Nang maghiwalay ang kanilang labi ay labis ang gulat sa mga mata ni Keith. Ni hindi ito makapagsalita at tanging nakatingin lamang sa kaniya. Habang siya naman ay hindi rin makapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin o kung ano ang gagawin. Hinila siya ni Keith saka kinulong sa mga bisig nito.
Wala silang imikang dalawa. Hinahaplos ni Keith ang kaniyang buhok. Narinig niya ang unti-unting paghikbi nito. Nang tingnan niya ito ay hindi nga siya nagkamali. Umiiyak nga ito.
"B-Bakit ka umiiyak?" Nagtataka niyang tanong. Umiling naman si Keith saka pinahid ang luha sa mga mata.
"I'm not familiar with this feeling. Ibig sabihin ba nito gusto mo rin ako?" Umiiyak nitong saad sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay saka iyon dinala sa pisngi ng binata. "I promise, I will take care of you." masuyong sabi nito aaka hinagkan ang kaniyang noo.
Wala naman pagsidlan ang saya niya. Kung kasakiman man na matatawag ang ginawa niya ngayon ay tatanggapin niya. Kung kasakiman man ang magmahal ay wala na siyang magagawa dahil gusto niyang maging masaya. Hindi naman siguro masamang maginng masaya siya kasama ang taong mahal niya.
Magkahawak kamay silang nagtungo sa condo ni Keith. Hindi naman mapuknat ang ngiti nilang dalawa. Nang makarating doon ay agad siyang pinaupo ni Keith sa sofa.
"Nagugutom ka ba?" nakangiti pa rin nitong tanong.
Umiling naman siya. Hindi pa siya nakakaramdam ng gutom. Ganito ata kapag masaya, parang ang nararamdaman mo lang ay nasa alapaap ka.
"Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita?" aniya.
Ngumuso naman si Keith saka siya niyakap at nagsubasob sa kaniyang leeg. "Gusto kong ganito muna tayong dalawa,"
Tumawa naman siya saka hinaplos ang buhok ni Keith. Amoy strawberry pa nga iyon at napakalambot. Masuyo niyangf hinahaplos iyon nang bigla itong lumingon sa kaniya saka siya ninakawan ng halik na siyang ikinabigla niya.
"What the heck?!"
Napabalikwas naman silang dalawa nang biglang bumukas ang pintuan at sumigaw si Kael. Naibagsak pa nito ang hawak na plastic bag saka itinutop ang kamay sa bibig. Si Caius naman ay nakapamulsa lang habang nakatingin rin sa kanilang dalawa. Tumikhim si Keith saka kinamot ang batok nito at namumula nang bahagya ang dalawang pisngi. Pasimple naman siyang napangit.
"The f**k, bro? Are you fuckin blushing?" Tila nandidiring tanong ni Kael kay Keith habang pinagmamasdan ang mukha nito.
"Of course not!" pagtanggi naman ni Keith.
Huling pumasok si Mattino na may dalang alak. Naningkit ang mata nito ng makita siya.
"A-Ano bang ginagawa ninyo rito, ha?" sigaw ni Keith sa mga ito.
"Why? Hindi na ba kami puwedeng magpunta rito ng biglaan?" Si Mattino ang nagsalita.
Pumalatak naman si Keith saka ito tiningnan ng masama. "Bakit ka ba sama ng sama samin, Tino? Wala ka bang kaibigan?" iritadong sabi nito.
"Mas gusto kong kayo ang kasama ko. Saka bakit ba?" tila iritado naman na sagot ni Tino.
"Teka, e nakakaabala ata kami sa inyo," nakangisi naman na sabad ni Kael.
Tumikhim naman si Keith saka tumalikod at minasahe ang sentido.
"Ihahatid na muna kita sa inyo," anito saka kinuha ang bag niya.
"Weh? Baka magde-date lang kayo, e." pang-aasar naman ni Kael.
"Shut up, fucker!" sigaw naman ni Keith.
Nagtawanan sila ni Mattino saka nag-apir sa isa't isa. Hinila ni Keith ang kamay niya saka sila dali-daling lumabas sa condo nito.
"Pasensya ka na, hindi ko alam na darating sila," ani Keith habang palabas na sila.
"Wala 'yon."
Habang papunta sa parking lot ay agad siyang hinila ni Keith upang magtago.
"B-Ba--"
"Ssshh," tinakpan nito ang kaniyang bibig saka sumenyas na huwag siyang maingay.
Namataan niya ang nanay ni Keith kasama ang ilang bodyguards nito. Nanlaki ang mata niya nang makitang tumingin ito sa kanilang direksyon kaya naman agad siyang humalukipkip sa dibdib ni Keith.
Ramdam rin niya ang lakas ng t***k ng puso ni Keith. Malamang ay kinakabahan rin ito.
Nang ibaba ni Keith ang kamay nito sa kaniyang bibig ay mabilis siyang hinila nito saka sila tumakbo ng mabilis patungong parking lot. Agad siyang isinakay nito sa kotse saka mabilis na nagmaneho palabas ng condo nila.
"Keith. . ." tawag niya sa pangalan nito.
"I'll handle this. Don't worry. And please, kung may gagawin man si Mama sabihin mo sa 'kin. Huwag mo akong iiwan basta-basta, Kalista." tiningnan siya nito saka hinawakan ang kaniyang kamay. "Please, Kalista. Promise me, hindi mo ako iiwan,"
Huminga naman siya ng malalim saka tumango.
"No one can take you away from me,"
"Gano'n na katindi ang nararamdaman mo para sa 'kin?" aniya na hindi makapaniwala. Those words came out from his mouth was like a beautiful song to her ears.
"If you only knew how much I'm inlove with you, baby."
Ngumiti naman siya. Parang nagkarambola na naman ang mga paru-paro sa kaniyang tiyan. Ganito pala ang pakiramdam ng kinikilig.
Hinatid siya nito sa kanilang bahay. Nag-park ito hindi kalayuan sa kanila. Saka sila naglakad hanggang makarating sa labas ng kanilang bahay.
"Papasok na ako," aniya.
Hindi pa rin binibitiwan ni Keith ang kaniyang kamay.
"Call me,"
Tumango naman siya.
"I love you, Kalista." masuyong wika nito saka siya muling hinalikan sa noo.
"I-I love you, too." nahihiyang sagot naman niya.
Niyakap naman siya ni Keith. "Oh, my baby is blushing."
"Sige na, baka may makakita pa sa 'tin," mahina niya itong itinulak.
Nagkalas naman sila ng kamay saka ito naglakad ngunit nakaharap pa rin sa kaniya. Nagulat naman siya ng bigla itong nagpalipad ng mga halik patungo sa kaniya. Tawa siya ng tawa habang kumakaway sa palayong pigura nito.
At nang tuluyan nang nakaalis si Keith ay saka naman siya pumasok ng bahay. Namataan niya si Ilyana na nakaupo sa sofa habang nagbabasa. Nang makita siya nito ay agad iting lumapit.
"Kayo na?" usisa nito.
"H-ha?" maang-maangan niya.
Tinabig naman siya ng kapatid saka ngumisi. "Nakita ko kayo, hinalikan ka niya sa noo, Ate. Kayo na ba?"
Tumango naman siya.
"Sabi ko na talagang crush ka niyang si Kuya Keith, eh. Hindi naman 'yan magkakagan'yan kung hindi ka niya gusto, eh."
Umupo naman siya sa sofa.
"Selfish ba ako kung gugustuhin ko si Keith, Ily?"
Umupi naman ang kapatid niya sa tabi niya saka siya tiningnan. "Ate, bakit sa 'kin mo itatanong? Wala akong alam sa pag-ibig. Fourteen pa lang ako,"
Tumawa naman siya. May punto ang kapatid niya.
"Pero kung saan ka masaya. Bakit naman hindi? Ang mahalaga ay wala kang natatapakang tao,"