Kabanata 8

1870 Words
"Puwede ba tayong mag-usap, Kalista?" Nasa harapan niya ngayon si Melissa. Kasalukuyan silang nasa loob ng classroom. Nagkatinginan naman sila ni Joy. Tumayo na siya. Nagsimula naman maglakad si Melissa kaya naman agad siyang sumunod. Nagtungo sila sa pool ng eskwelahan. Hinarap siya ni Melissa saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. "May problema ba, Melissa?" malumanay niyang tanong. Bumuga ng marahas na hangin si Melissa saka nameywang. "Gusto ko lang sanang malaman kung anong mayroon sa inyo ni Keith?" halata ang inis sa paraan ng pagtatanong nito. "S-Samin? Wala naman namamagitan sa amin, Mel." pagsasabi niya ng totoo. Iyon naman talaga ang tunay. Ngunit mukhang hindi ito kumbinsido. "Wala? Pero halos hindi na kayo maghiwalay? Balita ko, halos hindi na siya umuwi noong namatay ang nanay mo. At naospital ka, siya ang nagbayad? At kanina, huwag mong itanggi na siya ang hinihintay mo sa labas." Sunod-sunod na sabi nito. "M-Melissa," "Tell me, gusto mo ba siya?" "H-Ha?" Huminga ng malalim si Melissa saka lumapit sa kaniya. "Bakit hindi ka makasagot, Kalista?" mas lumapit pa ito sa kaniya habang matalim siyang tinitingnan. Umaatras naman siya. "Mahirap ba ang sagot sa tanong ko?" muli itong naglakad palapit sa kaniya ngunit nang umatras siya ay wala na siyang natapakan na sahig at bumulusok siya pababa sa tubig. Olympic pool ito at hindi siya marunong lumangoy. Mukhang nasa malalim na parte siya nahulog. Hindi niya malaman ang gagawin, nagpapadyak siya upang makalutang ngunit dahil sa kabang naramdaman at nakainom siya ng tubig. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Mas lalo lamang siyang lumulubog pailalim. "Keith," mahinang sambit niya sa kaniyang isipan. Naramdaman niyang may isang kamay na yumakap sa kaniya at hinila siya paitaas ng tubig. Nang tingnan niya iyon ay si Keith nga ito. Madaling itinaas siya nito saka inihiga sa malamig na sahig. "Kalista? Kalista?" niyugyog siya nito habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya. "Damn it!" Umuubo siya at inilabas ang nainom niyang tubig. Agad naman siyang niyakap ni Keith na ikinagulat niya. "Damn it! What should I do with you?" puno ng pag-alala sng boses nito. Ramdam niya rin ang lakas ng t***k ng puso nito. "A-Ayos lang a-ako," Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kaniya. "Are you okay, Kalista?" Tiningnan niya si Melissa na nasa likod ni Keith. Nag-aalangan siyang tumango rito. Binuhat naman siya ni Keith ng pa-bridal style. Nakita niya kung paanong masamang tiningnan siya ni Melissa. Hindi siya maaring magkamali. Lumabas sila doon at maraming tao ang nakikiusyoso. Lahat naman ay nagbigay ng daan para kay Keith. Dinala siya nito sa infirmary. "Nurse Lala, pakitingnan po siya. Baka may mga sugat rin siya. Pakigamot na rin po," Agad naman siyang dinaluhan ng Nurse. "Okay lang po ako, Nurse." Nakita niyang lumabas si Keith ng infirmary. Habang siya naman ay chineck ng nurse kung may mga sugat ba siyang natamo. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Keith at may dalang paper bag. "Wear this," utos nito. "Paano ka?" "Papunta na si Kael, may dala siyang damit ko. What happened? Bakit ka nahulog sa pool? Itinulak ka ba ni Melissa? Tell me," "H-Ha? H-Hindi ah," "Tell me the fuckin truth, Kalista," he gritted his teeth. "Nag-uusap lang kami. Hindi ko napansin na nasa dulo na pala ako ng pool kaya pag-atras ko ay nahulog ako," Naningkit ang mata ni Keith na para bang tinitimbang ang sinabi niya kung totoo o hindi. "`Yon ang totoo, Keith." tiningnan niya ito sa mata para naman maniwala itong totoo ang sinasabi niya. Nag-excuse naman si Nurse Lala at pagbalik nito ay may dala na itong blower saka inabot sa kaniya. "Para madaling matuyo ang buhok mo," anito saka sila iniwan na dalawa. Inagaw naman ni Keith iyon sa kaniya saka isinaksak at binuhay. Tumayo ito sa likuran niya saka itinapat sa buhok niya ang blower. "Kaya ko na," aniya saka humarap dito at inagaw ang blower ngunit inilayo agad ni Keith iyon. "Ako na," itinalikod siya nito saka nagsimulang tuyuin ang kaniyang buhok. Tahimik lamang silang dalawa. Tanging tunog lamang ng blower ang maririnig sa loob ng silid. Lumakas ang t***k ng puso niya. Kaya naman hindi niya mapigilan na hindi hawakan ang kaniyang dibdib. "Why? Masakit ba ang dibdib mo? Nakainom ka ba ng tubig?" tanong ni Keith. Umiling naman siya. Damang-dama niya ang pag-iinit ng kaniyang dalawang pisngi. Pinatay ni Keith ang blower saka siya hinarap. "Tuyo na," ngumiti ito. "Sigurado ka bang ayos ka lang?" Wala sa sariling tumayo siya. "Bakit palagi mo na lang akong pinag-aalala?" Parang naumid ang dila niya dahil sa tanong nito. "Please take care of yourself more, Kalista. Maraming nag-aalala sa 'yo. At isa na ako ro'n," Mas lalong lumakas ang t***k ang puso niya. "B-Bakit mo ginagawa lahat ng 'to?" hindi niya mapigilan na hindi itanong. Tiningnan siya nito mata sa mata. "I don't want to see you suffering. I told you." "Bakit?" "I-I li---" "Nandito na ang pinakapogi sa buong Tierra del Sol!" sigaw ni Kael habang nakataas pa ang kamay na may hawak na paper bag. Napanganga naman ito nang makita sila. Lalo na at matatalim na tingin ang ipinupukol ni Keith dito. "Wrong timing ba?" kinagat nito ang labi. "Exit ba muna ako, 'tol?" Huminga ng malalim si Keith saka tumayo. Padaskol nitong kinuha ang paper bag saka niyakap si Kael sa leeg habang palabas sila ng infirmary. Parang baboy na inurakan naman na sumisigaw si Kael habang palabas sila. Napangiti naman siya. ***-----*** "Wow, mukhang mamahalin tayo ngayon, baks!" nakangiting wika ni Joy habang ineeksamina siya. Tiningnan pa nito ang etiketa sa likod niya. "Grabe, Guccu?!" laglag ang panga na sabi nito. Ipinakita niya rito ang tag ng damit na tinanggal niya. "1950 dollars?!" sigaw nito. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ng kaibigan. Umakto itong parang nahimatay. Sumalampak ito sa lamesa saka muling bumangon at tumingin sa kaniya. "Grabe, baliw na baliw sa'yo si Keith, bakla!" pang-aasar nito sa kaniya. "Ano ka ba? Kung ano-anong iniisip mo," saway niya sa kaibigan. "Baka sa kapatid niya 'to," "Wala siyang kapatid. Nag-iisang anak lang siya. Sure ako pinabili niya 'yan! Maniwala ka sa 'kin may gusto 'yan sa 'yo, bakla ka ng taon! Manhid manhidan na naman ang atake mo!" Nakangusong sabi ng kaibigan. "Baka mabait lang talaga siya," "Sus, eh kung ligawan ka niya? Sasagutin mo ba?" nakapangalumbaba nitong tanong habang itinataas baba ang kilay. Bumuntong-hininga siya. "Baks, wala tayo sa Kdrama. Kaya ikalma mo 'yang utak mo, puwede ba?" sabi niya rito saka binuksan ang baon niyang pagkain. Totoo naman. Paanong magugustuhan siya ni Keith? Wala pa siya sa kalingkingan ng mga nagiging girlfriend nito. Mahirap pa sila sa daga. Sa teleserye o Kdrama lang nangyayari ang mga ganoong eksena. Malabo iyon sa totoong buhay. "Pupusta ako, gusto ka niya. Kasi sino bang lalaki ang gagawa ng mga gan'yan kung hindi nila gusto ang babae." Umiling na lang siya sa sinasabi ng kaibigan saka nagsimulang kumain. Nang matapos ang lunch break ay nagpaalam si Joy na pupunta muna sa CR dahil tinatawag na raw ito ng kalikasan. Nauna na siyang maglakad patungo sa sunod nilang classroom. Habang naglalakad ay may narinig siyang nag-uusap sa isang classroom. Hindi sinasadyang napalingon siya. Nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang dalawang taong naroon. Si Keith at Melissa. Hababg magkalapat ang kanilang labi. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Nanlamig ang kaniyang buong pagkatao sa nakita niya. Nagulat na lang siya nang may biglang nagtakip sa kaniyang mata. Akmang sisigaw siya ngunit humarap ang taong nagtakip at sumenyas ng huwag siyang maingay.Hinila siya nito nang biglaan kaya naman nahulog ang hawak niyang baunan. Lumikha iyon ng ingay. Akmang kukunin niya iyon ngunit mabilis siyang hinila palayo ng lalaki. Nagtago sila malapit sa fire exit. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng classroom. Nakita niyang lumabas si Keith kasunod naman nito si Melissa. Pinulot ni Melissa ang kaniyang baunan. "Oh? Kay Kalista ito, ah." sabi nito habang itinaas ang kaniyang baunan. Nakita niya ang pagpalatak ni Keith saka hinablot ang baunan niya. Tumakbo ito sa kanilang direksyon kaya naman agad siyang iniyuko ng lalaking humila sa kaniya. Nang makalampas si Keith ay saka lang ito bumitiw sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "Masamang tumingin sa ginagawa ng ibang tao, Miss," nakangiting sabi nito. Tumaas naman ang kilay niya. "H-Hindi ko sila tinitingnan! Napadaan lang ako," pag-amin niya. "Say what you want," tatawa-tawang saad nito. "Teka, sino ka ba? Bakit mo ako hinila?" nagtatakang tanong niya. Umakto itong parang nasaktan. Hinawakan pa nito ang dibdib. "Limot mo na ako agad?" parang nagtatampong sabi nito. Pamilyar nga ang mukha nito. Ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. "Tingnan mong mabuti kung saan mo ako nakita," nakangiting saad nito habang inilapit pa ang mukha sa kaniya. Napaatras naman siya sa ginawa nito. Naramdaman niya ang malamig na dingding sa likuran niya. Itinaas ng lalaki ang isa niyang kamay at isinandal sa pader. Masyadong malapit ang mukha nila sa isa't isa kaya naman naamoy na niya ang hininga nitong amoy mint. Biglang bumukas ang pintuan ng fire exit. "Mattino?" Nanlaki ang mata niya nang makita si Keith kaya naman agad niyang itinulak ang lalaki. Kasabay noon ang pagkuwelyo ni Keith dito. "What the f**k are you doing to her?!" nagtagis ang bagang ni Keith. Wait? Mattino? Iyong kasama niya noong patay ang kaniyang ina. Tama, doon niya ito nakita. Masyadong abala ang isip niya noon kaya hindi niya ito masyadong matandaan. "T-Teka lang," hinawakan niya ang braso ni Keith na hindi pa rin tinatanggal sa kuwelyo ni Mattino. "Ano, Tino? Bakit hindi ka makasagot?!" nangigigil na tanong ni Keith. "Kumalma ka nga, Keith. Ano ka ba?!" pigil niya rito. Nag-aalab ang mga mata nitong tiningnan siya. "P'wes anong ginagawa niyo rito na kayo lang dalawa, ha?" Ang dating ng boses nito ay para bang may ginagawa silang masama. "Wala kaming ginagawa. Kumalma ka nga muna. At saka bakit ka ba galit na galit, ha?" hindi niya mapigilan na hindi mainis sa paraan ng pagsasalita nito. Pinalis ni Tino ang kamay ni Keith. "Still a playboy, cousin." anito saka sila iniwang dalawa. Hinawakan niya ang pintuan ngunit mabilis na hinarangan iyon ni Keith upang hindi siya makalabas. "Did you happen to see us?" hindi makatingin na tamong nito sa kaniya. "Ano naman kung makita ko 'yon? Wala naman problema sa 'kin kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo, Keith. Labas na ako ro'n." "She kissed me. I didn't kiss her back." paliwanag nito. Tumango naman siya. Ngunit ang totoo ay may kudlit sa puso niya noong makita silang dalawa na naghahalikan. Hindi pa rin siya nagsalita. "Maniwala ka sa 'kin. I didn't have any feelings for her. Actually nakikipagbalikan siya sa 'kin pero umayaw ako," Nanatili lang siyang nakatingin dito. "Hindi naman ako humihingi ng explanation, Keith. Sabi ko nga sa 'yo, buhay mo 'yan. Puwede mong gawin kung anuman ang gusto mo sa buhay mo." Umibis si Keith kaya naman binuksan niya ang pintuan saka lumabas na. Hinawakan niya ang dibdib niya. Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot. Hindi maalis sa isipan niya ang imahe ni Keith at Melissa habang naghahalikan. Parang kapag iniisip niya ay mas lalong sumisikip ang dibdib niya. Nahulog na ba ang loob niya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD