KABANATA 6

1745 Words
(I see your undies!) MAAGANG nagising si Arwa. Puno siya ng sigla dahil sa napakabait niyang amo. Kung iba siguro ang naging employer ay malamang pinalayas na siya sa pagkakamaling nagawa niya. Ipapakita niyang deserve niyang mabigyan ng second chance. Pakanta-kanta siyang lumabas ng kanyang silid matapos maligo. Maghahanda siya ng almusal para kay Sir Lorcan. Marami siyang kailangang gawin upang pagsilbihan ito. Ayon naman kay Aling Marina na asawa ni Tatay Mario, madalas itong wala sa bahay dahil sa trabaho. Saka na niya gagawin ang iba ang personal niyang plano kapag tapos na ang pagbabakasyon nito. Dinurog niya ang kanin na natira noong isang gabi habang nakababad ang bacon at hotdog sa planggana. Mabuti na lang talaga at palihim siyang nagpaturo sa kasambahay nila noon kaya hindi siya ignorante ngayon. Lihim siyang nagbunyi. Akala siguro ng kanyang ama ay babalik siya agad sa sariling pamamahay dahil sa kawalan niya ng kaalaman sa maraming bagay. Pinanganak siyang halos may yayang nakabuntot sa kanya. Halos lahat ng kilos niya ay nakabantay ang mga ito. Pati sa kanyang paglalaro ay nakaabang ang mga ito sa takot na magalusan siya. Iyon ang naging dahilan kung bakit wala siyang naging malapit na kaibigan. Umabot siya ng college na hatid-sundo ng kanilang driver at yaya. Napaka-spoiled niya sa ama. Kung ibang bata siguro ay tuwang-tuwa sa pagmamahal na ibinibigay ng Papa niya. Walang hindi ito nais maibigay upang masiguro lang na mabuhay siya ng maginhawa ngunit iba siya. Gusto niya ng sarili niyang oras. Gusto niyang matuto sa sarili niyang kakayahan. Tiyak na hindi ganoon ang mundo niyang kinalakhan kung nabubuhay pa ang kanyang Mama. Ang Mama niya lang ang bukod tanging tao sa mundo ang may kakayahang baguhin ang isip at desisyon ng kanyang ama. “Ouch!” Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayang daliri na niya pala ang hinihiwa niya. Mabilis niyang hinugasan iyon saka inabot ang first aid kit na nasa drawer ng cabinet. “Kung anu-ano kasi ang iniisip mo kaya ka nasugatan. Mabuti nga iyan sa iyo,” aniya. “What happened?” anang boses mula sa kanyang likuran. “Nasugatan ka?” Magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Lorcan. “Bakit ka nasugatan?” Inagaw nito ang hawak niyang band-aid at ito pa mismo ang maingat na naglagay sa daliri niya. “Malayo naman po ito sa atay ko, Sir. Na-nadulas lang ang knife sa daliri ko. Sa pagmamadali ko po kasi kaya – “ “Bakit ka naman kasi nagmamadali? May lakad ka bang pupuntahan?” Sinuri nito ng mabuti ang palibot ng daliri niya. “Mamamalengke lang po ako mamaya, Sir. Magluluto lang po ako at maglilinis bago umalis,” sagot niyang sa ibang direksiyon nakatingin. “Hindi mo naman kailangang magmadali. Maaga pa naman.” Sinulyapan nito ang kusina. “Ako na ang magtutuloy ng ginagawa mo – “ “Sir, huwag na po!” awat niya kasabay ng paghawak sa kamay nito. “Ako po ang kasambahay kaya ako po ang dapat na gumawa ng pagluluto. Daliri lang naman po ang nasugatan sa akin. Hindi pa naman po ako mamamatay dahil dito.” “I know malayo sa bituka iyan pero alam ko rin na masakit iyan.” Matigas ang boses nito na tila hindi pwedeng mabali. Pilit siyang ngumiti. “Kaunti lang naman po ang sakit, Sir. Sanay na po ako na nasusugatan paminsan-minsan,” pagsisinungaling niya. “Ako na po ang magluluto. Tatawagin ko na lang po kayo kapag nakahanda na po ang hapag-kainan.” Binalikan niya ang ginagawa at sinikap na mag-focus. Pakiramdam niya kasi may mali na naman siyang nasabi. Walang lang iyon. Mabilis siyang natapos at ihahanda na ang mga pagkain sa mesa nang tumambad sa kanya ang naka-topless na amo sa kanyang likuran. Sunud-sunod siyang napalunok. “I’m just making sure kung talagang maayos na ‘yang daliri mo. Baka kasi kung mapaano ka pa,” anito na hindi pa rin umaalis sa harapan niya kaya tila nakulong siya sa kinatatayuan niya. “O-okay lang po ako, Sir. P-pwede na po ba ninyo akong paraanin?” Doon lang tila ito natauhan. Sinamantala niyang makawala sa pagkakakulong nito sa kanya upang dalhin ang mga hawak na lutong-pagkain sa hapag-kainan. “Gusto ninyo po ba ipagtimpla ko kayo ng kape?” Kumuha na siya ng tasa kahit hindi pa ito sumasagot. “Just put a little sugar,” utos nito na ginawa niya naman. “Kumain na po kayo, Sir. Maglilinis na lang po muna ako. Iwanan ninyo na lang po ang mesa pagkatapos ninyong kumain. Ako na po ang bahala.” Marami siyang tatrabahuhin kaya kailangan niyang magmadali. “Join me.” Hawak nito ang kamay niya kaya hindi natuloy ang kanyang paghakbang. “Sir, mamaya na lang po ako – “ “I will not take no for an answer.” Nakakatakot ang boses nito kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod. Kumuha ng isa pang pinggan at umupo sa harapan ng kanyang amo. Walang-imik na kumain siya. Umaalingawngaw ang tunog ng kutsara at tinidor sa pagitan nilang dalawa. Mukhang mainit ang ulo at kasalanan ko na naman. Binilisan na lamang niya ang pagkain upang magawa na niya ang iba pa niyang gawain. “Eat slowly. Hindi ka matutunawan ng maayos sa ginagawa mo.” “O-opo,” tanging nasabi niya. Pakiramdam niya ay lumiliit ang distansiya nilang dalawa. “Masarap ang kapeng tinimpla mo. Saktong-sakto sa panlasa na hinahanap ko.” Hindi niya napigilan ang mapangiti. Tila nagkaroon ng pakpak ang likod niya at gumaan ang kanyang pakiramdam. “Hayaan ninyo po, Sir. Lagi ko po kayong ipagtitimpla ng kape.” Nakita niyang umangat ang isang gilid ng labi nito. “Aasahan ko iyan,” sabi nito saka biglang tumayo. “Pwede mo ba ako ibili ng notebook o kaya naman planner? Nawala kasi ang dati kong ginagamit.” “Opo.” “Nasa kwarto ko ang perang pambili. Huwag mo ng gastusin ang ibinigay sa iyo ni Mommy.” “BILI na kayo mga suki! Presyong pangkaibigan lang!” narinig niyang sigaw ng mga tindera sa palengke. Natawa pa siya nang irampa ng isa sa tinderong lalaki ang hawak nitong bra na naka-hanger. Nagpalakpalakan pa ang ibang mamimili dahil sa napakalambot nitong baywang habang rumarampa. Pangalawang beses pa lang niyang pumunta sa palengke pero hindi niya alam kung bakit sa kabila ng dami ng tao ay tuwang-tuwa siya. Nasaksihan niya kung paano sabay-sabay na sumisigaw ang mga tindero at tindera sa mga mamimili. Bagama’t maingay dahil sa tabi-tabi lang ang mga pwesto ay nakakatuwang walang kompetensiya sa mga ito. Nagtutulungan pa silang makabenta. Halos hindi naman magkamayaw ang mga bumibili talaga naman na mura ang mga bilihin hindi katulad sa mall kung saan mahal ang presyo ng mga bilihin. “Hi, Miss Ganda! Baka gusto mo ng bra, mura lang pero pwede ng irampa sa dagat!” ani ng baklang nasa harapan na pala niya. “Gawang Pilipinas ito, Miss Ganda kaya dapat bilhin mo na.” Tiningnan niya ang hawak nito. Kung sabagay. Pwede na rin. “Sige, pabili ako ng dalawa.” “Ay, bongga! Dahil dalawa ang binili mo, may discount ka! Seventy pesos kasi ang isa niyan pero one hundred na lang sa iyo ang dalawa!” excited nitong sabi sa kanya. “Wow, talaga?” Namilog ang mga mata niya. “Of course! Alam mo naman ang isang tulad ko, hindi lang loyal sa mahal ko pati na rin sa mga suki ko!” Inabot nito sa kanya ang supot kung saan inilagay ang dalawang bra. “Salamat.” Ibinigay niya ang one hundred pesos. “Balik ka, Miss Ganda!” Napangiti siya. Ang sarap pala sa pakiramdam na siya mismo ang gumagawa ng desisyon niya para sa sarili. Wala na sa kalendaryo ang edad niya ngunit nagmistula siyang isang bata na ini-explore pa lang ang mga bagay sa mundo. Well, na-enjoy niya naman ang mag-aral. Mayroon siyang mga naging kaibigan pero hanggang doon lang iyon. Hindi na yumayabong dahil na rin sa higpit ng kanyang Papa. Bigla niyang naalala ang bilin sa kanya ni Lorcan. Kailangan niya palang bumili ng notebook o planner na gagamitin ng kanyang amo. Iyon na lang ang kulang na dapat niyang bilhin. Naglakad-lakad siya sa gawing kaliwa ng mga nagtitinda ng mga prutas. Muli na naman niyang naalala ang tungkol sa saging sabay napailing. Isang store ang pinasukan niya. Maraming school supplies ang sumalubong sa kanya na ikinangiti niya. Para siyang isang bata na sabik na bumili ng gamit sa eskwela. Kumuha siya ng sampung ballpen at limang lapis. May nakita rin siyang clips na iba’t iba ang kulay na may kasamang fastener. Isang kulay blue na planner naman ang sunod niyang kinuha. Pwede na siguro ito. Dinagdagan pa niya ng isang spiral notebook at isang planner na kulay pink na para sa kanya. Magagamit niya iyon sa pinaplano niyang sideline. Pagkatapos niyang magbayad ay nag-abang siya ng tricycle na sasakyan niya pauwi. Tahimik ang buong bahay nang dumating siya. Iniwan niya ang ibang pinamili sa mahabang sofa saka nagtuloy sa kusina. Inayos niya ang mga pinamili. Tiyak na nasa paligid ang kanyang amo kaya nagpatuloy na siya sa paghahanda ng tanghalian. Nakapaglinis na naman siya ng buong bahay at naiwan na lang ang mga labahin na kanyang lalabhan. Nagsaing muna siya bigas saka sunod na hinugasan ang mga karne at isdang pinamili. Nang matapos ay inilagay niya sa refrigerator at iniwan ang lulutuin niya na pang-tinola. Iyon ang naisip niyang iluto matapos panoorin sa isang social media site. Kinabisado pa niya iyon dahil ayaw niyang mapahiya sa amo niyang si Lorcan. Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay umayon na ang lasa na nais niya sa niluluto niya. Hindi naman pala mahirap pag-aralan ang pagluluto. Pinatay na niya ang gas stove at hinubad ang apron sa suot. Natapos din sa wakas ang kanyang paghahanda ng tanghalian. Sakto, alas onse pa lang. Tatawagin na niya ang kanyang amo upang kumain. Ikaw ang hulog ng langit. Pakanta-kanta pa siya upang tunguhin ang silid nito nang sabay na nanlaki ang kanyang mga mata at bibig. Naka-topless na naman si Lorcan at nakasuot lang ito ng boxer sa sala! What a view! Litaw na litaw ang maskulado nitong katawan na tila kaysarap pisil-pisilin. Pero hindi iyon ang talagang bumasag ng kanyang paningin. Hawak-hawak nito ang dalawang bra na binili niya sa palengke! Tila sinusuri nitong mabuti ang kaibahan ng dalawa. “Sir!” malakas niyang tawag sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD