Nang magising siya ay nasa isang hindi pamilyar na silid na siya. Luminga-linga siya sa paligid. Mukhang nasa ospital siya dahil may nakalagay rin na dextrose sa kaniya. napansin niya ang taong nakaupo sa sofa na nakaharap sa kaniya. Natutulog ito at umaalog pa ang ulo. Kumunot ang noo niya. medyo nanlalabo pa kasi ang mata niya. Nang mapagtanto niya kung sino iyon ay sakto naman na nagising na rin ito.
"Keith?"
Kinusot ni Keith ang mata nito saka humikab.
"Gising ka na pala, nagugutom ka ba? Among gusto mong kainin? Kamusta ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Anong ginagawa mo rito? At paano ako napunta rito?" Naguguluhan naman niyang tanong rin.
"Anong gusto mong kainin? I'll answer your questions once you answer me. Now, what do you want to eat?" malumanay nitong tanong.
"Hindi naman ako nagugutom." Aniya.
Bumuntong-hininga si Keith.
"Fine, ako na ang bahalang bumili." Anito saka naglakad patungo sa pintuan nang bigla iyong bumukas at pumasok ang humahangos na si Joy.
"Bakla! Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka nahimatay sa daan?" Sumisigaw na tanong nito saka tumakbo at sumampa sa kama niya.
"Tawag ako ng tawag sa'yo pero hindi ka naman sumasagot! Bakit? Iniiwasan mo ba ako?" Nagkunyari pa itong nagpupunas ng luha.
Ngumiwi naman siya sa kaibigan. Hindi rin kasi siya makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya.
"Hindi ako makahinga baks, baka naman puwede ng lumubay ka muna," aniya saka ito itinulak ng palayo.
Umagwat naman ito saka itinaas ang hawak nitong paper bag. "May dala akong pagkain. Kumain ka na muna," sabi nito saka isa-isang inilabas ang mga pagkain na dala.
Lumingon naman siya kay Keith na nakatingin sa kanila habang nakapamulsa.
"Mabuti na lang tinawagan ako ni Keith kasi nag-aalala na talaga ako sa'yo dahil hindi ka na pumapasok. Alam mo bang araw-araw kang pinupuntahan ni Keith sa classroom? Pa--"
Tumikhim naman si Keith. Tiningnan naman niya ito na ngayon ay nakatingin na sa kisame.
"G-Gusto ko lang mangamusta. . .Oo, tama. mangamusta kasi as a friend. Masama ba iyon?" Nauutal niting sabi.
Ngumuso naman si Joy na mukhang diskumpiyado sa sinabi ni Keith. "As a friend, huh? Kaya pala halos buong araw ka nang nakatingin sa cellphone mo kakahin---" Hindi na naituloy ni Joy ang sasabihin dahil mabilis na tinakpan ni Keith ang bibig nito.
Ganoon ang eksena nila nang bumukas ang pintuan at pumasok si Caius at Kael.
"Ang saya niyo ah?" wika ni Caius habang nakatingin ng seryoso sa dalawa.
Agad naman tinanggal ni Keith ang kamay nito kay Joy. Namulsa si Caius saka hinila si Joy palayo kay Keith saka nito sunod na hinila si Keith palapit sa kaniya. nanlaki naman ang mata ni Joy at nangningning. Napailing na lang siya.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Kalista?" tanong ni Kael.
"Hindi na masakit ang ulo ko. Medyo maayos naman kumpara sa kanina," aniya.
"Kanina? Bakla, dalawang araw kang plakda. Kakauwi nga lang ni Ilyana kaya ito namang si Keith ang nagbantay sa'yo," sabi ni Joy habang nakatingin sa kaniya.
"Dalawang araw?!"
Nasapo niya ang noo.
"Over fatigue, exhaustion, dehydration. You should take care of yourself. If you want a job, you can call us. Puwede ka naman namin tulungan," sabi ni Keith na halatang nag-aalala.
"Oo nga naman Kali baby, puwede kitang ipasok sa mall namin. Maganda ka naman at sexy matatanggap ka bilang sales lady." Nakangiting sabi ni Kael.
Masamang tingin naman ang ipinukol ni Keith rito. Sumenyas naman si Kael na sinarado ang bibig.
"Ayaw ko na kayong guluhin. Masyado nang malaki ang naitulong niyo sa akin noong namatay si Nanay,"
“Hindi naman kami naniningil. We’re glad we able to help,” seryosong saad ni Keith.
Maging ang dalawa ay tumango rin. Ngumiti naman siya sa mga ito. Napakaswerte niya na magkaroon ng ganitong mga taong sumusuporta sa kanya. Ni hindi niya sukat akalain na ito pa ang mga taong tutulong sa kanila.
“Kailangan ko nang umalis kasi may kailangan pa akong puntahan,” paalam sa kanila ni Kael.
“Ako rin. Dumaan lang talaga ako para makita kung ayos ka na.” Si Caius naman ang nagsalita.
“Ako dito muna ako,” wika naman ni Joy.
Kumunot ang noo ni Caius saka hinawakan si Joy sa braso. Namula agad ang pisngi ni Joy. Gusto niyang tuktukan sa ulo ang kaibigan dahil halatang-halata ang pagkagusto nito kay Caius.
“Sumama ka na sa ‘kin,” alok nito.
Walang salitang tumayo agad si Joy at sumunod na parang bata kay Caius. Ni hindi na nga siya nilingon ng kaibigan. Napailing na lang siya nang tuluyan ng sumara ang pintuan.
Naiwan silang dalawa ni Keith. Tumikhim naman ito saka naupo sa upuan na katabi ng kama niya.
“Thank you,” mahinang sambit niya saka yumuko.
“I’ll pay your tuition fee,” walang abog nitong saad.
Nanlaki naman ang mata niya.
“H-Ha?!”
“You heard me,”
“T-Teka, bakit mo babayaran ang tuition ko? Zion Keith Montemayor, naalog na ba ang utak mo?”
“I just want to. Mas okay na ‘yon kaysa naman gastusin ko lang sa alak at bar. Right?” Tila pangungumbinsi nito sa kanya.
“Kaya ko namang bayaran ang tuition ko. Naghahanap ako ng part time. Hindi mo kailangan na gawin ‘yon,” aniya.
Totoo naman. Masyado ng malaki ang naitulong ni Keith sa kanya.
“I don’t want to see you suffering.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Lumambot ang mukha ni Keith. Hindi niya mabasa kung awa ba iyon o ano ang mayroon sa ekspresyon nito.
"I don't want to see you struggling and getting hurt. I want to help you. I want to make things easier for you."
“At sa tingin mo paano kita mababayaran? Malaki pa ang utang ko sa ‘yo. At ngayon babayaran mo ang tuition ko? Keith, hindi naman kita magulang. Hindi naman tayo magka-ano-ano. Hindi mo kailangan gawin lahat ng ‘to,” paliwanag niya.
“Pero gusto ko, Kalista! Gusto kong gawin lahat ng ‘to. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero pagdating sa ‘yo gusto ko lahat gawin. Lahat ng imposible gagawin kong posible huwag ka lang mahirapan,”
Hindi siya nakapagsalita sa tinuran ni Keith. Hinilamos naman nito ang mukha saka tumayo.
“Right. I get it. Pasensya ka na kung sa tingin mo ay nanghihimasok ako sa buhay mo,” naglakad na ito, ngunit bago pa tuluyang makalabas ay nagsalita na siya.
“Ano na lang ang sasabihin ng magulang mo kung malalaman niyang ginagastusan mo ang isang katulad ko?” Nag-aalala niyang tanong.
“They don’t care about me. I told you they were always busy with their business. Baka nga nakalimutan na nilang may anak sila,”
“Pagtatrabahuhan ko ang perang ibabayad mo sa tuition ko, Keith.”
Lumingon ito sa kaniya habang malawak ang ngiti. “Payag ka na?”
“Kakapalan ko na ang mukha ko, gusto kong makapagtapos para mabigyan ng magandang buhay ang kapatid ko.”
Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Keith.
“Then we can study together? Matalino ka at may mga hindi ako masyadong maintindihan sa mga subjects ko. Can you teach me?” Nagniningning ang mga matang tanong nito.
“I thought you hate studying?”
Umiling ito. “I think I changed my mind now. Mas masarap na mag-aral ngayon,”
Kinabukasan ay na-discharged na rin naman agad siya sa ospital. Si Keith ang naghatid sa kaniya pauwi. Bukod pa ro’n ay may dala rin itong groceries para sa kanilang magkapatid. Hindi na niya sana iyon tatanggapin ngunit mapilit ito. At kung hindi niya tatanggapin ay itatapon na lang raw nito.
“Ate, sa tingin ko gusto ka ni Kuya Keith,” wika ni Ilyana habang nanonood sila ng balita.
“Ha? Saan mo naman nakuha ‘yan?” Natatawa niyang tanong.
“Bulag ka ba ‘teh? Siya ang nagbayad ng bill mo sa ospital. Siya rin ang nagbayad ng tuition nating dalawa. Pinag-grocery ka pa niya. Sino naman ang taong gagawa no’n kung hindi naman niya gusto ang isang tao ‘no?”
Umayos siya ng upo saka kumuha ng chichiryang kinakain ni Ilyana.
“W-Wala naman siyang sinasabi sa ‘kin,” nag-iwas siya ng tingin sa kapatid.
“At kung umamin ba siya, sasagutin mo ba siya, Ate?” Usisa ng kapatid.
Napaisip siya. Hindi niya alam ang isasagot. Sa ngayon ay wala pa sa isip niya ang mga ganoong bagay. Mas kailangan niyang unahin ang humanap ng pera kaysa humanap ng pag-ibig.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising kaya naman naisipan niyang maghanda ng almusal. Nagluto na rin siya ng pambaon nilang pananghalian ni Ilyana. Pagkatapos ay naligo na siya at nagbihis.
Nauna siya kay Ilyana dahil may dadaanan pa raw ito bago pumasok. Maaga pa naman kaya hindi muna siya tuloy sa loob ng eskwelahan. Hinihintay niyang dumaan si Keith dahil ipinaghanda niya rin ito ng almusal. Balak niya ay sabay silang kakain, para naman kahit paano ay makabawi siya sa magagandang naitulong nito sa kaniya kahit sa maliit lamang na paraan.
Tiningnan niya ang orasan. Malapit nang mag ala siyete. Anumang sandali ay dadaan na si Keith. Hindi nga siya nagkamali dahil nang lingunin niya ang daan ay nakita na niya itong nakasakay sa motorsiklo nito.
Mayamaya pa ay tumigil na ito sa kaniyang harapan.
“Anong ginagawa mo diyan?” Nagtatakang tanong nito.
“Ano k-kasi. . .” Hindi siya makapagsalita. Hindi niya pupuwedeng sabihin na hinihintay niya ito dahil baka kung ano ang isipin nito.
“Keith!”
Lumapit sa kanila si Melissa saka mabilis na umangkla sa braso nito. Hindi naman umangal man lang si Keith. Para bang natural nang ganoon silang dalawa.
“May dala akong almusal. Gusto mo ba? Croffles, your favorite! Gumawa ako kaya pinagdala na rin kita,” masiglang sabi ni Melissa.
“Sige, mauna ka na. Susunod ako,”
Saka naman siya nilingon ni Melissa.
“Nand’yan ka pala, Kalista. Sabay na tayong pumasok sa loob?” Aya sa kaniya nito.
“S-Sige, tara na.”
Ipinulupot ni Kalista ang braso nito sa kaniya ngunit hinawakan naman ni Keith ang kaniyang isang braso. Kaya naman natigil sila sa paglalakad.
“Hinihintay mo ba ako?” Tanong nito sa kaniya.
Mukhang naguguluhan naman si Melissa sa nangyayari.
“H-Ha? Hindi, ah! Sige, mauna na ako sa inyong dalawa.” Pagkasabi’y nagmadali na siyang maglakad palayo sa mga ito.
Humigpit ang hawak niya sa dalang paper bag. Nakita naman niya si Kael na naglalakad at kumakaway na sa kaniya malayo pa lang. Tumakbo na ito para mabilis na makalapit sa kaniya.
“Kali baby!” Bati nito sa kaniya.
“Kumain ka na ba? Kung hindi pa, sa ‘yo na lang ‘to.” Aniya saka ibinigay rito ang hawak na paper bag. Bago pa man iyon abutin ni Kael ay may isang kamay nang nanunang kumuha noon.
“Ako hindi pa nag aalmusal. Mas kailangan ko ‘to.”
Sabi ni Keith saka inusisa ang laman ng paperbag. “Whoa! Clubhouse? Paborito ko ‘to!” Agad nitong binuksan ang tupperware saka kinagatan ang pagkain.
Napanganga naman si Kael.
“Hindi pa ako kumakain,” nakangusong sabi ni Kael habang tinitingnan si Keith na ninanamnam ang clubhouse na dala niya.
Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya.