(Complicated and heart broken) PANAKA-nakang pinagmamasdan ni Lorcan sina Wolf at Arwa na masayang nagkukwentuhan sa kusina. Nasa sala siya at may hawak na babasahing libro na hindi niya naman binabasa. Nagkukunwang abala siya samantalang hindi maalis ang dalawa niyang mata sa dalawa. D**n! Kung pwede lang kaladkarin palabas ng pamamahay niya ang kaibigan ay kanina pa niya ginawa. Malapit na sila ni Arwa sa espesyal na moment ngunit hindi na natuloy dahil sa biglaang pagdating nito. Ang ending, siya pa ang parang bisita. Mas close pa ang dalawa. Aakalain mong matagal ng magkakilala kung magtawanan at mag-usap. Sana hindi na lang niya pinagbuksan ng pinto ang magaling niyang kaibigan. Nasa langit na siguro siya ngayon kasama si Arwa. Panira talaga ng araw, e! Biglang nag-init ang buo ni