KABANATA 10

1353 Words
(Hug like a pillow) ALAS dose na ng hatinggabi subalit mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Arwa. Napagpasyahan niyang hintayin ang kanyang amo upang makabawi sa nagawa niya kaninang umaga. Pinilit niyang ubusin ang natirang tinola saka nagluto naman ng gulay na pinakbet at saka pritong isda. Pagsisilbihan niya ang lalaki ng naaayon sa kanyang kalagayan. Isa siyang maid at hindi niya dapat iyon kalimutan. Naisip niyang tawagan ito ngunit wala siyang numero nito. Hingin ko kaya kay Madam Lora? Parang awkward naman. Bigla siyang bumangon. Sa mahabang sofa sa sala siya nahiga upang maabangan ang pag-uwi nito. Wala naman yatang balak umuwi ang lalaking iyon. “Tama! May number pala ako ni Aling Marina.” Kasabay ng pagkislap ng ideya sa kanyang isip ay ang pagtakbo niya sa loob ng kanyang silid. “Sana naman gising pa si Aling Marina.” Muli siyang bumalik sa sala at dali-daling pinadalhan ng mensahe ang pakay. Inilapag niya ang mobile phone sa maliit na center table at tinungo ang kusina. Kumalam ang sikmura niya kaya naghanap siya ng makakain. Mabuti na lang at may pinamili siyang pang-snacks para sa ganoong sitwasyon. Kumuha siya ng isang slice ng tinapay sa refrigerator saka nagtimpla ng gatas. Dinala na iyon sa sala kasunod ng pagtunog ng kanyang mobile phone. “Hello, Aling Marina! Pasensiya na po at naabala ko kayo.” “Saktong nagising lang ako, Arwa. Kailangan mo ang numero ni Sir Lorcan? Titingnan ko kung naka-save sa akin. Siguradong tulog na kasi si Madam Lora. Sandali at titingnan ko sa phonebook ko. Huwag mo na lang patayin ang tawag.” “Opo. Matiyaga siyang naghintay sa matanda. Mayamaya pa ay matagumpay niyang nakuha ang numero. “Maraming salamat po talaga, Aling Marina. Pasensiya na rin po sa istorbo. Babawi po ako sa inyo next time.” “Kuu, huwag ka ng mag-abala pa. Maganda nga iyan na nandiyan ka sa bahay ni Sir Lorcan para tumino iyan. Sige na Arwa, babalik na ako sa pagtulog.” “Thank you po ulit,” aniya saka hinintay na mawala ang kausap sa linya. Para tumino? Ano ako nanay? Dinala niya sa dibdib ang hawak na mobile phone saka mariing ipinikit ang mga mata. Bakit nga ba ako nag-aalala sa amo kong iyon? Malaki na siya at sigurado naman na kayang-kaya na niya ang sarili. Ilang iling ang sunod niyang ginawa. Kapag may masamang nangyari sa lalaking iyon ay siya naman ang mapapagalitan ni Madam Lora. “Hay, naku!” Nagsimula na siyang kabahan. Gagawin ko lang ang trabaho ko. Iyon lang naman. Kinalma niya muna ang puso niyang malakas niyang tumatambol. Tila nahuhulaan niya ang magiging sagot sa kanya ng lalaki kaya inihahanda niya ang sarili. Hindi naging maganda ang mood nito bago umalis kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at takot. Ilang sunod na ring ang kanyang narinig. Nakagat na niya ang ibabang labi habang nakapikit ang mga mata habang mahinang hinihilot ang noo. Sino ba naman ang hindi matatakot sa isang Lorcan Monteverde? Kung gaano kabait ito nang una niyang makilala ay nagmistula itong isang matapang na lobo nang magalit sa kanya. Bigla siyang nawalan ng kakayahang magsalita nang sa wakas ay tumigil na ang pag-ring. Hudyat na sinagot ng lalaki ang tawag niya. “Hello.” Nakunot ang noo niya dahil parang nag-iba ang boses ng amo. Baritono at mas maawtoridad. Wrong timing pa yata. “H-hi.” “Are you looking for Lorcan?” Walang salita ang lumabas sa kanyang labi. “Hello, are you still there?” “Ahm, ye-yes po. Ma-mahina lang po ang signal,” pagsisinungaling niya. “Okay. I’m Garette, Lorcan’s brother.” Narinig niyang may saglit itong kinausap. “He left his mobile phone kaya hindi siya ang nakasagot ng tawag mo. Ipahahatid ko na lang sa bahay niya. Do you want to leave a message for him?” “Hindi na po kailangan. Salamat po.” “Are you sure? May I know who this is anyway?” “Arwa. His maid po.” Hindi na muling tumugon pa ang nagpakilalang brother ng amo. Akma na niyang ibaba ang tawag nang muli itong magsalita. “Nice to meet you, Arwa. Pasensiya na, may kinausap lang ako saglit.” “O-okay lang po. Salamat po.” “You’re welcome. Bye.” Doon pa lang siya nakahinga ng maluwag. Kung totoo ngang naiwan ng lalaki ang mobile phone ay malamang pauwi na iyon. Bakit ba lalo akong kinabahan? Nagulat pa siya nang lingunin ang ingay na mula sa pinto. Kulang na lang ay mabutas iyon upang mabuksan. “Arwa! Arwa!” “Sir, sandali lang po!” Sa taranta niya ay bumagsak ang hawak niya sa sahig. Imbes na damputin, inuna niyang buksan ang malapit ng mawasak na pinto. “What took you so long, Arwa? Is it really hard to open the door for me?” Naamoy niya ang masangsang na amoy alak kaya napatakip siya ng bibig. Muntik na itong mabuwal kung hindi niya maagap na nasalo. Sa laki nito ay napaigik siya. Masyadong mabigat ang katawan nito lalo pa at nakainom. “Ano, Arwa?” Napagkit ang mga mata nito sa kanya. Bahagay pang yumuko upang matitigan siya ng maayos. “Bakit po Sir?” “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto? Hindi mo ba ako narinig, ha?” Sa pagkilos nito ay hindi na niya nabalanse ang katawan kaya sabay silang bumagsak sa sahig. Nasa ibabaw siya nito. “Aray!” Tumama ang ulo ni Lorcan sa mobile phone niyang nasa sahig pa rin. “Sir naman! Naglasing kayo tapos hindi ninyo naman kaya ang sarili ninyo! Hindi ninyo ba alam kung anong oras na? Madaling-araw na po at wala akong ginawa kung hindi maghintay sa inyo!” malakas na sabi niya. Sabay na lumalim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Awatomatikong pumalibot ang dalawang kamay nito sa kanyang likuran dahilan upang makulong siya sa malapad nitong dibdib. Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang bigla na lang siya nitong kabigin upang maging isa ang kanilang mga katawan. Walang siyang nagawa sa mala-glue nilang pagkakadikit. Masyadong malakas ang lalaki na kahit ano mang balakin niyang gawin ay tiyak na mawawalan lamang ng saysay. “Sir, bi-bitiwan ninyo po ako. Do-doon na lang po kayo matulog sa kwarto ninyo. Wala po sa sala ang higaan ninyo!” sigaw niya ngunit mahina lamang lumabas iyon sa kanyang bibig. Pati boses niya ay naipit ng lalaki. “Stop it, will you? Ang ingay mo! Gusto ko ng matulog kaya manahimik ka na lang kung nasaan ka man.” Hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya sa pag-aakalang isa siyang malaking unan. Halos madurog na ang mga buto niya sa higpit niyon. “Ilang oras ko kaya titiisin ang ganito? Nakakainis talaga!” Sinubukan pa niyang kumawala ngunit nauwi lang sa wala. “May lasing bang kasing-lakas ng bakal kung makayakap?” Mahina nang humihilik si Lorcan nang subukan niyang iangat ang mukha. Walang nagbago sa posisyon nilang dalawa maliban sa nakatulog na ito. Napagmasdan niyang mabuti ang mukha nitong tila nililok sa isang perpektong paraan. Mula sa mapupungay nitong mata na kahit na nakapikit ay tila nakikita pa rin niya patungo sa prominenteng ilong na maihahalintulad niya sa statue sa Paris ang tangos pababa sa labi nitong daig pa ang isang babae dahil sa natural na mapula ito at may nakakaakit na hugis. Idagdag pa ang magulo nitong buhok na lalong nagpatingkad ng kagwapuhan nitong taglay. Kahit na lasing ay gwapo pa rin. “Maswerte siguro ang babaeng magugustuhan mo. Hindi ka lang mayaman, matangkad ka pa at gwapo. Alam mo kung ano ang problema sa iyo? Masyado ka kasing moody. Akala mo babaeng may regla. Mabait sa una, parang sinaniban naman ng masamang ispiritu kalaunan.” May taenga yata ang lasing dahil sa bigla nitong pagkilos. Tumagilid ito na hindi binibitiwan ang pagkakahawak sa kanya. Idinantay ang isang hita sa kanya at mas idiniin ang katawan sa kanya. Tuluyan na siyang pinuluputan nito. Ilang sandali pa niyang ipinaglaban na itulak ito hanggang sa mapagod na lang siya at gupuin na ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD