KABANATA 18

1108 Words

(An open-minded way of showing feelings) TULUYANG lumalim pa ang halik na iyon. Nakasandal siya sa pader habang ang dalawang kamay ni Lorcan ay nakapalibot sa leeg niya. Pareho nilang nais madiskure ang isa’t-isa sa gitna ng gabi kung saan tahimik na ang buong paligid. Tila isa ang kanilang mga katawan na kapwa mahigpit ang hawak sa bawat isa. Ang halik na pinagsasaluhan nila ay maituturing na isang mahika. Ang mahikang nagbubuklod sa kanilang dalawa sa hindi nila maipaliwanag na dahilan. Pareho nilang gusto, kapwa nila hinahanap-hanap. Masuyo siyang hinahagkan ni Lorcan matapos saglit na sumagap ng hangin. Naramdaman yata nitong hindi pa siya sanay sa ritmo na dala nito sa kanyang sistema. Saglit na naghinang ang kanilang mga mata saka sabay na ngumiti. “I don’t know what to say, Ar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD