Kabanata 5

1959 Words
"Ate, mas magands itong puting bestida kaysa diyan sa bulaklakin para kang manang naman diyan," nakangiwing sabi ni Ilyana sa kanya. Umiling pa ito saka siya nilapitan. Inikot siya ng kapatid para eksaminahin ang kanyang suot. "Tsk, magpalit ka nga." nakasimangot na utos nito. "Okay na ito." aniya. Hinila ni Ilyana ang manggas ng kaniyang suot na bestida. "Ilyana!" bulyaw naman niya sa kapatid. "Ano ka ba naman, Ate? Kaya walang nagkakagusto sa 'yo kasi manang kang manamit!" iritang sabi nito. Inirapan naman niya ito. "Ily, sa birthday ako pupunta. Hindi sa kung saan, kakain lang ako dun at hindi naman ako magtatagal. At saka isa pa kailan ka pa nakialam sa pananamit ko, ha?" Huminga si Ily saka bumuga ng marahas na hangin. "Syempre kasama mo 'yong tatlong sikat sa school natin. Magdamit ka nga ng maayos!" Hinawakan ni Ily ang balikat niya saka siya tinulak patungo sa salamin. "Bagay naman sa 'yo ang damit. Pero mas maganda 'yong puti, Ate. Maniwala ka sa 'kin," pangungulit nito. Sa huli ay wala siyang nagawa sa kapatid. Nagpalit siya ng puting bestida at sinuot niya ang sandals na nabili niya sa palengke. May kalumaan na iyon pero pupuwede pa naman. Inayos niya ng bahagya ang kaniyang hanggang baywang na buhok. Umaalon iyon at may natural na kulot sa dulo. Naiinggit pa nga si Joy sa buhok niya dahil hindi na raw kailangan pang kulotin. "Ikaw na ang bahala sa Nanay, ha? Tawagan mo agad ako kapag may problema, Ily." aniya sa kapatid. Tumango naman ito. "Sige, sabihin mo kay Ate Joy, padalhan ako ha?" nakangising habilin ng kapatid. "Mahiya ka nga!" bulyaw niya rito. "Padadalhan ako no'n, mabait 'yon!" Mayamaya ay narinig niyang may bumusina sa labas ng bahay nila. Hinawi niya ang kurtina at nakita niya si Keith na nasa labas. Nakasakay ito sa motorsiklong sa tantiya niya ay talaga namang mamahalin. Nakikita niya lamang ang ganon sa mga magazines. "Ang haba ng buhok mo 'teh. Ginawa mong taga sundo ang isang Zion Keith Montemayor!" pang-aalaska naman ni Ilyana. Piningot niya ang tainga ng kapatid. "Ang dami mong alam! Uuna na ako," paalam niya rito. "Aray ko naman!" nakasimangot na daing nito habang hinahawakan ang nasaktang tainga. "Aalis na rin ako mayamaya 'teh. Liligo lang ako," Tumango naman siya saka lumabas na. Nang makalapit kay Keith ay hinubad nito ang suot na helmet. Inayos nito ang nagulong buhok, tumatama ang sinag ng araw sa mukha nito kaya naman para tuloy itong kumikinang. Huh? Kumikinang? Napailing siya sa naisip. Inabot ni Keith ang isa pang helmet na kulay pink. "Tara na?" pag-aya nito. Kinuha naman niya ang helmet saka sinuot. Tinulungan pa siya ni Keith sa pag-aayos. Masyadong malapit ang mukha nito sa kaniya. Bigla ay lumakas ang t***k ng kaniyang puso. Napakunot ang noo niya. Kaya naman mahina niyang itinulak ang binata. "Ako na," sabi niya saka inayos ang pagkakalagay ng lock nito sa may baba niya. Mukhang nagulat naman si Keith sa inasta niya. Umangkas siya sa likuran nito. Pinaandar ni Keith ang motor. Tunog pa lang alam mo ng mamahalin. Nang magsimulang umandar ay napahiyaw siya sa gulat kaya naman pumreno si Keith at nauntog siya sa likuran nito. "What the hell, Kalista?" "S--Sorry, ngayon lang ako nakaangkas sa motor," hinging paumangin niya. Hinawakan ni Keith ang dalawa niyang kamay. Kaya muling lumakas na naman ang t***k ng puso niya. Ipinulupot ni Keith ang dalawa niyang kamay sa baywang nito. Umalma siya ngunit mabilis rin ulit nahuli ni Keith ang kaniyang kamay. "Dito ka kumapit para hindi ka mahulog," sabi nito. "P'wede bang sa balikat na lang?" suhestiyon niya. Natawa ng bahagya si Keith sa sinabi niya. "Ano ka aso?" Hinampas niya ang tiyan nito... matigas. Napakagat labi siya. Gusto niyang tampalin ang sarili. Baka akalain nito ay tsinatsansingan niya ito. Por Diyos! "Kumapit kang mabuti baka kasi mahulog ka," tila nang-aasar pang banat ni Keith na para bang may iba pa itong ibig sabihin. "Hindi ako mahuhulog," segunda naman niya. "Handa naman akong saluhin pag nahulog ka, Kalista." lumingon ito sa harapan niya saka itinaas ang visor upang makita siya. May kung ano sa kaniyang tiyan na para bang nagwawala at nagpapaikot-ikot. "T--Tara na," nag-iwas siya ng tingin rito. Muling hinigpitan ni Keith ang kamay niya sa pagkayakap sa may baywang nito saka muling nagmaneho. Ito ang unang beses na umangkas siya sa motorsiklo. At lumabas kasama ang isang lalaki. Palagi siyang abala sa pagtatrabaho dahil kailangan niyang tulungan ang ina sa gastusin sa bahay nila. Bukod kay Joy at Melissa ay wala na siyang naging ibang kaibigan pa. Pero ngayon ay mukhang nadagdagan na ang kaniyang mga itinuturing na kaibigan. Dati ang pagkakakilala niya kay Keith ay mayabang, basagulero at babaero. Totoo naman lahat iyon. Pero mayroon rin itong kabaitan sa katawan. Katulad na lamang ng pagtulong nito sa kaniyang ina kahit na hindi naman sila lubos na magkakilala. Sa tuwing nakikita niya si Keith na dumadalaw sa kaniyang ina ay kitang-kita niya ang pangugulila sa mga mata nito. Para bang sabik ito sa pagmamahal ng isang ina. "Ayun na pala si Kael," wika ni Keith. Malapit na sila sa plaza at nang silipin niya ang daan ay nakita niya si Kael na nakasandal sa motorsiklo nito. Si Caius naman ay kararating lang rin kasabay nila. Sakto naman ang pagtigil ng tricycle sa harapan nila. Bumaba si Joy na manghang-mangha sa nakita. "Sabi ko huwag kayong magdala ng mamahaling sasakyan!" sigaw niya sa tatlo. "What? Akala ko huwag kaming magdala ng kotse?" wika ni Keith. "Hay nako! Tara na nga lang!" iiling-iling na sabi ni Joy. "Sa akin ka na umangkas," sabay na sabi ni Kael at Caius. Nagkatinginan naman silang dalawang magkaibigan. Pasimpleng siniko niya si Joy na halatang kinikilig. "Ang haba ng hair ko. Kailangan ko na atang magpagupit!" kinikilig na sabi ni Joy habang ngiting-ngiti. "Sorry Kael, kay Caius muna ako ngayon," kininditan ni Joy si Kael saka dali-daling tumakbo kay Caius. Ngumuso naman si Kael saka isinuot ang helmet nito. Nang makasakay si Joy ay nagsimula na silang umalis upang baybayin ang bahay nito. Sa sentro ang bahay nila Joy. Hindi kalayuan sa plaza kaya naman wala pang sampung minuto ay nakarating na sila. Bungalow type ang bahay nila Joy na may malawak na bakuran. Maraming tanim na puno ng mahogany at cabaliero ang nanay nito. Kaya namab malilom doon at masarap ang hangin. Kitang-kita niya kung paano sila pagtinginan ng mga bisita. Unang bumaba si Keith sa motor. Medyo mataas kasi ang motor nito kaya nahirapan siyang sumakay kanina pero hindi na lang niya pinahalata. Nagulat siya ng bigla siyang buhatin nito para ibaba. "Wow, ang sweet naman." pang-aasar ni Kael habang kinikindatan silang dalawa. "Ako lang walang partner, hay buhay," Umiling naman si Keith. "Tara na sa loob." aya sa kanila ni Joy. "Halika Caius, ipapakilala kita sa buong angkan ko!" tuwang-tuwa wika ni Joy saka hinila ito papasok ng bahay. Sumunod naman sila. Mangilan-ngilan ang bisita ni Joy. Halos kamag-anak at kapitbahay niya ang imbitado. Pinagtitinginan ang tatlo marahil ay nagtataka kung bakit naroon ang mga ito. Sa sala ay may mahabang lamesa kung saan naroon ang handa. May.nakadikit na happy birthday sa pader na may ilang lobo. Agad naman silang inabutan ng plato ni Joy. "Teka, eto pala ang regalo ko sa'yo," kinuha ni Kael ang maliit na kahon mula sa bulsa nito saka inabot kay Joy. "Hala, nag-abala ka pa! Pere ke nemeng shenge," kinikilig na wika ni Joy habang iniipit ang buhok sa tainga. Natawa naman si Keith sa inasta ng kaibigan. "She's really funny," anito. "Joker talaga 'yan. Kaya palagi kaming masaya kapag magkasama," "Ikaw anong regalo mo sa 'kin?" tila nang - aasar na wika ni Joy kay Keith. Keith looks like taken aback. Kinapa nito ang bulsa saka inilabas ang wallet at nag-abot ng lilibuhin. Napanganga naman si Joy nang iabot ni Keith sa palad nito ang pera. "I didn't have time to buy. But you can buy anything you want using that money." Mukhang hindi pa rin nakaka-get over si Joy dahil ang kapal ng lilibuhing inabot rito ni Keith. "Let's eat!" nauna na si Kael na magpunta sa buffet table. Sumunod naman siya. Maraming handa si Joy, debut kasi niya ito. Nang matapos kumuha ng pagkain ay iginiya sila ni Joy sa may kusina. Doon sila kumain. "You're eighteen?" tanong ni Kael. "Obvious ba?" pang-aasar ni Keith. "Ikaw ba tinatanong ko ha?" ganti naman ni Kael. "Oo, eighteen na ako. Puwede na akong tumanggap ng manliligaw. Kaya huwag na kayong mahiya. P'wede na kayong magpakilala sa mga magulang ko," Nagtawanan naman silang lahat. Maging si Caius ay natawa rin. "Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong birthday! At saka ano 'yong ibang pagkain don? Ang sasarap eh. 'Yong spagetti lang ang kilala ko, e." tila tuwang-tuwang sabi ni Kael. "Hayaan niyo kapag may handaan palagi ko kayong iimbitahin. Kain kayo ng marami, ha?" Tumango naman si Kael habang panay ang subo ng spagetti. "Kuha pa kayo sa loob mga anak," pumasok ang nanay ni Joy na may dalang leche flan at fruit salad. "Kayo po nagluto?" usisa ni Kael. Tumango naman si Tita Ligaya. "Ay ang sarap po!" Tumawa naman si Tita. "Balik kayo marami pa doon. Ito ang matamis pinagbukod ko talaga kayo kasi sabi ni Joy ay may darating siyang bagong mga kaibigan. Natutuwa ako at nagkakaroon na ito ng ilang kaibigan," "Kami rin po masayang naging kaibigan si Joy. Lalo at masarap pala magluto ang mama niya. Ganito pala ang lasa ng luto ng nanay," bigla ay lumungkot ang boses ni Kael. Nawala ang ngiti nila. "Masarap pala," mahinang saad naman ni Keith. Tiningnan niya si Keith na ngayon ay nakangiti. "Maraming Salamat po," magalang na sabi ng dalawa. Lumapit si Tita saka ginulo ang buhok ng dalawa. "Kung gusto ninyo ay puwede ko naman kayong ipagluto kahit walang okasyon. Pumunta lamang kayo rito sa bahay," Tuwang-tuwa si Kael. Nang matapos kumain ay nakipagkuwentuhan si Kael sa mga magulang ni Joy. Sila naman ni Keith ay nasa labas at nagpapahangin. Nakita niya si Caius at Joy sa may gate ng bahay ng mga ito. Inabutan ni Caius si Joy ng maliit na kahon saka mabilis na sumakay sa motor nito at lumulan paalis. "Hala umalis na si Caius," aniya. "Nagulat ka? Pero mas nakakagulat na nakasama namin siya ngayon," Tiningnan niya si Keith na nakatingin sa direksyon ni Joy. "Hindi siya sumasama basta-basta sa lakad namin. Pero ngayon sumama siya," ngumiti si Keith. "Maybe he trust you and Joy," "May trust issues?" Tumango si Keith. "Being a son of a Governor, he has few friends. Kami lang. Palagi siyang may body guard at halos hindi na niya na-eenjoy ang buhay dahil lagi siyang bantay sarado. Nag-iingat lang ang pamilya niya dahil maraming death threats sa buhay niya. Kaya palagi lang siyang nasa bahay. Bihirang-bihira lang talaga siyang sumasama sa amin," Ngumiti naman siya. Kapag narinig ito ni Joy ay baka maglupasay na iyon sa kilig. Tumunog ang cellphone niya at nang makitang si Ily ang natawag ay agad niya iyong sinagot. "Ate? Ate, si Nanay . ." humahagulhol na wika nito. Agad naman bumalakat ang kilabot sa kaniyang katawan. "Ilyana, anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya. "Ate, umuwi ka muna kasi si Nanay, hindi na gumagalaw. Kanina pa siya nire-revived. A-Ate," "Anong nangyari, Kalista?" "Kailangan kong pumunta sa ospital," Mabilis silang nagtungo sa ospital. Hindi na siya nakapagpaalam ng maayos sa mga magulang ni Joy. Sumama na rin ang mga ito sa kaniya. At nang makarating sa ospital ay agad siyang sinalubong ng kaniyang kapatid na umiiyak. “Ate, w-wala na si mama,” Mga salitang nagpalubog sa kaniya sa kanyang kinatatayuan. Para bang panandalian siyang nabingi maging ang kanyang nga tuhod ay nanlambot. Wala na ang mama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD