(Inevitable) NAKAUWI na sila kinaumagahan dahil nakabalik na mag-asawang Fortney at Garette. Todo pasalamat ang dalawa dahil sa pag-aalaga at pagbabantay nila sa kambal. Pilit na dumistansiya si Arwa kay Lorcan sa harapan ng mag-asawa dahil ayaw niyang bigyan ng kahulugan nito ang ginagawang paglapit sa kanya ng amo niya. Malinaw na kung ano man ang namamagitan sa kanila ay hanggang sa pagitan lamang iyon nilang dalawa. Ayaw niyang may ibang makaalam kahit pa kaibigan na agad ang turing niya sa mga kaibigan nito. Hindi lang dapat. Kahit saan tingnang anggulo ay hindi tama. Hanggang sa makasakay sila ng sasakyan ay hindi niya hinayaan na mahawakan man lang ng lalaki ang kamay niyang kanina pa nito pilit na inaabot. Nakanguso ito nagmaneho at naging tahimik lang sila sa buong biyahe. Isi