KABANATA 4

1691 Words
(Advance thinking!) SA BUONG buhay ni Arwa ay ngayon lang siya nakaramdam ng hiyang halos manuot sa buo niyang kalamnan. Hindi siya sanay kung paano manilbihan sa ibang tao ngunit hindi madaling hulaan kung ano ang mga dapat niyang gawin. Malayo man ito sa totoo niyang trabaho bilang isang Psychologist ay kailangan niyang pangatawanan. Wala siyang ibang pagpipilian. Sa ilang araw na pananatili niya sa bahay ng kanyang amo na si Lorcan ay naging tahimik ang kanyang buhay na biglang nagbago nang dumating ito. Nagulat at nataranta ang katawan niyang tao. Hindi naman kasi niya akalain na isang gwapo at bata pa ang anak ni Madam Lora Monteverde. Totoo nga ang sinabi sa kanya ni Tatay Mario. Hindi lang ito gwapo, napakagwapo. “Are you okay?” Bigla siyang nag-angat ng tingin sa pinanggalingan ng boses. Nagsimula na namang magwala ang dugo niya sa mga ugat. “Sir!” Mabilis niyang tinakpan ang bibig. “Pa-pasensiya na po, Sir Lorcan. Ma-may kailangan po ba kayo?” nauutal niyang sabi. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid niya. “Itatanong ko lang sana kung may niluto kang pagkain? Hindi pa kasi ako kumakain.” Hawak pa rin nito ang ice bag na nakadampi sa mukha. “Opo! Ipaghahanda ko po kayo.” Dali-dali siyang tumayo at humakbang palabas ng pinto. “Okay ka lang ba talaga?” Nakasunod lang ito sa kanya. “Oo naman po, Sir. Okay pa sa all right.” Hindi na niya ito nilingon sa takot na mautal na naman siya. “Sabi mo e.” Naramdaman niyang tumigil ito sa paghakbang. “Magpapalit lang muna ako ng damit.” Tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Sanay naman siyang makipag-usap sa iba’t ibang klase ng tao regardless kung ano man ang katayuan nila sa buhay ngunit kakaiba yata ang dating sa kanya ng isang Lorcan Monteverde. Hindi kaya dahil amo niya ito kaya hindi niya mawari ang nararamdaman niya? Kabag lang ito, Arwa. Inihanda niya ang mesa ng walang kahirap-hirap. Ganoon ang lagi niyang napapansin sa mga kasambahay nila sa villa. Pakiwari niya ay hindi marunong mapagod ang mga kasambahay nila sa araw-araw na gawain. At dahil isa na siyang kasambahay ngayon ay kailangan ganoon din siya. Nasaan na kaya si Sir Lorcan? Ang sabi niya ay magpapalit lang siya ng damit. Nagkibit-balikat na lang siya. Mukhang pasado na talaga siyang maging isang kasambahay. Sa bilis niyang kumilos ay wala pa rin ang amo niya. Ilang sandali pa siyang naghintay subalit wala pa rin ito. Hindi kaya bigla na lang itong nawalan ng malay dahil sa paghampas niya ng walis tambo? Halos takbuhin na niya ang silid nito. Siya ang ituturong suspect kung sakaling may masamang mangyari sa lalaki. Hindi maaari iyon. Hindi pa siya nagtatagal sa trabaho ay baka madiskubre ng kanyang ama kung nasaan siya. Walang kaabug-abog na binuksan niya ang pinto ng silid ni Lorcan. Sa lakas niyon ay isang malutong na mura ang naging kapalit. “F*ck!” Biglang tumalikod ang binata habang binubuhol ang tuwalya sa hubad na katawan. “Do you know how to knock the door? For Pete’s sake! Bigla ka na lang pumapasok!” Kitang-kita niya kung paano nagtagis ang bagang nito kahit na nakatalikod sa kanya. Napalunok siya nang mapagmasdan ang mga butil ng tubig na dumadaloy sa basa nitong katawan. “So, what now? Bakit ka bigla na lang pumasok dito sa silid ko ng hindi man lang kumakatok?” Nasapo niya ulo. Isang pagkakamali na naman ang kanyang nagawa. Ang hirap naman kapag advance mag-isip! “Sir, nakahanda na po kasi ang hapunan ninyo. Ang sabi po kasi ninyo ay magpapalit lang kayo ng damit. Natagalan po kasi kayo kaya nagmamadali akong pumunta dito. Hindi ko po kasi alam ang gagawin kung may nangyari sa inyong hindi maganda lalo pa at nahampas ko po kayo kanina.” Isang mahabang katahimikan ang namayani. Hindi na rin agad nagsalita pa ang lalaki kaya minabuti na niyang lumabas na ng silid nito. Hindi na siya magtataka pa kung sakaling paalisin na siya sa pamamahay nito at tuluyang tanggalin sa trabaho. Masyado kasi siyang atribida. Nag-aalala siyang dahil sa mga kapalpakan niya ay mahalata nitong hindi talaga siya sanay sa gawaing bahay. “Arwa is your name, right?” tanong nito na ikinatigil niya sa paghakbang. “O-opo!” “Salamat sa pag-aalala. Pupunta na lang ako sa hapag-kainan pagkatapos kong magbihis.” “Okay po, Sir.” Maingat niyang isinara ang pinto saka marahas na nagbuga ng hangin. Muntik na ako roon. Mayamaya pa ay napangiti na rin siya. Mabait talaga si Lord sa akin. ISANG fitted na white t-shirt at itim na pajama ang napiling suotin ni Lorcan. Madalas ay boxer lang at topless siya kapag nasa sariling bahay subalit hindi pwede sa ngayon dahil may kasama siyang ibang tao at isang babae pa. Wala naman talaga siyang balak umuwi mula sa kanyang business trip kung hindi lang sa natanggap niyang mensahe ng kanyang Mommy. May nakuha na raw ang mga ito ng magiging maid sa kanyang bahay. Noong una ay hindi siya agad naniwala ngunit mapilit talaga ang Mommy niya. Idinahilan pa nitong nasa bahay na niya ang maid na nakuha nila para sa kanya. Ang ending ay nahampas siya ng walis tambo dahil napagkamalan pa siyang magnanakaw sa sarili niyang bahay. Oo, nasaktan siya ngunit nang malaman niyang nag-aalala sa kanya si Arwa na kanyang maid ay tila gumaan ang pakiramdam niya. Natawa na lang siya nang maalala iyon. May kakaibang karakter si Arwa na una pa lang niyang nakita sa lahat ng babaeng nakilala niya. Sa kabila ng pagiging careless nito ay nakakatuwa ang uri ng pananalita nito. Nagmistula itong isang bata na takot na takot sa ano mang mangyayari sa kanya. Wala siyang alam sa background nito ngunit dahil aprubado na ng kanyang mahal na ina ay wala na rin siyang magagawa pa. Tiyak naman na hindi ito basta basta lang makakapasa because knowing his Mommy, siguradong the best ang nais ibigay sa kanya. Nakita niyang tumunog ang mobile phone niya na nasa bedside table. Si Wolf ang tumatawag. Napailing siya. Ang lakas talaga makatunog ng kaibigan niyang iyon. “Hello.” “Hey, Lorcan! I miss you!” malakas na tugon nito na sinundan ng halakhak. “What do you need, Wolf,” walang kabuhay-buhay niyang sagot. Humakbang na siya palabas ng kanyang silid upang tunguhin ang dining. “Balita ko nakauwi ka na. Wanna have some fun?” “Pass muna. I need to rest, Wolf. Pagod pa ako sa biyahe.” Sinulyapan niya si Arwa na nagsasalin ng tubig. “Oh, come on. Kailan mo pa idinahilan ang pagiging pagod sa biyahe? Alam na alam ko ang bawat nunal mo sa katawan ganoon din ang mga emotional at physical needs mo. Hinding-hindi makakalusot sa akin iyan.” “I’m dead tired, really. Maybe next time o kahit bukas. Pagpahingahin mo man lang ako. Pakisabi na lang sa kanila – oh wait, ako na lang ang tatawag sa kanila.” “Lorcan, may bago ba?” “What do you mean?” Muli niyang napagmasdan si Arwa na umiinom na ng tubig. “Ibang babae na naman ang kasama mo ngayon, no?” “Hell, no!” May kung anong bumagsak sa sahig matapos niyang sumigaw. Pinulot ni Arwa ang nahulog na tinidor. Hawak-hawak nito ang dibdib. Marahil ay nagulat ito sa lakas ng boses niya. “Easy, man. I was just kidding, okay? Masyado ka namang high blood. May binasag ka bang gamit? May narinig akong bumagsak.” “Wala iyon,” aniya sa mahinang tinig. “Kailangan ko na talagang magpahinga, Wolf. Just give it to me, okay?” “Oo naman. Basta huwag mong kalilimutang I’m just one call away. Ako na rin ang bahalang magsabi sa kanila.” Nawala na ito sa linya. Simula na naman ng kalbaryo niya. Kung paanong nalaman ng kaibigan niyang si Wolf ang oras at araw ng pag-uwi niya ay hindi niya alam. Hangga’t maaari nga ay ayaw niyang may makaalam sa mga kaibigan niya na nasa sariling bahay siya. Tiyak na guguluhin lang siya ng mga ito. Pipilitin na mag-enjoy sa labas at kung saan-saan pupunta. Madalas niyang nakakasama sina Braxton at Wolf dahil katulad niya ay binata pa rin ang mga ito. Sina Garette at Justice ay masaya na ang buhay sa piling ng kani-kanilang mga asawa at ayaw na nilang maabala ang mga ito. Sadyang mabait lang talaga sina Fortney at Liberty dahil hinahayaan at pinapayagan pa rin ng mga ito ang dalawa para makasama nilang tatlo. “Sir Lorcan, kain na po kayo.” Nilingon niya si Arwa na tipid na nakangiti sa kanya. “Pasensiya na po kung naabala ko kayo sa kausap ninyo kanina.” “It’s okay.” Hinila niya ang upuan at umupo na. “Ikaw, kumain ka na ba?” “Opo.” Bahagyang itong tumungo. Tumangu-tango siya. Nagsimula na siyang kumain samantalang nanatili lamang na nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa ginagawa nitong tila hindi mapakali. Pinaglalaruan nito ang mga daliri sa suot nitong damit na parang isang bata. Pinilit niyang huwag na lang ito pansinin. Itinuon niya ang buong atensiyon sa pagkain. In fairness, masarap. Kailan nga ba ang huling beses na kumain siya ng lutong bahay? Bigla niya tuloy na-miss ang mga pagkaing inihahanda sa kanilang mansion. Hindi nakakalimutan ng Mommy niya na ipaluto ang mga paborito niyang pagkain. Kaya kapag uuwi siya roon ay nagmistulang fiesta na may napakaraming handaan. “Gu-gusto ninyo po bang kumain ng prutas, Sir? Mayroon pong mansanans, orange at saging. Ikukuha ko po kayo.” Hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis na nitong kinuha ang fruit basket na may lamang mga prutas. Pinagmasdan niya na lamang ito na balatan ang mga prutas na hawak nito. Mayamaya pa ay napaubo siya ng malakas kaya inabot niya ang basong may lamang tubig. “A-ano ang sinabi mo?” tanong niya. Maaaring mali ang kanyang narinig. “Malaki po ba ang saging ninyo?” ulit na tanong ni Arwa. Parang gusto niya na lang maglaho sa oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD