(Unexpected guests)
IBA’T-ibang kulay ang makikita sa buong paligid. Maingay din dahil sa malakas na tunog kasabay ng mga kalalakihan at kababaihan na sumasayaw sa saliw ng nakakaindak na tugtugin. Sina Wolf at Braxton ay nasa gitna ng entablado at sumasabay sa paggiling ng mga babaeng nakapalibot sa mga ito. Kasama naman ni Lorcan sina Justice at Garette na tahimik lang na nanonood sa mga ito habang sumisimsim ng beer.
“Hindi ba kayo naiinggit sa dalawang iyan?” tanong niya. “Don’t worry, I won’t tell Fortney and Liberty about it.”
“We’re done doing that,” sagot ni Justice. “Sinasabi ko nga sa iyo, kapag nakita mo na ang babaeng gusto mong makasama habang buhay, hindi mo na gugustuhin pa ang gawin ang mga bagay na iyan ng hindi siya kasama.”
“I totally agree. Speaking of the woman who change my life, she’s calling. Excuse me, bros.” Nagliwanag ang mukha ni Garette nang sabihin iyon.
“Excuse me muna, Lorcan,” ani ni Justice. “My wife is also calling me.”
Tumango na lang siya kasunod ng muling paglagok ng beer. Naiwan siya sa mesa habang ang mga kaibigan niya ay may kanya-kanyang pwesto sa loob ng malaking bar ng VHR. Simula ng maging CEO na si Garette sa kompanya ng pamilyang Sy ay ang asawa nitong si Fortney ang namamahala ng VHR. Temporary lang naman dahil ayaw ng kaibigan niyang mapagod ang asawa sa trabaho. Hindi sang-ayon si Garette na maglagay ng bar sa loob mismo ng VHR ngunit napapayag ito ng sariling asawa. Iyon ang deal nila upang pamahalaan ito ni Fortney.
Liberty on the other hand was a full time writer sa publishing company na itinayo nilang magkakaibigan sa pamumuno ni Justice. Magkatuwang ang mag-asawa na palaguin ang nasabing kompanya dahil na rin sa labis na pagmamahal ni Justice sa asawa.
Love moves in mysterios ways. Sa side siguro nina Justice at Garette, oo. Pagdating sa kanya ay wala siyang tiwala na darating iyon. Hindi naman sa hindi siya naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig, may mga bagay lang talaga na hindi naaayon sa pagkakataon.
Mabuti pa ang dalawang lokong iyon. Kulang na lang ay sambahin ng mga kababaihang walang sawang sumayaw.
Kinuha niya ang mobile phone na nasa kanyang bulsa. Isang plano ang kanyang naisip. Nagawa niyang i-record ang dalawang sabay pang sumisigaw habang sumasayaw.
Remembarance. Lihim siyang napangiti.
“Papunta si Fortney dito,” anunsiyo ni Garette na nasa harap na pala niya. “Tinanong lang niya kung nasaan tayo.”
“Hindi ka ba pinagalitan?” tanong niya.
“Siyempre, hindi. Gusto niya nga rin kayong makita. Alam niya na kompleto tayong lima ngayon kaya excited siyang pumunta.” Bagama’t hindi maliwanag ang paligid ay kitang-kita niya kung paano nag-iba ang kulay at expression ng mukha ni Garette.
“Paano mo ba nalaman na si Fortney ang babae na para sa iyo?” curious niyang tanong.
“Really, Lorcan?!” Biglang nanlaki ang mga mata nito.
“What? Tinatanong lang naman kita kung paano mo nalaman na si Fortney ang nakatadhana sa iyo. May masama ba sa tanong ko?”
“Hindi naman. I mean, dati ikaw ang laging nakakaunawa sa akin pagdating sa usapang pag-ibig. I thought we’re on the same boat about it. Why the sudden change? Then, bigla ka na lang nagtanong ngayon tungkol sa amin ni Fortney.” Mariin siya nitong tinitigan. “Do you have someone you love now? Or someone you loved before that’s why you turn out to be what you are now.”
“No.”
“Are you sure?” paninigurado nito.
“Of course. I never lie to myself and to you.”
“Okay.” Sabay na itinaas nito ang dalawang kamay. “Kilala kita, Lorcan. Your words are loyal to yourself.”
“Liberty is coming,” masayang sabad ni Justice na nasa likod ni Garette. “Isasama niya sina Myron at Brix. They’re on their way.”
“Myron? The guy bestfriend?”
“Yeah. Birthday ni Myron kaya naisip nilang dito na lang i-celebrate. Sumama ang kapatid niyang si Brix dahil nasa in-laws ko ang pamangkin ko at si Angela.”
“That’s great! Papunta rin si Fortney. Hindi ko lang alam kung may kasama,” ani ni Garette sabay lingon sa kinaroroonan nina Wolf at Braxton. “Lagot si Wolf kapag kasama ng asawa ko si Karen.”
“I guess this is a squad celebration! It is such a rare event kaya hindi natin ito dapat palampasin. I guess we need to order some food, Garette,” wika ni Justice na hindi mapigtal ang ngiti sa labi.
“Sure. Dito ka na muna, Lorcan. Hayaan mo na lang muna ang dalawang iyon. Bangag na yata,” ani ni Garette.
Tumango lang siya habang sinusundan ang pag-alis ng dalawang kaibigan. Wala sa loob na kinuha niya ang mobile phone sa kanyang bulsa. Ano na kaya ang ginagawa ng maid niya? Bumangon muli ang inis sa kanyang dibdib nang maalala ang nangyari. Sino ba naman ang matutuwa na sigawan ng sarili niyang kasambahay ng dahil lang sa bra? Marahil tama nga ito na dapat hindi niya pinakialaman ang personal nitong gamit ng hindi nagpapaalam.
Marahas siyang napabuga ng hangin. Kaya lang naman niya hinawakan iyon dahil nasa ilalim ng supot ang planner na nakita niya. Nakuha pa niyang ngumiti dahil sa tingkad ng kulay ng mga ito. Sinukat-sukat pa ng kanyang kamay ang laki niyon ng hindi inaakalang bigla na lang lilitaw si Arwa.
Kahit na may kasalanan ako, hindi niya dapat ako pinagalitan at sinimangutan. Naalala niyang nagluto ito ng tanghalian ngunit kahit gusto niyang tikman ay nawalan na siya ng gana. Padadalhan niya na lang ito ng mensahe na huwag ng maghanda ng pagkain para sa kanyang hapunan dahil tiyak na uumagahin siya sa VHR kasama ang mga kaibigan.
Hinanap niya sa list of contacts ang pangalan ni Arwa subalit napagtantong wala pala siyang numero nito. Anong klase ba siyang amo? Paano na lang kung may emergency, hindi niya man lang makontak ang babae?
“Hi, are you with someone?” anang boses ng babae. Nang lingunin niya ay may kasama pa itong dalawang babae na may dalang tig-iisang bote ng beer. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang mga kasama nina Wolf at Braxton sa dance floor.
“I’m with my friends,” aniya saka tipid siyang ngumiti.
“Pwede ka ba naming samahan habang wala pa sila?” nakakaakit na tanong ng isa pang babae.
“No problem,” walang kagatul-gatol niyang sagot. I might enjoy the night.
“GARETTE, what do you think of Lorcan today? I think he’s not in the good mood.”
Makahulugang tiningnan niya si Justice matapos ituro ang isang babae hindi kalayuan sa bar. “Is that Maam Chrisia?” Amusement was all over in Justice face. “Tama ba ako?”
“That’s her. Let’s greet her.” Napansin niyang tila aligaga ito habang sinisimsim ang laman ng hawak na wine glass. Malikot ang mga mata nitong na nagmamasid sa paligid.
“Hi, Maam Chrisia!” excited na bati ni Justice. “Ikaw nga, Maam!”
Halatang nagulat ang kanilang dating guro ngunit mabilis ding nakabawi.
“Justice? Garette?” Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa. “Ano ang ginagawa ninyo rito?”
“May simple reunion lang po kaming magkakaibigan,” tugon niya.
“Ang laki na ng pinagbago ninyong dalawa, a! Lalo ka na, Garette!” Biglang umaliwalas ang mukha nito sa kasiyahan. “Kumusta kayo?”
“We’re fine, Maam.” Si Justice naman ang sumagot. “Pareho na po kami may sariling pamilya.”
“Really?! I’m so happy for you, guys!” bulalas nito kasunod ng pagyakap sa kanila. “Kailan ko makikilala ang mga maswerteng may bahay ninyo?”
“Papunta po sila ngayon. Pwede ba namin kayo maimbitahan to join us? May kasama po ba kayo?” sunud-sunod na tanong niya.
“Mag-isa lang ako.”
“So, will you join us, Maam?” Nakahanda na sa pag-alalay si Justice. “Siguradong matutuwa sina Wolf, Lorcan at … Braxton.” Halos hindi nito nais sabihin ang pangalan ng huli.
“O-oo naman!” May kung anong kumislap sa mga mata ng dating guro. “But please don’t call me Maam. Just Chrisia. Naiilang ako, e.”
“Sure thing,” sabay na sagot nila ni Justice.
Bumalik na sila sa kanilang pwesto matapos maibigay ang orders nila. Isang bihirang pagkakataon na magkaroon sila ng isang gathering na kasama pa ang kanilang dating guro.
“So, how’s married life? Naunahan ninyo pa talaga ako.”
“Masaya, Maam este Chrisia.” Nasapo ni Justice ang noo. Hindi madali na tawagin ang kasama nila sa pangalan nito. Tila kabawasan iyon sa paggalang nila.
Pigil na ngumiti ito. “Masanay na kayong Chrisia na lang ang tawag ninyo. Huwag ninyo naman ako patandain kapag kasama kayo.”
“Nakakailang kasi, Maam – “
“Babe!” sigaw na sabay-sabay nilang ikinalingon. Si Liberty iyon kasama ang kapatid na si Brix at ang kaibigang si Myron.
“Love!” Awtomatikong nilapitan niya ang tumawag. Si Fortney iyon at kasama sina Ali at Karen. “Late na ba kami?” Napatakip ito ng bibig nang makita si Liberty at ang iba pang kasama ng mga ito.
“Tamang-tama lang ang dating ninyo, love,” aniya saka mabilis niyang hinagkan ang labi nito. “Kompleto tayong lahat ngayon.”
Kanya-kanyang pagbati ang ginawa ng bawat isa. Bakas ang tuwa at pananabik sa mga ito.
“By the way, we want you to meet Maam Chrisia. Dati namin siyang guro,” pagpapakilala ni Justice.”
“Hi, Maam!” mala-koral na pagbati ng mga ito.
“Chrisia na lang. Nice to meet you!”
“Nice to meet you!” Nang mapagtantong sabay-sabay pa rin sila ay nagkatawanan na lang.
“So, tayo na? Naghihintay na sa atin ang iba pa,” turan niya kasabay ng paghapit sa baywang ng kanyang asawa.