KINGSTON POV
“What are you doing here Kuya?” tanong sa akin ni Damian ng makasalubong ko ito sa hallway ng cafeteria.
I’m a here to have my breakfast on my own before I spend my time searching for the alternative cure for my twin in the library. That would take a lot of my time and its better if I condition my self first before doing such thing. Wala ako sa mood magluto kaya dito nalang ako kakain.
“To eat obviously,” I shortly replied that made him awkwardly smile.
“Yeah right. What kind of question was that?” he just asked that to himself as he realized that the answer to his question was very obvious.
“Where are the others?” I asked when I noticed that he’s just all by himself as well.
“Iyong iba sa dorm pero kasama ko si Anah ngayon,” he said and then he blushed like a sissy.
Napangisi ako ng makita iyon kaya tinukso ko siya, “A date huh? Too early.”
Mas lalong pumula ang pisngi nito kaya naging mailap na ang mga mata nito sa akin.
“So what are you still doing here? Hindi mo dapat pinaghihintay ang ka-date mo.”
Bigla naman itong natauhan sa sinabi ko kaya nakita ko itong napakamaot sa ulo.
“Okay. Aalis na ako. Enjoy your breakfast Kuya,” huli nitong sabi bago ako iniwang mag-isa.
Kaagad naman akong naglakad patungo sa may counter para mag-order ng mga kakainin ko ngayon. Kunti lang ang naka-pila na siyang ikinatuwa ko. I then ordered one plate of tapsilog and one glass of orange juice.
Pagkatapos kong makapag-order ay agad akong pumunta sa bakanteng mesa at doon mag-isang kumain. Wala si Lance ngayon dahil tulog pa rin siya hanggang ngayon. Ganun talaga iyon kapag wala kaming klase.
Habang kumakain ay bigla nalang sumagi sa aking isipan ang letter na natanggap ko kahapon.
Sa totoo lang ay hindi ako natakot doon ni nangamba man lang sa buhay ko bagkus ay mas nagtataka pa ako dahil lang sa laman ng sulat na iyon. Kaninang gabi ko pa iniisip kung sino ang maaaring magpadala ng sulat na iyon pero wala naman akong maisip kung sino.
Sa sobrang pag-iisip ay bahagya akong napatigil sa pagkain pero dagli ko naman itong natapos dahil hindi naman marami ang inorder ko. It’s just enough to satisfy my stomach.
Matapos kong makapagpahinga ng ilang minuto pagkatapos kumain ay agad na akong tumayo at nagsimula ng lisanin ang cafeteria. The library was located in the fifth floor of this building so I’m heading directly to that floor right now.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong magsasara na muli ang elevator. Pero bago pa nito ako tuluyang mapagsarhan ng pinto ay mabilis ko itong napigilan.
I forcefully open it with my hands and I notice that there’s only one mysterious woman inside of it. She’s wearing a cloak that hides half of her face.
I just recognized that she was a woman because of her physique, different from the physique of men. Sinubukan ko siyang tinitigan pero mas yumuko ito para hindi ko siya makilala, kung kilala ko man siya. But she’s kind of familiar to me and I don’t know exactly why.
I cleared my throat before i step inside of the elevator and after the door closed on its own, the four corner of the elevator was instantly filled with silent. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko naman ginawa. Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa akin para kausapin siya.
Bumuntong-hininga ako at akmang kakausapin ko na ito pero bigla nalang nagbukas ang pinto ng elevator at dagling lumabas doon ang misteryosang babae. Naiwan ako muli sa loob na nag-iisa at obviously walang kasama.
I then pressed the fifth floor button and I just patiently wait inside of it. Wala naman akong magagawa kundi ang maghintay. Hindi naman nagtagal at narating ko na ang aking patutunguhan. It just took me five minutes before I could reach the fifth floor of this building. At tulad ng aking inaasahan ay majority ng population dito ay mga graduating students. Iyong iba na hindi nila ka-level ay katulad ko na ang library rin ang gustong puntahan.
Nagsimula na akong maglakad at hindi ko pinansin ang kanilang mga tingin, maging ang bulungan na aking naririnig sa aking kapaligiran. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan ko ng narating ang napakalaking library ng Academy.
Hindi na ako nagsayang pa ng ilang segundo bagkus ay kaagad kong tinungo ang desk ng librarian para magtanong. Sa sobrang dami ng libro dito, syempre need ko pa rin guide para mapabilis ang aking paghahanap.
“Good morning handsome, what can I do for you?” magiliw na tanong sa akin ng babaeng librarian na may katandaan na rin. I think in mid 60’s.
“Healing book,” tipid kong sabi sa kaniya na siya namang ikinangiti nito.
“You’re a healer?”
Umiling ako. “I just need one for my twin,” I answered right away.
“Okay. I just call my assistant to guide you to the Section of this library that is exclusively for all the Healing Books that we have here,” sabi nito bago ito pansamantalang umalis at pinuntahan ang isang ka-edad ko lang na lalaki. Napatingin naman ito sa akin at pagkuwan ay nakita ko itong ilang beses na tumango habang patuloy itong kinakausap ng Librarian.
Hindi nagtagal ay kasama na ng librarian ang lalaki ng hinarap niya muli ako.
“This is Franco, my assistant. He can help you find the book you wanted,” pagpapakilala nito sa lalaki nitong assistant. “O Franco, ikaw na bahala kay Pogi,” she added.
“Si Manang talaga mahilig sa gwapo,” rinig ko namang sabi ni Franco sa matanda bago nito ako sinabihan na sundan ko daw siya. Nakakalula ang taas at dami ng mga libro na naririto kaya para sa isang baguhan ay kailangan ko talaga rito ng isang assistant. This library was not bad at all.
“What’s your name, bro?” rinig kong tanong sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
“Kingston,” tipid na sagot ko habang patuloy pa rin akong nakasunod sa kaniya.
Tumango-tango naman ito. “I see. No wonder you’re famous here.”
Kumunot naman ang noo ko ng marinig iyon sa kaniya.
“Naririnig ko na ang pangalan mo sa mga estudyante dito pero ito ang unang pagkakataon na nakita kita ng personal. Yeah. They’re right. You’re like a God-”
“I’m not,” dagli sabi ko na ikinangisi lang nito.
“-And a man with few words,” dagdag pa nito na hindi ko na itinanggi pa. “Anyways, what book are you searching for?” pag-iba nito sa aming usapan.
“Healing book,” I answered.
“For?”
“Poison,” dagling sagot ko.
Hindi na ito nagsalita pa bagkus ay nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Hindi nagtagal ay narating na namin ang specific na section dito sa library na tinutukoy kanina ng Librarian. Nakita ko pa siyang iniaayos ang ladder na gagamitin dahil siguro ay nasa pang-itaas na bahagi ng bookshelf ang libro na kailangan ko.
“Dalawa lang ang libro dito na naglalaman ng mga lunas para sa mga lason. The first book is the Holy Book and the other book was a forbidden one. Which one do you prefer?”
“Both,” I answered that made him chuckled.
“Okay. Just wait here and I’ll get that books for you,” sabi nito pagkatapos ay nagsimula na itong umakyat sa hagdan na gawa sa kahoy. Nakatingala lang ako habang patuloy siya sa pag-akyat at tama nga ako dahil sa pinakatuktok nga nito kukunin ang libro na kailangan ko.
Nakita kong nakuha na nito ang libro ngunit hindi ko ini-expect na ihuhulog niya lang ang mga iyon sa aking direksiyon. Luckily, I was too quick enough to cope up with the situation and catch those books like it’s not a big deal for me to do so.
Parang hindi naman siya nagulat sa ginawa ko dahil nakangisi lang ito habang mahigpit pa rin ang kapit ng mga kamay nito sa ladder. Inalis ko na ang tingin sa kaniya at itinuon sa dalawang libro na nasa aking kamay.
Mas makapal ang kulay itim na libro kaysa sa kulay ginto na libro na nasa kaliwang kamay ko. Nararamdaman ko rin ang kakaibang kapangyarihan na mayroon sa dalawang librong hawak ko at masasabi kong hindi ito pangkaraniwan lamang. I just do hope that this books contains what I need right now.
“Thanks,” tipid na sabi ko kay Franco pagkababa nito sa hagdan.
Nakita kong umawang ang labi nito dahil hindi niya siguro inaasahan na marinig ang mga salitang iyon sa akin pero agad rin naman itong napalitan ng isang malapad na ngiti na umabot hanggang tenga nito.
“Well, you’re welcome. Hindi ka naman pala ganun kasuplado,” nakangiting sabi nito sa akin.
“Suplado?” I asked. Suplado pala pero bakit hinahangaan pa rin nila ako?
“Naririnig ko rin kasi sa mga tagahanga mo na suplado ka raw,” sagot nito sa akin na ikinatango ko lang.
That’s true anyways and I didn’t deny it.
“Anyways, I need to go. Baka masermunan na naman ako ni Tanda.” Iyon na ang huli kong narinig sa kaniya bago nito ako tuluyang iniwan.
Ako naman ay kaagad nilisan ang sections na iyon ng library at pumunta sa bakanteng mesa at upuan na nasa may gilid, sa may bintana. Pinili ko rin na nasa pinaka-dulo ang puwesto ko dahil ayaw ko ng mga istorbo ngayon at sa mga araw pa na darating habang hindi ko pa nahahanap ang impormasyon na kailangan ko.
Uupo palang sana ako ng may pamilyar na lalaki ang dumating.
“Bakit hindi mo ako ginising?” iritadong tanong nito sa akin.
It’s Lance at mukhang kagigising lang nito ngayon. Mapupungay pa ang mga mata nito at gulong-gulo pa rin ang kaniyang buhok.
“Because I just want to,” i boredly said to him before I sat in the chair.
Pang-apat lang na tao ang kakasya sa napili kong mesa. Kapwa gawa sa kahoy ang apat na upuan sa palibot ng hindi kalakihang mesa pero maganda naman ang pagkakagawa at mukhang matibay rin.
“Asshole!”
I just tsk when he leave and I saw him went to the Librarian’s desk. At hindi lang nagtagal ay bumalik ito sa aking kinaroroonan na bagsak ang balikat tulad ng aking inaasahan. Walang kabuhay-buhay itong umupo sa harap ko.
“May nauna na daw sa akin,” dismayadong sabi nito sa akin.
Hindi ko siya tiningnan dahil naka-pokus lang ang aking mga mata sa binabasa kong libro. Inuna kong basahin ang Holy Book of Healing instead of reading the Forbidden one.
“I know,” sabi ko kahit hindi pa rin siya tinitingnan but I bet he’s sulking right now.
“Hindi mo kasi ako ginising,” panisi niya sa akin kaya bago ko pa marinig ang kasunod nitong sasabihin ay itinulak ko ng bahagya ang forbidden book sa kaniya.
“Kaysa dumada ka lang diyan na parang babae, tulungan mo nalang akong maghanap para may silbi ka naman kahit papaano,” sabi ko sa kaniya at mabuti naman at tumahimik na rin ito sa wakas.
We spend a lot of reading the books that we have for almost 5 hours but still we found nothing but just an ordinary cure for a low level poison.
Nagsisimula na rin akong makaramdaman ng inis dahil aminado akong hindi ganoon kahaba ang pasensiya ko lalo na sa pagbabasa ng mga libro. I hate reading books but I need to do it for my twin.
“May nahanap ka na?” I heard Lance asked.
Bumuntong hininga ako bago magsalita, “None”
Patuloy lang ako sa pag-flip ng bawat pahina ng librong hawak ko at napatigil lang ako sa pagpalipat-lipat ng isang pahina ang umagaw sa aking atensiyon.
“Water of Life,” I read the title page of it. There’s something in it that caught my attention.
Matapos kong basahin ang pamagat nito ay sinunod ko naman ang supporting details nito and I just found myself smiling at the end of reading it because I think I already found it. I already found the alternative cure for Queenie.
Mukhang nakikiayon sa amin ang lahat dahil nahanap ko ito ng mas mabilis kaysa sa aking inaasahan. It was indeed a quick search but getting the alternative cure would take a few days for sure. Dahil ang lunas kay Queenie ay matatagpuan lang sa Olympus- the world that was exclusively for Olympian Gods and Goddesses.
‘We’re going to Olympus then,’ sabi ko sa aking isipan dahil doon namin makukuha ang kailangan naming lunas. Ibig sabihin din nito ay kailangan na din naming lisanin ang Uni World.
‘And it’s time to say Goodbye to Uni-World as well.’
TO BE CONTINUED