KABANATA 24

1104 Words

(Sudden change) LUMABAS siya ng silid upang tingnan si Lorcan at ang kasama nitong si Wolf na nag-iinuman. Nagulat siya nang walang madatnan sa sala. Sumilip siya sa bintana at nakumpirmang umalis nga ang mga ito dahil wala ang isang sasakyan. “Saan naman kaya sila nagpunta?” Nilingon niya ang malaking orasan na nasa ibabaw ng malaking cabinet na katabi ng malaking telebisyon. Malalim na ang gabi at wala siyang ideya kung anong klaseng lugar pa ang pinuntahan ng mga ito. Inayos at nilinis niya ang buong sala. Mahigit dalawang case na ang naubos inumin nina Lorcan at Wolf pero lumabas pa rin ang dalawa. Mukhang sanay na sanay ang mga ito pagdating sa inuman. Nagbuga siya ng hangin. Lalaki sila at normal lang iyon pagdating sa kanila. Pagkatapos niyang maghugas ay umupo siya sa mahabang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD