KABANATA 5

1099 Words
(Late bloomer) DALI-dali siyang kumuha ng tubig sa loob ng refrigerator. Sunud-sunod ang naging pag-ubo ng kanyang amo kahit na naubos na nito ang isang pitsel ng tubig na inihanda niya. Maayos naman itong kumakain ng hinanda niyang pagkain ngunit bigla na lang naudlot ng tanungin niya tungkol sa prutas. “Sir, tubig pa po.” Inabot niya ang baso matapos lagyan ng tubig. “Thank you,” anito saka biglang tumayo pagkatapos lagukin ng mabilis ang laman ng baso. “Sir, tapos na po ba kayo kumain? Paano po itong mga prutas?” “Bu-busog na ako. Ikaw na lang ang kumain niyan.” Kunot-noo niyang pinagmasdan ang amo niyang umalis ng hapag-kainan. “Hindi ba siya nasarapan sa niluto ko? O baka busog na talaga siya kaya ayaw na niyang kumain pa ng prutas.” Palaisipan pa rin sa kanya ang naging mabilis na pagbabago sa kilos ng amo niya. Kaya kahit abala siya sa paghuhugas ng pinggan ay pilit niyang iniisip kung may mali ba sa kanyang nagawa. “A-ano ang sinabi mo?” tanong nito. “Malaki po ba ang saging ninyo?” ulit na tanong niya. Dalawang klase kasi ng saging ang nabili niya sa palengke. May lakatan saka senyorita na saging. Hindi niya kasi alam ang gusto ng amo niya kaya mabuti na ang may pagpipilian. “Teka, ano ba ang nasabi ko?” Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang mga salitang binitiwan niya. “My God, ano ba ang nasabi ko? Arwa naman! Ano ba ang ginawa mo? Baka kung ano ang isipin sa iyo ng amo mo!” Pinagpawisan siya ng malapot. Paano pa niya ngayon maipapaliwanag ang sarili sa amo niya? Ano na kaya ang tinatakbo ng isip nito tungkol sa kanya? Arwa, breath in, breath out. Magiging maayos din ang lahat. Inisa-isa niyang tiningnan ang bawat pinto upang sigurudhin na naka-lock na. Sunod niyang pinatay ang mga ilaw sa sala at iba pang bahagi ng bahay saka tuluyang pumasok sa kanyang silid. Kailangan niyang makatulog agad upang magising siya ng maaga kinabukasan. Napagpasyahan niyang humingi na lang ng paumanhin sa kanyang amo tungkol sa hindi maganda niyang nasabi. Inayos niya ang sarili sa ibabaw ng kanyang kama. Wala naman siyang naging problema sa loob ng ilang araw na pananatili niya sa bungalow na bahay ni Lorcan. Mabilis siyang nakakatulog na at wala siyang naging problema sa paggising sa umaga. “Magluluto ako ng sinangag, fried bacon, hotdog at egg para sa almusal bukas. Kailangan ko ring linisin ang buong bahay saka ako mamamalengke para sa ihahanda kong tanghalian at hapunan. Lalabhan ko ang mga maruming damit ni Sir Lorcan.” Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. “Paano ako makakahingi ng sorry sa kanya?” Tinampal-tampal niya ang magkabila niyang pisngi. “Kaya mo iyan, Arwa. Hindi ka naging isang Psychologist para lang sa wala.” Fighting lang, self! Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sa dami ng naisip niyang gagawin kinabukasan ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Pakiramdam niya ay nakahiga lang siya sa kama na gising na gising ang kanyang diwa. Muli niyang iminulat ang dalawang mata. Bahala na. Walang ingay siyang lumabas ng kanyang silid. Dahan-dahan niyang tinungo ang silid ni Lorcan. Ano ba ang ginagawa ko rito? Muli siyang nagbuga ng hangin. Kailangan na niyang tuldukan ang pagkakamaling naidulot niya upang makatulog na siya. Akma na siyang kakatok matapos magbilang ng isa hanggang tatlo nang biglang bumukas ang pinto. Napanganga na lamang siya nang tumambad ang bulto ng lalaki. Naumid ang dila niya at hindi alam kung paano magsisimulang magsalita. Tuluyan na siyang naestatwa sa harap nito at tinakbuhan na ng lakas ng loob sa balak niyang gawin. “May kailangan ka ba, Arwa?” tanong nito habang titig na titig sa kanyang mukha. “Ka-kasi Sir Lorcan ma-may gusto sana akong sabihin sa iyo.” “Ano iyon at hindi na kailangan pang ipagpabukas?” Nakapamaywang na ito. “Pasensiya na po, Sir! Mali po ang nasabi ko sa inyo kanina. Huli ko na po na-realize na hindi tama ang – “ “Tungkol ba ito kanina sa saging na sinabi mo?” Pag-angat niya ng mukha ay nakangiti na ito. “O-opo. May dalawa po kasing klase ng saging ang nabili ko sa palengke. May maliliit po na tinatawag na senyorita at may medyo mahaba po na tinatawag na lakatan. Ang ibig ko lang naman itanong sa inyo ay kung malaki ba saging na… gusto ninyo.” Sigurado na siyang naitama na niya ang ibig niyang sabihin. Nahiling niyang sana ay maintindihan siya nito. Malakas na halakhak ang tinuran ni Lorcan. Pulang-pula na ang mukha ni Arwa habang mabilis na ipinapaliwanag nito ang nangyari kanina lang sa hapag-kainan. Hindi niya akalaing sasadyain siya nito upang maipatindi sa kanya ang tungkol sa saging na sinasabi nito kanina. Halata naman na wala itong intensiyon na sabihin ng ganoon iyon ngunit nawala talaga siya sa kanyang sarili. Ilang ulit iyong naglaro sa kanyang isipan pero sa huli ay nauuwi na lang siya sa pagtawa. “Sir?” puno ng pangamba ang mukha ni Arwa na tiningnan siya. “Hindi ko po talaga sinasadya. Patawarin ninyo na po ako. Kahit hindi po ninyo ako swelduhan ng isang araw ay ayos lang sa akin. Huwag ninyo lang po ako paalisin at tanggalin sa trabaho.” “Arwa.” “Po?” “Don’t worry. Hindi naman kita tatanggalin sa trabaho. Aaminin ko, nabigla ako sa sinabi mo kanina. Hindi ko rin naman alam ang ibig mong sabihin e. Now that you already explain your side, it’s fine. Hayaan mo na iyon. Sana hindi na maulit sa susunod ha?” “Opo, Sir! Hindi na po talaga mauulit! Promise po talaga!” “Okay. So, bumalik ka na sa silid mo at magpahinga ka na rin.” “Sige po, Sir. Matulog na rin po kayo. Alam ko pong pagod po kayo sa biyahe ninyo.” Tumalikod na ito kaya pinihit na niya ang seradura ng pinto. “Oo nga po pala Sir, ano po ang gusto ninyong kainin sa almusal? May request po ba kayo na gusto ninyong ipaluto?” “Kahit ano.” Nginitian niya ang kasambahay na nakangiti na rin sa kanya. “Masusunod po.” Yumukod pa ito saka patakbong bumalik sa sariling silid. Kagat labi niyang tinungo ang kama. Bihira lang siya matuwa sa isang tao at hindi niya talaga mapigilan kay Arwa ang nararamdamang iyon. Mukhang hindi nagkamali sa pagpili ang Mommy. Mahirap magtiwala sa kahit na sinong tao ngayon ngunit tila naiiba si Arwa. Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD