo huminahon ang kaniyang boses. "You filthy son of a b***h! How dare you forget!" hinahampas pa rin nito ang kaniyang dibdib habang umiiyak. "Y-You like that cheap girl?" mahinahon nitong tanong. "Yes," diretsong sagot niya. "She's not even pretty!" "She's the most prettiest girl I've ever seen," hindi niys mapigilang hindi mapangiti. Humiwalay si Tosca sa pagkakayakap sa kaniya saka nagpahid ng luha. "She looks poor," Tumawa naman siya. "So what?" "Your parents might not approved her," Huminga siya ng malalim. "I know, that's why I didn't pursue her," "Then we can get married." Pinitik niya sa noo si Tosca saka ngumiti. "I can't imagine my life being married to someone else," Natutop ni Tosca ang sariling bibig. Tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. "You're really smitten to that poor girl, huh?" Tumango naman siya. "I won't give up, Zion Keith. You're mine and only mine." pagkasabi'y lumulan na ito paalis. Akmang aalis na siya nang tawagin siya ng kaniyang ina. Malakas na sampal naman ang iginawad sa kaniya nito. Pakiramdam niya ay napakamanhid ng kaniyang mukha dahil kanina pa siya nasasampal. "How dare you para ipahiya kami sa mga Fortalejo!" nangigil na wika nito. "Ana, calm down your voice," pigil naman ng kaniyang ama. "Maybe it's just a misunderstanding. Zion is just fooling around, right son?" pagtatanggol sa kaniya ng ama. "No, `Pa. I really like her. At ayaw kong makasal kay Tosca." Akmang sasampalin uli siya ng kaniyang ina ngunit pinigilan ito ng kaniyang ama. "You're making a scene, Ana. Please, sa bahay na tayo mag-usap." pagkasabi'y nilampasan na siya ng mga ito. Mabilis naman siyang sumakay sa kaniyang motorsiklo sa nagmaneho patungo sa bahay nila Kalista. Halod paliparin na niya ang kaniyang motorsiklo. Kanina pa siya kating-kating puntahan ito. Nang makarating sa bahay nila Kalista ay mabilis siyang tumakbo saka kumatok sa pintuan. Sakto naman na ito ang nagbukas. Nakapambahay na ito at halata ang gulat ng.makita niya. "Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong nito. Agad naman niya itong niyakap. "Keith, huy, ano ba?" pilit nitong inaalis ang yakap niya. "It's my birthday today. And I want it to spend my day with you," "H-Huh? Teka, `Di ba nand'yan ang mga magulang mo. Bakit hindi mo sila isamang mag-celebrate," "I like you, Kalista." biglang sabi niya. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. It's now or never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD