KABANATA 67

1088 Words

(The sad truth) MALALIM siyang humugot ng hangin bago humakbang palapit sa bultong naghihintay sa kanya sa labas ng gate. Paano nalaman ng lalaking ito kung saan siya nakatira? Ang buong akala niya tatantanan na siya nito nang magkita sila kahapon. Binuksan niya ang gate ngunit hindi niya ito pinapasok. Isinara niya rin agad iyon nang makalabas siya. “Ano ang ginagawa mo rito? Paano mo nahanap ang bahay na tinutuluyan ko?” “Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman na wala ka pa ring asawa hanggang ngayon at kaibigan mo ang kasama mo sa bahay na tinutuluyan mo.” Walang emosyon ang mukha ni Wolf na nakatitig lamang sa kanyang mukha. Napamaang siya ngunit agad ding pinalatatag ang sarili. “Ano ba ang kailangan mo sa akin, Wolf? Wala akong maalalang koneksiyon ko sa iyo. Oo nga pala,” pumal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD