STORY BEHIND AMARA'S FAKE DEATH (PART 1)

1103 Words
AMARA POV   FLASHBACK   Tulad ng napagplanuhan, kaming lahat maliban kay Kingston na nagpapaka-hero ngayon ay tahimik na pumuslit sa loob ng boundary ng Fire Nation. Habang ginagawa namin ito ay sunod-sunod naman ang pagsabog na naririnig namin sa kalangitan kung saan roon kasalukuyang nakikipaglaban si Kingston sa mga man-made demons ni Lucian Janzen.   Masyadong marami ang mga iyon at sana lang ay makayanan niya iyong patumbahin lahat. Mukhang kaya naman niya dahil may malaking dragon naman itong kasama sa pakikipaglaban.   Would it be enough?   Naiinis ako oo pero hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng pangamba at takot sa kaniya. I know he is powerful but still this plan of his was a suicide but still we don’t have a choice but to execute it. Pero ang makita siyang naka-hubad baro ngayon habang nakikipaglaban ay mas lalong dumagdag sa inis ko. At katulad ng sinabi ko kanina sa kaniya ay paparusahan ko siya pagkabalik namin sa Academy.   His body is mine!!   Haist! I become so possessive of him lately. Hindi ba ito healthy sa relasyon namin?   “Guys, tago!” agad kong utos sa iba pa ng muntik na kaming makita ng ilang mga man-made demons na nananatiling nakabantay sa pinaka-sentro ng Fire Nation.   Sa sentro ng Fire Nation ay mayroong malaking mansiyon na kulay itim pero sa sobrang laki at taas ng estraktura ay parang naging palasyo na rin ito. Nagmukha lang itong creepy ngayon dahil tila nawalan ito ng sigla dahil na rin sa kasalukuyang estado ng Fire Nation.   Nagkubli naman kami ng maigi sa isang sulok na may katamtamang dilim dahil napapagitnaan ito ng dalawang mga di-kalakihang bahay. Mayroon din ditong ilang mga nakatambak na sirang mga kagamitan na ginamit naming pang-kubli sa aming pisikal na katawan.   Mas lalo rin naming binabaan ang antas ng aming presensiya at kapangyarihan dahil may ilang mga man-made demons ang napadaan sa aming kinalalagyan mabuti na nga lang at may mga nakatambak na lumang kagamitan dito na ginamit naming pangkubli sa aming mga sarili.   Pinigil rin namin ang aming hininga habang nagtatago kami sa kanila dahil may ilang mga man-made demons ang muntikan ng lapitan ang aming kinaroroonan. Nakahinga lang kami ng maluwag ng tuluyan nila kaming lampasan.   “Muntik na yun,”mahinang sabi ni Damian pagkatapos kaming lagpasan ng mga man-made demons.   “So, ano na sunod nating gagawin ngayon?” tanong naman ni Gywneth sa akin.   “We just have two choices at this point,” panimula ko. “It’s either we patiently wait for the perfect timing or fight them directly.”   Natahimik naman silang lahat sa sinabi kong iyon. Mukhang hindi gagana ang naunang plano dahil hindi rin namin ini-expect na marami ring bantay rito sa sentro kahit na marami rin ang nagkalat doon sa entrance ng Fire Nation.   I greeted my teeth in annoyance. Lucian Janzen surely anticipated our move.   Damn him!   Naisihan na naman kami ng Lucian na iyon. May kasalanan din naman kami kung tutuusin dahil hindi namin pinagplanuhan ang misyon naming ito.   Masyado rin naman kasing naging apurado iyong mga pinuno ng mga bawat Nation kaya ganito ang naabutan namin. Kung maka-utos wagas.   Akala ba nila madali itong pinapagawa nila? Puro lang naman sila salita pero wala din naman silang napapatunayan.   Bumuntong hininga ako dahil ayoko ng magpaka-nega muna ngayon. I need to compose myself. We need to focus ourselves to fulfill our missions here.  Makakaya din naman itong malalampasan basta magkakasama kami.      “I choose the second option,” biglang sabi ni Thaddeus na sinang-ayunan din naman ng iba pa.    “Dahil hindi naman tayo sigurado kong kailan kukunti ang nakabantay rito. At isa pa, hindi rin natin masasabi kong hanggang anong oras aabutin ang laban ni Kingston sa labas kaya mas mabuting makipaglaban na rin tayo sa kanila ngayon.”   “Okay. Pero bago iyan ay magdecide muna kayo kung sino ang mauunang pumasok sa loob ng mansiyon para pakawalan ang mga bihag habang nakikipaglaban ang iba dito sa labas,”sabi ko sa kanila kaya nagkatinginan kaming lahat sa isat-isa.   The mansion here has an underground facility at ginagamit iyon para pagkulungan ng mga criminals rito sa Fire Nation. Ang underground facility lang nito ang tingin naming pwedeng pagdalhan ng mga tao na hinuli at ginawang bihag ni Lucian Janzen.     “I think it’s better if Amara would be the first one to enter,” Thadeus suggested.   “Isama na rin natin ang Couple na si Damian at si Anah para may naka-suporta rin sa kaniya kung sakali mang magkagipitan sa loob,” dagdag naman ni Winifred para suportahan nalang ang suhestiyon ni Thadeus.   Tiningnan ko naman ang iba pa para kunin ang kanilang opinyon at nang makita ko silang tumango ay alam ko ng tuluyan ng nakakasado ang sunod naming gagawin. It’s time to to show Lucian what we’re capable of doing.     “Ready yourselves because in count of three, we will force our way inside,” I informed them and then we all summoned our weapons before we showed ourselves to our enemies, one by one.   Sapat na ang ginawa naming iyon para kunin ang atensiyon ng aming mga kalaban na nagkalat sa buong paligid.   “Follow me, Damian, Anah!!” sabi ko sa kanilang dalawa bago ako tumakbo ng mabilis papasalubong sa mga man-made demons na naka-gwardiya sa harap ng mansiyon. Ramdam ko naman ang presensiya ni Damian at Anah sa aking likuran, sinasabayan ang bilis ng aking paggalaw.   “Annihilate our enemies, Alpha, Omega!!” I chanted as I finally used my twin swords that I have, Alpha- my punisher sword and Omega- my finisher sword.   Ang talim ng mga hawak kong sandata ay sapat na para magawa kong pagpuputulin sa gitna ang mga man-made demons sa harapan pero hindi iyon sapat para tuluyan ng maging malinis ang daan namin papasok ng mansiyon.   “Lightning Sword: Electrifying Thrust!” - Damian   “Solar Sword: Scorching Solar s***h!” -Anah   Napangiti naman ako ng makita kong sabay na umatake ang dalawa sa natitirang mga kalaban na nagbabantay sa may pintuan ng mansiyon. Ang atake nilang iyon ay ang tuluyang naglinis ng kalat sa aming dinaraanan pero bago kami tuluyang pumasok sa mansiyon ay tiningnan ko muna ang iba pa na magpapaiwan sa labas. Tulad ng inaasahan ay dumarami na rin ang nagsisidatingan para pigilan kami sa aming gustong gawin.   As if we gonna let that thing happen. Over our dead bodies.   “Guys, take care of yourselves. Huwag kayong mamamatay,” habilin ko sa kanila bago kaming tatlo tuluyang pumasok sa loob ng mansiyon.   Sana lang at walang masaktan o worst mamatay sa misyon naming ito.   TO BE CONTINUED

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD