(Believe in what you see) IT feels good. Lagi niyang nararamdaman iyon sa tuwing magkalapat ang mga labi nila ni Arwa. Kung hindi lang nagsisigaw si Wolf ay hindi niya nais na matapos pa iyon. Bahagyang tumungo si Arwa matapos ang halik. Mamula-mula na ang pisngi nito na lalong nagpatingkad ng kagandahan nito. Hindi na niya pinigilan ito nang magpaalam sa kanya. Hindi man iyon ang tamang oras para sa kanilang dalawa, atleast hindi niya nararamdaman ang pagtutol nito sa halik na pinagsaluhan nila. Binalikan niya si Wolf na pinapanood pa rin ang video. Hindi niya man nais na sabihin sa kaibigan ang tungkol doon ay wala na siyang nagawa pa. Gusto niya lang naman makita nito ang ginagawa kapag wala si Karen. “Bro, bakit mo naman ako kinuhaan ng video? Sigurado ka bang hindi ito nakarating k