LETTER

2263 Words
LANCE POV   Rinig ko ang malakas na pagpintig ng aking puso dahil labis akong kinakabahan sa oras na ito. It’s normal to be nervous though especially this time that i’m infront of the twin of the one who was poisoned by my ex- Danica Hail and she came from the race of the white witch, the race where my mom belongs.   It’s been a year after I officially broke up with Danica because our relationship was so toxic but she still seems not get over me even with that long period of time.   Parati parin niya akong binubuntutan at kapag may babaeng lumapit o mag-hello man lang sa akin ay sinasabunutan at worst sinasaktan nito and that’s the reason why I broke up with her. Taliwas ang pag-uugali niyang iyon sa kung ano pagkakakilala ko sa kaniya noon bago ko pa siya naging girlfriend.   We became in a relationship for almost 3 years but I decided to put an end to it because I’m already sick of dealing with her.   Napaka-selosa niya at selfish dahil gusto niya na siya dapat ang parati kong piliin at bigyan ng atensiyon sa lahat ng oras. Kahit magulang ko ay minsan nagiging dahilan ng pag-aaway namin dahil gusto niya nga na sa kaniya lang umiikot ang mundo ko na umaabot pa sa puntong pinapapili niya ako kung siya ba o ang mga magulang ko.   Away bati kami sa huling taon namin kaya naisipan kong tapusin na ang lahat sa amin- isang bagay na hindi nito matanggap kahit ilang ulit kong sabihin sa kaniya na tapos na ang lahat sa amin.     Four months after our broke up, I met Kingston’s twin- Queenie.   It was one time she and her parents attended Dad’s birthday party in our palace. Wala si Kingston noon kaya hindi niya ako kilala ng personal. Since then, we become close to each other but our friendship was hidden in my family and hers. We become bestfriend but still we remain it as a secret even we don’t need to do it for ourselves.   Wala naman kasing masama kong maging mag-bestfriend and lalaki at babae diba?   As time passes by, our friendships become special just for me. Nagkaroon ako ng feelings sa kaniya pero siya hindi.   In her eyes, I was just her bestfriend. I courted her even though she said that we’re friend and she just loves me as her friend. Na-friend zone ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang panliligaw sa kaniya kahit magkaiba kami ng mundong ginagalawan at lahing pinagmulan.   She’s a warlord princess and I’m a vampire prince. Hindi naman masama kung magkaroon ako ng karelasyong ibang lahi dahil wala namang batas na nagbabawal na bawal mag-ibigan ang mga hindi magkakalahi. Pakiramdam ko lang kasi na si Queenie ang mate ko kahit hindi naman dahil dapat may koneksiyon dapat kami sa isat-isa.   I was also their in her birthday eventhough she don’t want to see me that time because of the scandalous scene that my ex made when we three met. Humingi ako ng tawad sa kaniya noong malapit ng matapos ang birthday celebration sa palasyo nila at masaya ako dahil pinatawad niya naman ako.   Umalis din ako kaagad noong oras na iyon dahil baka mahuli ako ng ilang mga guards nila sa palasyo lalo pa at hindi ako imbitado. Pagkatapos kong makuha ang gusto kong makuha sa kaniya ay masaya akong umuwi sa palasyo namin at kaagad natulog pero kinaumagahan ang kasiyahan ay kaagad napalitan ng takot at lungkot dahil sa balitang nasa bingit ng kamatayan si Queenie.   May nanlason daw rito and that person was shockingly my ex. Her jealousy and hatred leads her to commit such sin and it pained me when I just found out that she also died in Kingston’s hand that day.   Galit ako sa sarili ko dahil may isang babaeng namatay dahil lang inibig ako at may isang babae namang nasa bingit ng kamatayan dahil sa pilit kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya kahit klinaro na niya sa akin na kailanman ay hindi niya maibibigay ang pagmamahal na gusto kong makuha sa kaniya.   I was guilty even those horrible things was not my intention at the first place. Guilty lang ako dahil alam kong ako ang puno’t dulo ng lahat ng iyon at para mabawasan man lang ng kunti ang bigat sa aking dibdib ay nag-request ako kay Dad na kumbinsihin nito ang ama ni Kingston na pasamahin ako sa misyon ng anak nito sa Uni World.  Si Dad ang kinausap ko dahil alam kong hindi ito matatanggihan ng ama ni Kingston dahil ang ama at ina ko ay kasama sa walong generals nito noon.   And now, it’s time to face the judgement of Queenie’s twin. Ito na ba ang huling araw ko dito?   “Kingston,” kinakabahan kong sinambit ang kaniyang pangalan.   Nakita ko ang biglang pagkuyom ng kamao nito habang nakayuko pa rin siya. Gayunpaman ay makapanindig balahibo pa rin ang maitim na aura na pinapakawalan nito, mas mapanganib sa pinapakawalan na aura nito kanina.   I already expected this before I confessed to him pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan ng husto lalo na at hindi ko alam kung ano ang parusa na ipapataw nito sa akin.   Papatayin niya ba ako katulad ng pagpatay nito kay Danica noon? I was there when she was killed by him. He’s so scary that time and I’m not dreaming of being killed by his demon self.   “I’m sorry. I shouldn’t-”   “You’re sorry means nothing to me,” he cutted me off that made me gulp.   May kunting espasyo sa pagitan naming dalawa pero hindi pa rin iyon sapat para maging komportable akong kausap siya ngayon. Namulta ang aking mukha ng tuluyan na siyang nag-angat ng tingin hanggang sa tinititigan na ako ng mapupula nitong mga mata.   His eyes only mean death for me right now. The same eyes that he had when he killed Danica.   “Mapapagaling ba ng sorry mo ang kapatid ko? HINDI DIBA?!”   Agad akong tumayo at naglakad papalapit sa kaniya. Pagkuwan ay lumuhod sa kaniyang harapan at walang patid na humingi ng tawad.   He’s right.   I can’t save Queenie just because of saying ‘sorry’ but it’s the only thing I can do right now while we’re still searching for the alternative cure for her. I stayed like that for about a few minutes but a loud laugh stops me for an instant.   Kunot ang noo kong tiningnan si Kingston dahil patuloy pa rin ito sa pagtawa sa hindi ko alam na kadahilanan. He looks like a crazy man right now laughing his ass off.   “Y-You’re hahaha funny hahaha!!” tawang-tawa na sabi nito habang hawak-hawak pa ang kaniyang tiyan.   Ang kaninang pagtataka na nakarehistro sa aking mukha ay kaagad napalitan ng pagkainis. Ang gago, ako pala ang pinagtatawanan. Pero parang nabunutan rin ako ng tinik nang marinig iyon sa kaniya dahil maybe I will not die in his hand right now.   Am i? Did he really spare my life?   Tumayo na ako at kaagad bumalik sa aking kinauupuan dahil wala na ring saysay ang paghingi ko ng tawad sa kaniya.   “Are you not done yet?” I asked but I regret doing that when he quickly shifted into his mad and dangerous state and appearance.   “Of course I’m still not done with you,” mariing sabi niya at nanlaki ang aking mga mata ng makita kong lumitaw bigla ang Hellion sa kamay niya. “Matatapos lang ako sa’yo kapag napatay na kita gaya ng ex mo. Sounds great right?”   “A-are you just joking right now?” kinakabahan kong tanong sa kaniya.   Sumingkit ang mga mata nito at pagkuwan ay nagtagis-bagang.   “Do I look like I’m joking right now? Queenie is dying right now and do you think I still have time for joking, Lance?”   Napalunok ako ng marinig ang sinabi niyang iyon. Gusto kong magsalita pero tila naumid ang aking mga dila para makasambit man lang ng isa o dalawang salita.   “Kaya pala familiar sa akin ang pangalan mo noong una tayong nagkita. You’re my twin’s suitor,” sabi pa nito sa akin.   Gusto ko ng tumakbo paalis pero ayaw naman ng mga binti ko. I was just frozen in my chair and what I just do is to watch him preparing his sword to kill me.   “Okay na tayo eh pero matapos kong marinig ang sinabi mo ay biglang nagbago ang lahat. Kaya ngayon, gusto kong mamaalam ka na sa mundo!”   “SHING!”   “AAAHHH!!”   Nagtaka naman ako kasi hindi nito pinatama sa akin ang talim ng kaniyang espada kundi sa gilid niya. Sa isang mabilis na wasiwas ng kaniyang espada ay nahati na nito sa gitna ang inviscible man na kanina pa pala nasa tabi niya.   I don’t have the ability to see nor sense an inviscible man but Kingston has that on him. Hindi nagtagal ay unti-unti ng naging visible sa mata ko kung sino ito at nagulat ako dahil ito ay si-   “M-Marco.”   He’s Amara’s ex. Dahil sa nahati ito sa gitna ng talim ng Hellion ay hindi na nito nagawang huminga pa sa oras na ito. Walang buhay nalang itong nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili nitong dugo pero ang nakaagaw ng aking pansin ay ang hawak nitong matalim na espada.   Did he had plan to kill me or kill both of us? But why?   Gulat kong tiningnan si Kingston.   “Y-You knew that he’s here all along?”            Ngumisi ito at pagkuwan ay ibinalik sa kawalan ang Hellion. So, it was just an act earlier. Best Actor.   “Yes because I’m strong,” sabi niya at ginamit ang itim nitong apoy para tupukin ang katawan nito hanggang sa abo nalang ang matira roon. Mabuti na rin na ginawa niya iyon para to avoid complication.   “And I’m not?” I asked.I felt insulted by that respond from him.   “You’re the one who said that,” sagot naman nito at pagkuwan ay bumalik na sa pagkaka-upo. Gago talaga.   “Anyways, don’t say sorry to me because I’m not Queenie. Hindi rin ganoon kakitid ang utak ko para hindi maintindihan na ang lahat ng nangyari sa kakambal ko ay hindi mo intensiyon na gawin. Pero kung nangyari man na kasabwat ka sa panlalason sa kaniya, asahan mo ng nasa impiyerno ka na rin ngayon kasama ng ex mo”   Tila nabunutan naman siya ng tinik sa dibdib ng marinig ang lahat ng iyon.    “So pwede akong mag-apply bilang boyfriend ng kapatid mo,” tanong ko na kaagad ikinadilim ng mukha nito. “Bayaw mo na ako kung magkaganun man.”   “I take back what I said earlier. Kailan na pala kitang patayin-“   “Wait!! I’m just joking,” pagpigil ko sa kaniya ng akma na nitong isu-summon ang Hellion. “Na-Friend zone ako sa kakambal mo at ayaw ko na ulit masampal,” nakangiwi na sabi ko nang maalala ko kong gaano kalakas ang sampal nito sa akin noon.   “Mabuti kong ganoon dahil hindi ka nababagay sa kakambal ko,” sabi nito na ikinangisi ko lang.   “Tulad ng hindi ka rin bagay para kay Amara?” I asked that instantly get rid of his playful smile. Iba talaga ang epekto ni Amara sa kaniya.   “I love her.”   “I know. You’re too obvious Kingston.”   Nakita itong mapait itong napangiti.   “But my love was not enough to saved nor protect her.”   “Here we are again,” sabi ko. “Come on Kingston, it’s not your fault why she died. Dapat nga kami ang mas ma-guilty dahil doon kami malapit sa kaniya pero wala man lang kaming nagawa para sagipin siya.”   “But still-“   “Kuya!!” isang pamilyar na boses ang pumutol sa aming usapan and it’s Damian.   Ano naman kaya ang sadya nitong isip bata na to kay Kingston?   Hindi pala nai-locked ni Kingston ang pinto kanina kaya mabilis lang itong nakapasok sa aming dormitoryo. Nang marating nito ang kinaroroonan namin ay may iniabot itong sulat kay Kingston. Kumunot naman ang noo namin dahil doon.   “Ano iyan bunso? Love letter para kay Kingston?” tanong ko kay Damian na ikinakibit-balikat naman nito.   “I don’t know. Hindi ko pa naman nababasa pa,” Damian honestly responded. “Pero siguro dahil may isang babae kanina ang nagbigay nito sa akin at sabi niya ay ibigay ko daw kay Kuya Kingston,” he added.   Kinuha naman ni Kingston ang letter at kaagad itong binuklat pero pansin kong mas lumalim ang gatla sa noo nito habang binabasa ang laman ng sulat. Agad akong tumayo at nakibasa na rin. Maging si Damian ay ganoon din ang ginawa.   ‘Dear Kingston,   Masaya kaba dahil sa panggagamit mo sa akin? Masaya ka bang nagawa mo akong paikutin at paglaruan sa iyong sariling mga kamay?   Pwes ako hindi!   Sisingilin kita para sa kasalanang ginawa mo sa akin. Ibabalik ko sa’yo ng doble ang sakit na pinaramdam mo sa akin matapos kong malaman na isa lang pala ako sa mga laruan mo!   Malapit na akong bumalik at sana maging handa ka para sa akin.    Nagmamahal ngunit ang siyang papatay sa’yo, -A.F’   Iyan ang laman ng sulat na siyang ikinabahala namin ni Damian maliban nalang kay Kingston na tila wala lang sa kaniya ang natanggap na sulat. Nanatili lang itong walang imik at lukot na lukot pa rin na nakatingin sa natanggap nitong sulat?   Kilala ko ba siya o si Kingston lang ang nakakakilala sa kaniya?   TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD