KABANATA 9

1625 Words
(On the other side) ISANG napakamemorableng pagkakataon ang naging pagkikita ng magkakaibigan. Isang simpleng gathering na hindi nila inasahan lalo na si Lorcan. Ang tanging nais lang naman niya ay magpalipas ng oras kasama ang malalapit na kaibigan. Ang dalawang babae na kausap niya ay bigla na lang umalis nang makita ang pagbabalik nina Justice at Garette kasama ang mga asawa nito na may kasabay pang bisita. Agad siyang napangiti nang mahagip ang isang pamilyar na bulto. “Maam Chrisia!” Tumayo siya at dali-daling nilapitan ito saka niyakap. Sa kanilang lima ay siya ang pinakamalapit sa dati nilang guro. “I’m so happy to see you, Maam!” “Ikaw talaga, Lorcan. Hindi ka pa rin nagbabago.” Hinaplos-haplos nito ang kanyang likod. “Ang sabi ko nga sa mga kaibigan mo ay Chrisia na lang ang itawag sa akin. Tutal, hindi ninyo na rin naman na ako guro. Isa pa, nagmumukha akong matanda kapag Maam ang naririnig ko mula sa inyo.” “Kahit na ayaw natin, we must obey,” turan ni Garette kasabay ng pagkibit-balikat. Mahinang nagtawanan ang lahat. “Nasaan nga pala sina Wolf at Braxton? Hindi ba ay nasa dancefloor lang sila kanina?” “I don’t know.” “Anyway, babalik din ang mga iyon. Simulan na natin ang celebration!” sabad ni Justice. “Parating na ang mga inorder naming ni Garette. Para lang tayong may reunion ngayon with Maam este Chrisia. I think it will be good day or should I say good night for all of us.” “Yeah,” sabay-sabay na wika ng iba. “Dahil birthday ng bestfriend ng love of my life na si Myron, the treat is on me!” muli pang sabi ni Justice. “The rooms are on me with free accommodation kahit ilang araw ninyo gusto,” singit naman ni Garette. “Woah!” Nagpalakpakan ang lahat. “Drinks are on me. Sky is the limit!” singit niya. “Ang saya-saya naman! Hindi talaga kami tatanggi ni Braxton niyan.” Pasuray-suray na lumapit si Wolf habang hawak ang isang plato ng pulutan. “Marami pala tayong kasama ngayon.” Isa-isa nitong sinuri ang mga nakapalibot sa puwesto nila. “Hi, Maam Chrisia! Nandito pala kayo.” Nagmano ito na ikinailing ng ibang kasama. “Myron, Brix, you’re here too!” Sabay na inakbayan nito ang dalawang lalaki. “Hi, Liberty, Ali, F-Fortney?” Saka biglang bumitiw sa dalawang inakbayan nang makita si Karen. “Ka-Karen, he-hello.” “Now, you’re stammering,” natatawang wika niya. “Hindi mo ba kasama si Braxton?” “Na-nagbanyo lang.” Lihim silang nagkatitigan nina Garette at Justice. Tila nagkaroon ng katuparan ang kanina pa lang laman ng kanilang isip. “Ano pa ang hinihintay natin? Let’s get it on!” malakas na sabi ni Justice. NAHULI niyang nakatingin sa kanya ang dalawang babae na nakausap niya kanina. Nginitian siya ng mga ito saka sabay na kumindat sa kanya. Alam na niya ang ibig sabihin niyon. Ilang babae na ba ang dumaan sa buhay niya? Hindi na rin niya mabilang. Wala na ang dating siya. “Mukhang type ka ng dalawang iyon, a!” Siniko siya ni Garette habang abala ang iba sa pag-uusap. “What do you think?” “Nakausap ko sila kanina. They’re good.” “What do you mean good? Good in talking or in flirting with you?” Hininaan ni Garette ang huling sinabi. Nakangisi ito sa kanya, halatang tinutudyo siya. “Both.” Wala sa bokabularyo niya ang magsinungaling. Lahat ng salitang lumalabas sa bibig niya ay laman ng kanyang isip. Kahit kailan ay wala siyang pinagdudahan sa sarili. “So, bakit parang bad mood ka kanina?” Sumenyas si Fortney na pupunta sa gitna upang magsayaw kasama ang iba pang babae na kasama nila sa mahabang mesa. Agad naman na tumango si Garette at silang mga kalalakihan ang naiwan. “Bros, hindi ninyo pa rin ba napapansin si Braxton?” may pag-aalala sa boses ni Wolf. “Iniwan ko lang naman siya sa banyo tapos hindi na sumunod.” “Bakit hindi natin siya tawagan? Baka kung ano na ang nangyari sa mokong na iyon,” sagot ni Justice. “Bakit mo kasi iniwan, Wolf? Alam mo naman may ugaling ulyanin iyon kapag nakainom.” “Ang sabi niya kasi iwan ko na siya. Kilala ninyo naman ako bilang masunurin.” “Hahanapin ko na lang siya,” suhestiyon niya. “Pwede mo ba akong samahan, Garette? Maaari natin tingnan sa cctv room kapag wala na siya doon sa banyo.” Sabay silang tumayong dalawa at naiwan sina Brix, Myron at Justice sa mesa. Sa laki ng VHR ay imposibleng wala silang mahagip na bulto ni Braxton sa cctv nan aka-install sa buong building. Alam nilang hindi palalampasin ng kaibigan ang pagkakataong makasama sila lalo na at present ang kanilang dating guro. “Wala akong intensyong panghimasukan ang nais ni Braxton pero hindi naman siguro tama na basta-basta na lang siyang mawala ng hindi nagpapaalam,” aniya sa pagitan ng malalaking hakbang. “Alam ba niya na nandito si Maam Chrisia kaya para siyang bula na bigla na lang naglaho?” “Wala akong ideya,” ani ni Garette na hinahabol ang bawat hakbang niya. “Hindi ka naman yata nagmamadali? May karera ba?” “Baka mabasag ko ang mukha ni Braxton kapag tama ang hinala ko.” Namataan niyang wala na si Chrisia sa gitna ng sayawan ngunit hindi man lang napansin ng iba pa nitong kasama. Alam niya ang damdamin ng kanyang kaibigan para sa dati nilang guro subalit hindi niya hahayaang mag-take advantage ito. Siya lang ang tanging nakakaalam kung ano talaga ang damdamin ni Chrisia para sa kanyang kaibigan. “Hey, kahit na mukhang loko-loko si Braxton, alam natin na mabuti siyang tao. Kung may bagay man na namamagitan sa kanila ng Maam Chrisia ay hindi natin alam. We could only wait them to open it to us.” “Kahit na! Wala siyang karapatan na saktan si Maam Chrisia. Ako ang makakalaban niya.” “Lorcan, did you know something about them?” Natigil siya sa paghakbang nang harangin siya ni Garette. “Yes,” diretso niyang sagot. “She has a special feeling towards Braxton. She maybe already fell for him, I guess.” “So, what’s the problem with that? Hindi ba ay matagal na nating alam na mahal ni Braxton si Chrisia? Bakit kailangan nating hadlangan?” “Hindi iyon ang problema.” “Ano pala?” nahihiwagaan na tanong ni Garette. Pilit na ina-analyze ang sitwasyon. Napailing siya saka marahas na nagbuga ng hangin. “Nang umalis sina Wolf at Braxton ay may sumunod sa kanila na ilang babae. I’m not sure if Wolf is aware of it subalit nakita ng dalawa kong mata ang naging senyasan ni Braxton at ng babae. Paano kung palusot lang ni Braxton ang pagbanyo niya? At paano kung iyon ang masaksihan ni Chrisia?” Sabay na silang humakbang. Naramdaman niyang naging aligaga na rin si Garette. “Given na maaari ngang mangyari ang sapantaha mo, sa laki ng VHR, maaari kayang malaman ni Chrisia kung nasaan si Braxton ngayon?” “Yes.” Doon biglang natulala ang kaibigan niya. “Paano?” “She came prepared. Nabanggit niyang may tina-track siya kanina nang makausap ko siya. Wala akong ibang maisip na maaaring gawin iyon habang nasa loob ng VHR.” “F**k! Bilisan na natin kung ganoon!” Matapos ang ilang minutong panonood nila sa cctv ay agad na tinungo nila ang silid na pinasukan ni Braxton. Hindi nga siya nagkamali. Kasama nito ang babaeng nakabuntot sa kaibigan nang umalis sa loob ng bar. Handa na siyang makipagbakabakan kung kailangan. Nilingon niya si Garette na kasalukuyang may kausap sa mobile phone. Siguradong si Fortney iyon. “Yes, love. Don’t worry, we’ll be back. Kapag gusto mo ng magpahinga, available na ang room natin. See you later.” Pinindot na nito ang end button. Masarap kaya ang may katawagan? Naipilig niya ang ulo. Hindi niya dapat iniisip ang bagay na iyon. Mabilis nilang narating ang silid na pinasukan ni Braxton. May isang staff ang nag-abot ng susi kay Garette saka marahang binuksan ang pinto. Hindi na niya kailangan pang magsalita dahil kitang-kita niya kung ano ang ginagawa ng kaibigan kasama ang babae. “Bros, anong ginagawa ninyo rito?” Sunud-sunod na napalunok si Braxton ngunit mabilis na niya itong nilapitan at malakas na sinuntok sa mukha. “You disappoint me, Braxton! Walang hiya ka!” sigaw niya habang walang tigil sa pagsuntok. Inabutan naman ni Garette ng kumot ang babae na walang damit na pang-itaas. “Nagka-kamali kayo! Palabas lang ang mga ito!” Naiwan sa ere ang kanyang kamao nang marinig ang sinabi nito. “Linawin mo, Braxton! Dahil hindi kita palalabasin sa loob ng silid na ito hangga’t hindi mo ipinapaliwanag ng maayos!” “Kailangan naming i-video ang kunwaring nangyayari sa aming dalawa! Alam ito ni Chrisia kung iyon ang makakapanatag ng loob ninyo.” Binitiwan na niya ito upang pakinggan ang nais pang sabihin ni Braxton. “Garette, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Tinutulungan ko lamang si Chrisia na gawin ito dahil kung hindi ay siya mismo ang gagawa.” “Bakit naman niya gagawin ang ganitong bagay?” curious na tanong ni Garette. “Hindi na siya teacher ngayon. Bahagi na siya ng isang special task force.” Napaawang ang labi niya sa natuklasan. “Ibig sabihin, ikaw ang tina-track niya?” “Oo. Alam ko na darating siya dahil ngayon napag-usapan na namin ang gagawing pagset-up. Sakto namang naisabay lang sa pagkikita natin.” Sapo-sapo ni Braxton ang nasaktang mukha. Nagkatinginan sila ni Garette at sabay pang bumuntunghininga. D**n!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD