(Trying what we feel) NAGING malikot at mapaghanap ang dalawang kamay ni Lorcan sa kanyang katawan. Sakop ng labi nito ang labi niya kaya nag-aagaw ang isip niya sa pagitan ng pagtugon sa halik at pagsaway sa mga kamay nitong nagdudulot ng pagbabaga ng kanyang buong katawan. “Lorcan…hmn,” aniya. Binigyan nito ng distansiya ang pagitan ng kanilang mukha. “What is it, Arwa?” malambing nitong tanong kasabay ng paghaplos sa kanya. “What are we doing?” “Kissing. Loving each other.” Bago pa man siya muling makapagsalita ay angkin na nito ang bibig niya. Nagulat siya sa huling sinabi nito. Loving each other. Ibig bang sabihin ay ginagawa nila ang bagay na ginagawa ng dalawang nagmamahalan? Hindi ganoon iyon. Nagkamali lang si Lorcan ng sinabi. Imposibleng pagmamahal ang namamagitan sa kan