Kabanata 15

1557 Words
"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ni Kalista kay Keith nang makalabas sa classroom nila. Agad naman kinuha ng binata ang bag nito saka isinukbit sa balikat saka umiling. "Hindi naman. Halos kadarating ko lang. Saan ang sunod mong klase?" nakangiting tanong nito habang nakatingin sa kanya. "Sa CAS Building." aniya. Luminga-linga si Keith sa paligid na parang may hinahanap. "Nasaan si Joy?" nagtatakang tanong nito. "May sakit. Lagnat daw siya. Puwede ba natin siyang puntahan mamaya?" "Oo naman. Pagkatapos ng klase mo pupuntahan natin siya," "Teka, 'di ba wala ka naman pasok? Bakit ka nandito?" nagtataka naman niyang tanong. Tumikhim naman si Keith saka nagkamot ng batok. "M-May practice kami m-mamaya," nauutal nitong sabi. Natawa naman siya rito. "Hindi ka effective magsinungaling," Ngumuso naman ito. "Gusto kitang makita, eh." pag-amin pa nito. Namula naman ang kaniyang pisngi. "Hindi mo naman kailangan na pumunta pa. Sayang ang gas," Hinawakan nito ang kamay niya. Bigla ay napatingin naman siya sa paligid. Marami kasing tao sa hallway at maraming makakakita sa kanila. Akmang aalisin niya ang pagkakahawak ngunit mas lalong hinigpitan ni Keith ang pagkakahawak sa kamay niya. "Baka may makakita sa 'tin," nahihiyang sabi niya. "E, ano naman? Gusto kong makita nilang pag-aari mo ako. At pag-aari kita, para wala nang lalapit sa 'yo dahil alam nilang pagmamay-ari na kita," seryosong saad ni Keith. Parang nagwala naman ang mga paro-paro sa kaniyang tiyan sa sinabi nito. Parang kailan lang ay kabila't kanan ang babae sa mga bisig nito samantalang ngayon ay heto sila at magkahawak kamay. Maraming napapahabol ang tingin sa kanila habang magkahawak kamay. Yumuyuko siya kapav nakikita niya ang masasamang tingin na ipinupukol sa kaniya ng ilang mga babae. Samantalang si Keith naman ay parang walang pakialam. Nang makarating sila sa Building Two ay tumigil sila sa labas ng classroom niya. Kaklase niya ngayon si Melissa sa subject na ito. Sa labas pa lang ay nakikita na agad niya ang masamang tingin nito sa kanya. "Hihintayin kitang lumabas. Last subject mo na ito, 'di ba?" ani Keith saka ibinigay sa kaniya ang bag niya. Tumango naman siya. "Doon ako maghihintay," itinuro nito ang upuan sa may labas ng classroom. "Dalawang oras ang klase ko, puwede ka naman muna umalis saka bumalik. Baka mai--" "Nope. Gusto kong nakikita kita," pagputol nito sa sinasabi niya. Magsasalita pa sana siya ngunit nakita niyang pumasok na ang Prof nila kaya naman dali-dali na rin siyang pumasok. Kumaway na lang siya kay Keith saka umupo sa pinakabakanteng upuan. Nakita niya sa glass window na umupo na ito sa itinurong upuan. Nakasandal ito habang naka de-kwatro at nakatingin sa kaniya na para bang binabantayan ang bawat galaw niya. Siniko naman siya ni Jonas--irregular student na kaklase niya rin sa subject na ito. "Mukhang inlove na inlove sa 'yo si Montemayor, ah?" tudyo nito. Ngumiwi naman siya saka tumango. Nang sulyapan niya si Keith at nakakunot na ang noo nito. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya kaya naman pasimple niya iyong tiningnan. From: Keith Ask the person next to you if he want to meet my fist. Nanlaki naman ang mata niya saka muling tiningnan si Keith na ngayon ay nakakunot pa rin ang noo. Pinandilatan niya naman ito kaya naman umamo muli ang ekspresyon nito. Nakita niya na nagta-type ito sa cellphone. Mayamaya ay tumunog uli ang kaniyang cellphone. From: Keith You're so beautiful. I love you, mia cara. Nakagat niya ang labi sa pagpigil sa pagngiti. Napapitlag naman siya ng may bumagsak na libro sa kaniyang armchair. "Seems you're distracted by something Miss Benitez, huh? Tell me what it is the reason you're smiling?" nakataas ang kilay na tanong ng kanilang Prof. Nasa kaniya ngayon ang atensyon ng mga kaklase niya. Hiyang-hiya naman siya kaya yumuko na siya. "Solve the problem on the board. Tingnan ko lang kung makangiti ka pa ng matamis, Miss Benitez," nakataas ang kilay na sabi ng kaniyang Prof. Nakagat naman niya ang pang-ibabang labi saka sinulyapan si Keith na ngayon ay nakangisi. Inirapan niya ito saka tumayo at naglakad patungo sa board. Mabuti na lamang at madali lang ang problem. Kaya na-solve niya ito agad. Hindi na niya muling sinulyapan si Keitb sa labas para hindi siya ma-distract. Nang matapos ang klase ay niligpit na niya ang gamit. Hindi pa siya tapos ay nakita na niya si Keith sa harapan niya na malawak ang ngiti saka siya niyakap. "I miss you!" anito. Nanlaki ang mata niya dahil may ilan pang mga tao sa loob ng classroom. Ang ilan ay kinikilig sa kanila ngunit mas maraming babae ang masama ang tingin sa kaniya. "T-Teka lang, dalawang oras lang 'yon. At kita mo naman ako sa salamin," mahinang sabi niya habang pilit na humihiwalay sa yakap nito. "Namiss kita agad," sabi nito habang mas lalo siyang niyayakap. "Maraming tao," mahinang bulong niya. Nakita niyang nagbubulongan na ang ilan. Humiwalay si Keith sa pagkakayakap sa kaniya. "Everyone this is my girlfriend, Kalista! Get used to seeing us always sweet because this is how much I love her." sigaw nito sa mga nakatingin sa kanila. Nanlaki naman ang mata niya saka ito hinampas. "Ano ka ba?!" Tumawa naman si Keith saka siya hinalikan sa noo. "I love you, mia cara. I'm so proud to have you," Ginulo niya ang buhok nito. "So am I. Pero ayaw ko ng PDA. Baka mamaya ma - guidance na tayo n'yan," biro niya. Sabay silang lumabas ng classroom ng magkahawak ang kamay. Tumungo sila sa parking lot kung saan nakaparada ang motorsiklo ni Keith. Inabutan siya nito ng helmet saka siya inalalayan makasakay. Bago magtungo sa bahay nila Joy ay dumaan muna sila sa drive thru para maibili ito ng paborito nitong fried chicken. Dumaan na rin sila sa talipapa upang makabili ng ilang prutas. Nang makarating sa bahay ni Joy ay napansin niya ang pamilyar na sasakyan. Nang makababa ay nasipat agad ng paningin niya si Joy at Caius na nasa teres. Nagtatawanan ang dalawa habang kumakain si Joy, samantalang si Caius naman ay may hawak na gitara at kinakantahan ito. "Let's---" Agad niyang hinila si Keith saka tinakpan ang bibig dahil baka marinig pa sila ng dalawa. "Mmmmpp." Hinila niya ito papunta sa motor nito saka doon lang tinanggal ang pagkakatakip ng kamay sa bibig nito. "What the heck, Kali." anito habang hinahabol ang hininga. "Shhhh!" senyas niya rito na huwag maingay. "Bakit?" pabulong nitong tanong. Itinuro niya ang kotse ni Caius na mukhang hindi pa nito napapansin dahil naka-park sa may tagong gilid. "Si Caius?" bulong nito sa kaniya. Tumango naman siya. "Tara na," yakag niya rito. "Pano 'to?" sabi nito saka itinaas ang hawak na pinamili nila. "Tayo na lang ang kakain, may alam akong tambayan. Hala, sige, larga." Muling sumakay si Keith sa motorsiklo saka naman siya umangkas. Nagtungo sila sa talampas malapit sa Costa Imperio. Mayroon doon kamalig na pinaglalaruan nila nina Joy noong bata pa sila. Medyo may kalumaan na iyon ngunit matibay pa naman. Ang kabila ng talampas ay La Fortunata na. Kitang-kita doon ang magandang dagat ng Tierra del Sol. Dito sila palagi naglalaro noong bata pa sila. "Doon tayo sa kamalig," tinuro niya ang kamalig sa hindi kalayuan saka hinila si Keith. Maayos pa ang kamalig. Matibay pa rin ang muebles nito. May kagalbukan lang ito pero madali naman pagpagan. Umupo siya sa papag. Si Keith naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa kaniya. "Upo ka," yakag niya. Umiling naman ito. Mukhang nakuha na niya ang punto nito. Pinagpagan niya ang kaniyang tabi. At nang masiguro na malinis na ay saka niya ito hinila ng malakas dahilan para mapaupo ito. Binuksan niya ang plastic kung saan naglalaman ng fried chicken na binili nila. Kinuha niya ang isa saka isinubo kay Keith. "Favorite 'yan ni Joy," pagkasabi'y kumuha rin siya ng isa saka kumagat. "Hindi ba ang sabi mo ay may gusto siya kay Caius?" tanong nito. Tumango naman siya saka kumagat muli sa fried chicken. "I think Caius likes her too," Naubo naman siya sa sinabi nito. Agad naman dinampot ni Keith ang tubig saka nagmamadaling buksan at iabot sa kaniya. Pagkainom ay tiningnan niya ito. "Totoo?!" exaggerated niyang tanong. "Even before, he's always staring at her. Kaya nga kita nakilala dahil niya." "Eh? Ni Caius? Hindi ba dahil ni Melissa?" nagtataka niyang tanong. Iyon ang natatandaan niyang una nilang pagkikita. Umiling naman si Keith. "The first time I saw you was when we were freshmens. I was playing basketball at the gym. Friendly game lang naman iyon. Dumaan kayo ni Joy noon. Si Caius, humabol ng tingin kay Joy kaya naman nawala sa focus ang gago. Ikaw ang natamaan ng bola. You fainted. Do you remember that?" "Oo, naalala ko 'yon. Nagising ako sa infirmary. May tissue sa ilong kasi dumugo ang ilong ko. Takot na takot si Joy kasi plakda daw talaga ako. Ikaw ba ang nagdala sa 'kin sa infirmary?" Tumango naman si Keith. "That was the first time my heart raced like that. And I was also mesmerized by your beauty. But I don't have the guts to talked to you," nahihiya nitong pag-amin. "But God already answered my prayer, ikaw ang pinakamagandang birthday gift niya sa akin. Noong nakita kita sa kabila ng maskara mo, doon ko sinabi na hindi na papakawalan." Nahulog ang hawak niyang fried chicken nang bigla siyang siilin ng halik ni Keith sa labi.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD