KABANATA 3

1123 Words
(He’s Lorcan Monteverde!) IKALAWANG-araw na niya sa bahay ng anak ni Mrs. At Mr. Monteverde ngunit ni anino ng magiging amo niya ay hindi pa niya nasisilayan. Marahil busy lang talaga ito sa trabaho. Bumalik siya sa kusina at ininit ang pagkaing niluto niya kagabi. Isang araw na naman ang lumipas at kahit na mag-isa siya sa loob ng bungalow house ng kanyang amo ay ramdam niya ang kapayapaan sa kanyang dibdib. Iyon ang unang beses na naging malaya siya at kaya niyang gawin anuman ang naisin niya. Nang makitang bahagyang umuusok na ang kawali ay pinatay na niya ang gas. Sa totoo lang, napagod siya sa maghapong paglilinis ng buong bahay. Halatang hindi man lang nalilinisan ng ilang linggo o buwan. Magaganda at mamahalin pa naman ang mga gamit sa buong bahay. Kumuha siya ng pinggan at kutsara at saka umupo upang kumain sa mesa. Gutom na talaga siya. Bago kasi siya naglinis ng bahay ay pumunta muna siya sa malapit na palengke upang mamili ng mga pagkaing ilalagak sa refrigerator. Anumang oras na dumating ang kanyang amo ay may maihahain siyang pagkain. Gaya nga ng bilin sa kanya ni Mrs. Monteverde, huwag hahayaang magutom ang anak nilang sa trabaho na yata umiikot ang buhay. “Hmmn, sarap naman ng luto kong sinigang," aniya sa sarili. "Pwede ng mag-asawa." Mahina pa siyang tumawa. "Effective ang cook book na binigay ni Aling Marina." Magana siyang kumain. Feel na feel niya ang pagtira sa isang bahay na wala siyang gagawin kung hindi ang mabuhay sa nais niya. Maglinis, maglaba, magluto at iba pang gawaing bahay lang ang magiging routine niya sa araw-araw. Nang matapos siyang kumain ay diretso niyang hinugasan ang plato sa lababo. Manonood lang siya saglit ng telebisyon at saka siya matutulog. “Hay, ang sarap ng buhay! Kung ganito lang ang buhay ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Ang sarap talagang maging malaya!" iinat-inat pa niyang sabi kasunod ng paghiga sa mahabang sofa. Napabangon siya nang may marahang kumaluskos sa labas ng bahay. Tila malapit iyon sa pinto. “Uso ba ang magnanakaw sa lugar na ito? Eh, di sana, naubos na ang mga gamit dito sa loob ng bahay. Ah, basta! Hinding-hindi siya makakakuha ni isang gamit dito!” bulong niya sa sarili. Dahan-dahan siyang tumayo at mabilis na kinuha ng walis tambo na nasa likod ng pinto. Bago pa man makalapit sa kanya ang sinumang taong iyon ay tiyak na mapapalo na niya muna ng maraming beses. Hindi siya makakapayag na hindi lumaban sa mga kalaban. Napahigpit ang hawak niya sa walis tambo nang unti-unting gumalaw ang seradura ng pinto. At talagang may sarili pa itong susi! Kakaibang magnanakaw naman ito! Napapikit ang dalawa niyang mata nang dahan-dahang bumukas iyon. “Baka makapatay ako ng tao ngayon!” sigaw niya sa loob ng isipan niya. Malaking anino ang nakita niyang papasok kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pa na bumwelo upang paluin ito. Tiyak na matutuwa ang mag-asawang Monteverde kapag nalaman ng mga ito na ipinagtanggol niya lamang ang bahay ng pinakamamahal nilang anak. “Lagot ka sa akin! Ah!" “What the– " anito ngunit hindi siya tumigil sa pagpalo nito habang kung todo iwas naman ito sa kanya. “Walang hiyang magnanakaw ka! Akala mo siguro walang tao sa bahay na ito, noh? Puwes, nagkakamali ka!" aniya habang patuloy lang siya sa pagpalo. "Akala mo siguro naka-jackpot ka na, noh?" “Enough!" malakas na sigaw nito. Bigla naman siyang nahintakutan. "Who are you?" tila galing sa ilalim ng lupa ang boses na sabi nito. "What are you doing in my house?!" “A-ah... S-Sir Lorcan?" “Ikaw ba ang maid na pinadala ng Mommy ko?" tanong nito na bahagyang binabaan na ang tono ng boses. “Talagang nagulat siya. Patay na ako nito! Boss ko pala ang pinapalo ko kanina pa!” bulong niya na may kaba sa dibdib niya. “O-opo, Sir. Pasensiya na po kung napagkamalan ko kayong magnanakaw. A-akala ko po kasi—“ “Magnanakaw ako?" Napatungo siya. Hindi niya nasi makita ang mukha nito dahil sa malaking kasalanan na nagawa niya. Tama bang pagkamalan niyang magnanakaw ang may-ari ng bahay na pinagsisilbihan niya? “Hindi ka na kumibo riyan." Nakita niyang humakbang ito at tumigil sa sofa at saka umupo. Mayamaya pa ay nagtanggal na ito ng suot na sapatos. “Pasensiya ka na kung natakot kita. Nakalimutan ko rin mag-abiso na uuwi ako ngayong gabi." “Pasensiya na po talaga, Sir Lorcan. Hindi ko po sinasadya ang ginawa ko kanina. Sana po hindi ninyo ako tanggalin sa trabaho.”—“Kapag nagkataon, back to zero na naman ako!” dagdag niya sa loob ng isipan niya. “Don't worry ginawa mo lang naman ang trabaho mo. Medyo masakit nga lang 'yung walis tambo." Nakita niyang iginala ang mga mata nito sa braso na bahagyang namula dahil sa pagkakapalo niya. Kaya kaagad niya itong nilapitan. Hinawakan niya ang bahaging iyon. “Masakit po ba? Sandali po at ikukuha ko kayo ng yelo.' “Hindi na." Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ang haba ng mga pilik mata nito na dinaig pa ang sa kanya. Hindi lang sapat ang salitang gwapo para maisalarawan ang kabuuan ng mukha nito. “Diyos ko, super hunk!” kinikilig na aniya sa loob ng utak niya. At mabilis siyang nagbitiw ng hawak dito. "Pa-pasensiya na po. Hindi ko sinasadya. Kukuha lang po ako ng yelo sa ref." “Ah, huwag na. Ako na lang." Tumayo na ito saka dumiretso sa kusina. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa six feet ang tangkad nito. Ganoon ba ang itsura ng walang girlfriend? Baka fling marami. Tinampal-tampal niya ang mukha. “Ano ka ba, Arwa? Dumating na ang amo mo, kaya pagsilbihan mo!" Halos takbuhin niya ang kusina. "Sir, ako na po! Katulong ninyo po ako kaya responsibilidad ko po na maalagaan kayo. Ako naman po ang may kasalanan kung bakit nagkaroon po kayo ng bruises, eh." “Ano ang sabi mo?" tanong nito na parang nagtataka. “Ako na lang po ang mag-aasikaso ng yelong gagamitin ninyo." Inagaw niya ang yelo na hawak nito saka nagmamadaling kinuha ang ice bag na nasa bandang itaas na cabinet. Sa pagpupumilit na kunin ito kaagad ay hindi niya napansin ang pagkawala ng balanse sa upuang tinungtungan niya. “Ah...ah...ah!"—“Arwa, ano ang ginagawa mo sa sarili mo? Hindi ka sa kangkungan pupulutin ngayon, sa sahig!” hiyaw niya sa sarili. Sa pagpikit ng mga mata ay alam na niya ang kahihinatnan niya ngunit wala siyang naramdaman na kahit na anong sakit. “S-Sir Lorcan?" tanong niya nang maimulat niya ang kaniyang mga mata. At dahil sa bisig na pala siya ng gwapo niyang amo bumagsak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD