SHE'S ALIVE

2240 Words
KINGSTON POV   Mag-isa lang ako ngayon dito sa aming silid dahil lumabas lang pansamantala si Lance. Inimbitahan kasi ito ng iba pa na kumain sa labas.   They invited me too but I said no because I’m still reading the books that I borrowed yesterday. Isinabay ko rin iyong isa pang libro dahil interesado rin akong basahin ang laman niyon. Unlike Lance na tinulugan lang ang mga libro sa tuwing binabasa niya ito. Tamad talaga!   Nakahiga lang ako sa kama habang binabasa ang librong hawak ko. Kinakabisado kong mabuti ang impormasyon patungkol sa Water of Life.   Water of Life was called to the water in the Olympian Lake. This water was said to be special and powerful that not just replenish the lost energy or power of a certain magic user but also cured any kinds of wounds and poison inside someone’s body.    Pero kataka-taka lang na walang alam si Ninong Hades patungkol sa Water of Life.   I mean, he’s a God and he should be aware of this too because they have the same title and level. But if he really didn’t know about it, ibig sabihin lang nito ay masyadong pribado at misteryoso ang Olympus sa hindi nila kasapi. Na kahit ang iba pang mga Gods and Goddesses sa iba pang mundo ay nililihiman nila patungkol sa mga bagay na mayroon sa mundo nila.   Iniisip ko palang ang mga iyon pero nararamdaman ko ng mahihirapan kami sa misyon naming ito. Kung ganoon nila (ng mga Olympian Gods at Goddesses) pahalagahan ang lahat ng naroroon sa Olympus, maaari rin na hindi nila basta-bastang ibinibigay ang lahat ng pagmamay-ari nila roon. There should be price to be paid and it’ll surely be expensive.   Hindi ko rin dapat isa walang bahala ang katotohanan na mahirap din pasukin ang mundo na iyon ayon dito sa nakasaad sa libro. Kailangan daw namin na talunin muna ang Guardian of Olympus na nagbabantay sa entrance ng mundong iyon. Walang namang nakasaad kong anong klaseng nilalang ang tinutukoy ng libro patungkol sa Guaradian of Olympus but I think it’s a mythical beast.   Sa sobrang tutok ko sa pagbabasa ay tila hindi ko napansin ang paglipas ng oras. Paunti-unti ay nakakaramdam na rin ako ng antok dahil bumibigat na rin ang talukap ng aking mga mata. Imbes na labanan ang antok ay hinayaan ko nalang itong dalhin ako sa dream land pero bago pa ako tuluyang lamunin ng dilim ay isang malakas na pagsabog ang nag-alis ng aking antok.   Kasabay na rin niyon ang biglang pagbukas ng pinto ng aming silid at iniluwa niyon si Lance na hingal na hingal pero may bahid pa rin ng takot ang mukha nito.    “W-What’s happening?” I asked to him after I get up from my bed.   “He’s here,” sabi nito at kahit hindi nito sabihin ay alam ko kung sino ang tinutukoy nito. It’s no other than Lucian Janzen.   Pamilyar sa akin ang kapangyarihan na nararamdaman ko ngayon. It’s his power at hindi ako maaaring magkamali dito. Kaagad akong nagtagis bagang at mahigpit na kumuyom ang aking kamao.   ‘It’s time to make him pay.’     SOMEONE POV   Pagkalabas nina Lance at Kingston ng Academy ay bumungad sa kaniya ang napakaraming man-made demons na nagkalat sa buong paligid, ito man ay nasa lupa o sa himpapawid. Sa sobrang dami ng mga ito ay nagawa nitong palibutan ang kabuuan ng Academy ng ganun lang kadali.   Ngunit kahit sobrang dami ng mga ito ay hindi pa rin naging sapat ang dami nito para hindi makita ni Kingston si Lucian Janzen. Tutok na tutok ang mga mata nito sa lalaki ng hindi kumukurap.   Lucian Janzen just smirks when he felt that dangerous stare from Kingston.   He can felt his anger in those stares and instead of being scared and nervous, he felt so excited and thrilled for the next thing that may happened. At may isang taong siguradong sabik itong makita. Now, he can’t wait for her appearance after a few days of hiding.   “LUCIAN!!”   Hindi na siya nagulat ng marinig niya ang galit na galit na boses ni Kingston na kahit sa himpapawid siya ay rinig niya pa rin ang malakas nitong boses.   He knew that Kingston is so powerful, more powerful compare to him. Sa unang pagkikita palang nila noon ay alam niya na hindi ito basta-bastang estudyante lang. He looks so exceptional and that drives him to be interested in knowing who he really was that’s why he did a background check on him and he was shocked knowing who he really was.      He is the warlord prince- Prince Kingston Allistair Mystique, son of King Hunter and Queen Prelisa Mystique of the Warlord Realm.   Kilala niya ang mga magulang nito dahil minsan na rin niya itong nakadaupang palad noong isa pa siyang aktibong scientist at inventor ng Uni World. Siya parati ang ipinapadala na Representative ng kanilang mundo para sa larangan ng science.   Science was not really theirs to begin with because it was originated from the Mortal realm and those realms who just adapted to that kind of learning tried to make it more advance and complex in mixing both the ideas of Science and Magic in iventing one-of-a-kind things or materials. Madami siyang mundong napuntahan at sa lahat ng mundo na iyon ay bagong kaalaman ang nakukuha niya at ina-apply niya ito sa pagbalik niya sa Uni World.   “I WILL KILL YOU, LUCIAN JANZEN!! ”   Kingston power erupted after that as the strength of it was enough to make a huge hole in the sky.   Hindi nagtagal ay naging maingay na rin ang kalangitan dahil sa malakas na tambol ng kulog at pagguhit ng kidlat roon. Nabalot na rin ang kinatatayuan nito ng makapal na itim na usok pero may kunting ilaw pa rin ang makikita roon dahil sa tila sinulid na linya ng kidlat o elektrisidad na makikita roon. Hindi nagtagal ay paunti-unting nawawala ang makapal na usok at paunti-unti rin ang pagpapakita ng bago nitong kaanyuan.   Kingston’s new form is way more deadly compared to the form that he used in the Fire Nation. Wala siyang sungay pero sapat na ang purong itim niyang mga mata para magbigay ng takot sa sinumang nakakakita niyon.   Wala na rin ang tila paniki nitong mga pakpak na ginamit na niya noon dahil pinalitan iyon ng kulay itim nitong mga pakpak na tulad ng sa mga anghel. Halos balutin na rin ng kulay itim niyang mga tattoo ang kabuuan ng kaniyang hubad na pang-itaas pero hindi pa rin iyon sapat para mabawasan ang taglay nitong kakisigan dahil na rin sa namumutok nitong mga masel at sa matitigas nitong pandesal sa tiyan.   His physique is perfections and clearly a masterpiece. He looks like a God exuding with unbelievable charisma despite of his deadly aura right now. Hindi rin nawawala ang Hellion na hawak-hawak pa rin nito pero mas tumalim lang ito na para bang bagong hasa ito.   Sa pag-angat ng tingin ni Kingston ang siya namang pagkatupok ng lahat ng man-made demons ni Lucian. Gulat na gulat ang lahat sa kakaibang kapangyarihan na ipinapamalas ngayon ni Kingston at dahil doon ay nawalan nang lakas ng loob ang iba pa na makisali sa mangyayaring labanan dahil alam nilang magiging pabigat lang sila sa binata.   Alam ni Lucian na malakas talaga si Kingston pero hindi niya inaasahan na ganito ito kalakas. Mas pinalakas niya na ang kaniyang mga man-made demons pero nagawa pa rin nitong paslangin ang mga iyon gamit ang nagngangalit nitong mga mata.   Dala ng sobrang takot at pangamba sa susunod na gagawin ng binata ay kaagad niyang pinakawalan ang genie na mayroon siya. It was a gigantic blue genie that holds a lightning attribute spear.   Nakita niyang lumipad si Kingston papalapit sa kaniyang kinaroroonan kaya naman agad siyang gumawa ng aksiyon para patigilin ito. Alam niya kasing dehado siya dito at kailangan niyang mag-ingat ng mabuti sa kaniyang ikinikilos.   “Destroy him, Livan,” Lucian commanded to the genie and his genie then obeys him as expected. Malakas naman na iwinasiwas nito ang hawak nitong sandata pero sinangga lang ni Kingston ang talim niyon gamit ang kaliwang kamay nito.   Napasinghap siya ng makita iyon dahil ngayon napagtanto niyang ang lakas ng binata ay kaparehas na ng sa mga Diyos. And he knew that no one can stop him except her but it’s not yet the time for her apperance. The enemy was not here yet and he will do anything just to make those evil showed up.   Hindi na siya nagulat pa ng nagawa nitong basagin ang talim ng sandata ng kaniyang genie at kasunod niyon ang paghati nito sa higanteng katawan ng genie na walang nagawa kundi ang bumalik sa kinilalagyan nitong gintong lampara na hawak-hawak niya. Dahil sa lakas na ipinapamalas ni Kingston ay wala siyang nagawa kundi ang gamitin ang kaniyang kapangyarihan.   “AERIAL ACE: STORMY WORLD!”   Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay biglang nagbago ang kapaligiran. Mas lumakas na ang pag-ihip ng hangin na sapat na para tangayin ang anumang may buhay sa mundo at sugatan ang lahat ng nadadampian ng pag-ihip niyon.   Kasabay na rin ng paglakas ng hangin ang pagkulog at pagkidlat na sinabayan pa ng pagpatak ng ulan na nakakamatay na parang asido. This is his true power. The ability to control the weather and made it more deadly because he accompanied it with his acid power. But aside from this ability of him, he has still necromancing ability under his sleeves.   When he was inside of the stormy place, he can be able to use not just his acid but also the wind and the lightning as well. He’s powerful but not as powerful like Kingston.   “ROAR OF STORMY SKY: LIGHTNING STRIKE!!”   The sky releases a powerful voltage and it directly hit Kingston’s body but it didn’t even made a simple scratch in his body as if it was coated with an indestructible barrier.  Nanatili lang na nakatayo si Kingston sa kinaroroonan nito na parang hindi ito natamaan na malakas na boltahe ng kidlat kanina. Ni hindi nga ito nanginig o nangisay man lang ng kunti.   “Not enough huh,” tila nag-eenjoy pa na sabi ni Lucian at pagkuwan ay itinapat nito ang kaniyang palad sa kinaroroonan ni Kingston at idadamay niya ang Academy sa atake niyang ito.   “ACIDIC BULLETS: RAINING BULLETS OF PAIN AND DESPAIR!”    Ngayon ay nagpakawala naman siya ng mala-bala ng baril na acid at inasinta niya ang kabuuan ng Academy, umaasa siyang sapat na iyon para palabasin ang lahat ng gusto niyang lumitaw sa mga lungga nito.   “BLOOD ULTIMATE BARRIER: KILLER UMBRELLA!”   An umbrella-like structure made by blood was instantly created and that’s the thing that completely blocked his acidic bullets.    Nang makita niya ang pamilyar na kapangyarihan na iyon na bumalot sa buong Academy ay napangisi siya.    “Finally you showed up Lord Gael.”    Halo-halo ang nararamdaman ngayon ni Lucian ng makita ang pamilyar na mukha ng matanda kasama ng anim na mga ka-miyembro nito na siyang bumubuo sa grupo ng “Royale Famillia”. Malaki ang kasalanan nito sa kaniya, maging sa isang babaeng kilala niya at kilala din ng lahat at ito na ang oras para maningil sa kanilang mga pagkakautang sa amin.     “Umalis ka na Lucian bago ka pa namin mapatay,” ubod ng yabang na sabi ni Lord Gael sa kaniya na ikinangisi niya lang.   Mas naging mayabang ito sa pandinig niya dahil alam niyang may Kingston itong kakampi pero akala ba niya siya lang ang may dalang alas.   Matunog siyang tumawa na sinundan ng pagkulog at pagkidlat sa kalangitan. Matapos niyang tumawa ay nagsalita siya, “And do you think that’s enough to scare me? You don’t know me Lord Gael. Hindi ako pumunta dito para mamatay dahil pumunta ako rito para maningil ng kinuha mong buhay. Buhay ang iyong kinuha kaya buhay rin ang kapalit-”   “DEMONIC s***h: DEADLY BLADE OF HELL!!”- that sword s***h that Kingston released interrupt him but instead of dodging it or made a barrier to block it, he just stood up with a smirk.   Isang metro nalang ang layo ng atake na pinakawalan ni Kingston sa kaniya at bago iyon tumama sa kaniyang katawan ay isang pamilyar na babae ang nagpakita at- “SHIELD OF TOUGHNESS AND SELF-PERSEVERANCE!”- sinangga iyon ng isang na hindi nasisira at nababasag man lang na gintong pananggalang na iisang nilalang lang ang maaaring magmay-ari niyon.   Ang pagtama ng atake ni Kingston sa pananggalang ng babae ay naglikha ng malakas na pagsabog at kasunod niyon ang pagkakaroon ng makapal na usok.   Pero ilang Segundo lang ang lumipas ay ay nahati na rin iyon at tuluyan ng tumambad sa kanilang lahat ang babaeng inakala nilang patay na. May hawak itong naglalagablab na espada at sa kabila naman nitong kamay ay ang gintong pananggalang na ginamit nito kanina.   “A-AMARA,” hindi makapaniwalang sabi nilang lahat na naroroon maliban nalang kay Lucian at sa lahat ng miyembro ng Holy Guardians of Heaven. Faking her death was their plan all along and they did it very well.   Agad na lumipad papalapit kina Lucian at Amara ang mga Holy Guardians at sinamahan ito sa kanilang panig. Samantalang si Kingston naman ay nanatiling nakatulala ng makita niya ang mukha ng kaniyang pinakamamahal.   He thought Amara is dead but he’s wrong because the truth is she’s alive. Pero paano ito naging posible?   TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD