KABANATA 7

1533 Words
(I need to focus!) MABILIS niyang inagaw ang hawak nitong mga bra. Ang lakas ng kabog ng puso niya at nag-iinit ang buo niyang katawan dahil sa kahihiyan. Parang gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa. Bakit ba kasi naisipan niyang iwan sa sala ang gamit na pinamili niya. “Bakit ninyo naman po pinakikialaman ang gamit ko?” padaskol niyang sabi. “Pwede naman po kayo magtanong muna.” Bagama’t nahihiya ay ipinaramdam niyang naiinis siya. “Sorry, hindi ko sinasadya. Are you mad?” She rolled her eyes. Nagtanong pa talaga siya. Sino ba naman ang matutuwa na hawakan ng isang lalaki ang bra ng isang babae? “I just wanted to get my planner. Hindi ko naman alam na may… personal thing ka pala na kasama sa pinamili mo.” Salubong pa rin ang kilay niya. Hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman niya. “The thing is, hindi ko naman sinasadya na makita ang bra na iyan.“ May galit na ang tono ng boses nito. “Pero sinadya ninyo po hawakan. Bakit po, Sir?” Nakataas ang isa niyang kilay na tumitig sa biglang nanamlay na mukha ni Lorcan. Sunud-sunod itong napalunok kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi na siya nagulat pa ng walang anu-ano’y bigla na lang itong tumalikod. Dinampot niya ang supot na may lamang planner at ballpen saka kinuha ang binili niya para sa lalaki. “Na-curious lang naman ako sa bagay na iyan kaya hinawakan ko.” Tinakpan niya ang bibig kasabay ng pagngiti. Hindi sumagi sa isip niya na magpapaliwanag ito sa kanya. “Ito na po ang planner ninyo, Sir.” “Why am I explaining to you?” Walang ingat na kinuha nito ang hawak niya saka umalis na. Mukhang nagalit niya ang amo niya. Bahala siya sa buhay niya. Siya naman itong may kasalanan e. Dala-dala ang supot ay pumasok siya sa kanyang silid. May maliit na tokador doon na nilagyan niya ng kanyang mga damit. Sa bandang ibaba ay doon niya inilagay ang supot. Kailangan na pala niyang pakainin ng tanghaliin ang amo niya. Ngunit paano niya gagawin iyon? Galit ito sa kanya at napagalitan pa nga siya nito. Ano na naman ba ang nagawa ko? Kasambahay lang pala siya at wala siyang karapatan na magtampo sa amo niyang parang isip-bata. Nakakainis. Sa huli ay bumalik siya sa kusina upang ihanda ang tanghalian ni Lorcan. Mahirap na at baka magsumbong ito kay Madam Lora at maging dahilan ng pagkakatanggal niya sa trabaho. Marahas siyang nagbuga ng hangin. Mas kailangan niyang magtiis at mahabang pasensiya sa oras na iyon. Nasa harap na siya ng pinto ni Lorcan at ilang beses na siyang nagtangkang kumatok ngunit hindi niya magawa. Guilty lang, Arwa? Ubod lakas niyang nilakasan ang loob na katukin ito na nauwi lang sa hangin dahil bigla ng bumukas ang pinto. “What? May kailangan ka ba?” paasik nitong tanong. Nakagat niya ang ibabang labi. “Si-Sir, handa na po ang tanghalian ninyo.” “Sa labas na ako kakain. Ikaw na ang bahala rito.” Pabalibag na isinara nito ang pinto at iniwan na siya. Nagitla siya sa kanyang kinatatayuan. Sa sobrang lakas ng pagsara ng pinto ay halos mabingi siya. Hindi pa niya pala dapat ginalit ang isang Lorcan Monteverde. Pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina. Nabalewala ang lahat ng paghihirap niya sa pagluluto ng tinola. Ako na lang ang kakain. Masarap naman ang tinola ko. Hmmp. Padabog niyang tinungo ang kusina. “HEY, Lorcan! What a surprise!” bati sa kanya nina Justice at Garette na kasalukuyang nasa VHR. Hindi na niya ininda ang matagal na paghihintay sa dalawa dahil buo ang atensiyon niya sa pagkain. Isang oras na rin yata ang nakalipas ngunit kumakain pa rin siya. Sa dami ng inorder niyang pagkain ay tiyak na isang oras pa ang kailangan niyang gugulin upang maubos ang lahat ng iyon. “Hindi ka naman yata gutom sa lagay na ‘yan,” wika ni Justice. Puno ng pagkamangha ang buong mukha nito. Nagtatakang umupo ito sa tabi niya. “Na-miss kita, bro,” sabi ni Garrete kasunod ng pagtapik sa balikat niya. “Kumusta?” Tila ito lang ang sanay na makita siyang ganoon. “Stress eating ba ang tawag sa ginagawa mo, Lorcan?” Kinuha ni Justice ang isang pirasong ng malaking hipon. “Ang tagal ninyo kasing dumating kaya idinaan ko na lang sa kain.” “Kailan ka pa kumain ng ganito karami?” Napapailing na tanong ni Justice. Patuloy pa rin ito sa pagkain ng hawak na hipon habang nakakunot ang noo. “May nangyari ba? Mukhang hindi ka nga okay,” sabad ni Garette. Sa lahat ng malapit niyang kaibigan ay si Garette ang madalas makaintindi sa kanya. “Natagalan kami sa biyahe dahil sa mga daddy duties namin. So, ano ang kailangan nating pag-usapan?” Nilagyan nito ng tubig ang baso na nasa tabi niya. “Hindi ko makontak sina Braxton at Wolf. Malamang magkasama ang dalawang iyon.” “Mismo,” pagsang-ayon ni Justice. “Talaga bang inorder mo ang lahat ng pagkain na ito? Parang fiesta lang.” “Bored lang ako,” sagot niya kasunod ng paglagok ng tubig. “Alam ko kung ano talaga ang gusto mong gawin kapag bored ka, Lorcan. Madaling kumalat ang balita, bro. Hindi ka naman namin masisisi. Dumaan din ako sa ganyan at sinisigurado ko na kapag nakita mo na ang babaeng para sa iyo ay kusa kang titino.” Ngumisi pa ito. “I am not like you, Justice. I’m a one woman man. Hindi uso sa akin ang maghanap ng kung sinu-sino lang na babae para lang tumino. Tapat ako sa mahal ko,” may pagmamayabang na sambit ni Garette. “Bro, alam ko naman iyon but you know Lorcan’s case, right? Kahit nga ako ay hindi ko inasahan na magiging playboy iyan. Akala ko ako lang sa ating lima ang pinakamakasalanang lalaki. Pero may kasabihan nga na there is no permanent thing in this world except change.” Tinapik siya nito sa braso. “Just an advice bro, enjoy mo lang. Sometimes we need to explore the world until change come to you.” “Kapag may problema, we are all ears to you. Kahit papaano naman ay mapapala ka sa amin kaysa kay Braxton at Wolf,” dugtong ni Garette. “Hey! Hey! Hey! Bakit yata paninira na agad ang sinasabi ninyo kay Lorcan tungkol sa amin?” Sabay-sabay nilang nilingon ang dalawang nakangiti na magkaakbay pa. “Garette naman! Idol pa naman kita!” pailing-iling na sabi ni Braxton. “What’s up, bros!” ani naman ni Wolf kasunod ng pag-fist bump sa tatlo. “Maswerte ka Garette at asawa mo si Fortney dahil kung hindi marahil hindi na tayo bati.” “Sasabihin ko kay Karen na huwag ng makipagkita sa iyo. Hindi naman pala kaibigan ang turing mo sa akin,” kunwari ay nagmamaktol na tugon ni Garette. “Walang ganyanan, Garette. Alam mo naman na ikaw ang pinakapaborito ko sa lahat e.” Niyakap ni Wolf si Garette kasabay ng paghalik-halik sa noo. “Stop it, Wolf! Nakakadiri ka!” Marahang tinulak ni Garette ang pangiti-ngiti pang si Wolf. “Kahit na ano pa ang gawin mo, hindi na magbabago pa ang desisyon ko. Sorry ka na lang, bro!” “Kanina pa ba kayo?” singit ni Braxton. “Mukhang kanina pa kayo kumakain, a! Parang pang-sampong tao ang inorder ninyo.” “Halos kararating lang din namin,” sagot ni Justice. “Isang linggo yatang hindi nakakain si Lorcan.” “Nag-diet ka ba?” tanong sa kanya ni Braxton. Salubong ang mga kilay nito at punung-puno ng pagtataka ang dalawa nitong mata. “Hindi ka naman naghihirap para magutuman. Unless… sinadya mong gutumin ang sarili mo.” “Walang tamang sagot sa mga pagpipilian mo. Gusto ko lang kumain. Na-miss ko ang VHR, that’s all! Masama bang i-enjoy ko? In a few days time aalis na naman ako for business transactions kaya pagbigyan ninyo na lang ako.” Ibinaba niya ang kanina pa niya hawak na baso. “Anyway, today is my treat. Kayo na ang bahala kung saan ninyo gusto.” “Iyan ang sinasabi ko!” Sabay na nag-high five sina Braxton at Wolf samantalang nagkatinginan lamang sina Justice at Garette. “Kaya kay Lorcan talaga ako,e,” ani ni Braxton kasunod ng pagyakap sa kanya. “Sabi ko na nga ba at mahal mo kami.” “Ano pa ang ginagawa natin?” wika ni Wolf. “Tara na at masimulan na ang party!” “Isusumbong talaga kita kay Karen,” pananakot ni Garette. “I love you, Garette! Huwag kang mag-alala, sa iyo lang ako ngayong araw.” Akmang hahalikan muli ni Wolf si Garette ngunit mabilis na nakailag ang huli. “Ayaw mo pa-kiss sa akin? Sige, si Fortney na lang iki-kiss ko pagpunta ko sa bahay ninyo.” “Don’t dare me, Wolf. Alam mo kung gaano nagtitiwala sa akin ang pinakamamahal kong asawa.” Wala siyang nagawa kung hindi mapangiti na lang sa mga naririnig niya mula sa mga kaibigan. Hindi na rin masama ang naging araw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD