SOMEONE POV
It’s been 7 days after the Holy Guardians and the Demonic Knights finished their mission in the Fire Nation and it’s been that long as well that Kingston and his friends continue to live like a mess without Amara’s prescence in their lives.
Malaki ang naging epekto ng pagkamatay ni Amara sa bawat isa sa kanila at hindi nila alam kung paano nila magagawa ang salitang ‘MOVE ON’ ngayong hindi pa rin nila lubos na tinatanggap ang reyalidad na namayapa na si Amara at kailanman ay hindi na nila ito makakasama pang muli kahit pa anong gawin nila.
They continue living on their own but they seems not because they look dead physically. Their movements have no energy and they look like a living robot. Para silang mga robot dahil lahat ng kanilang ginagawa ay tila ba naka-program na at hindi na sila mismo ang nagpapagalaw sa kanilang katwan.
Pero ang lubos na apektado sa pagkamatay ng dalaga ay walang iba kundi si Kingston.
Hindi na ito makikitaan ng emosyon sa mukha ngunit ang mga mata nito ay puno ng sobrang kalungkutan at pighati na kahit sinumang nakakatitig dito ay napapaluha na rin ng kusa.
Tipid na rin ito kung magsalita at ang palaging tugon nalang nito sa kaniyang mga nakakausap ay ang simpleng tango nito na sobrang nakakapanibago sa kaniya.
He’s already an expressive man, friendly and a bit appreaciative before when Amara was still alive but when she died, he shifted instantly to what he was before. Mas naging worst pa nga ito kumpara noong namatay si Savannah. Napabayaan na rin nito ang sarili dahil kahit ang pagligo, pag-aayos sa kaniyang sarili at pagkain nito minsan ay nakakalimutan na.
Tanging isang tao lang ang natitirang tila maayos pa ang pag-iisip matapos ang pagkamatay ni Amara at ito ay walang iba kundi si Lance.
Siguro dahil focus na focus ito sa misyon nila ni Kingston sa simula palang hanggang ngayon kaya hindi na nakapagtataka pa na intact pa rin ang pag-iisip nito sa kabila ng kalunos-lunos na sinapit ni Amara sa natapos nilang misyon sa Fire Nation.
Kaakibat din ng pagkamatay ni Amara ay ang pagiging komplikado ng misyon nila Kingston at Lance na hindi nila alam kung tapos na ba ito o hindi.
Their mission is impossible to complete right now because Amara was already dead and not to mention the fact that they have only 3 weeks left for it. Kung may iba pang paraan para pagalingin si Queenie ay kailangan din nilang magmadali dahil napaka-ikli nalang ng oras na natitira para mapagtagumpayan ito.
They’re now under a great pressure at dagdag pa rito ang kalagayan ni Kingston na tuluyan ng isinuko ang lahat ngayon- isang bagay na pinagkaiba nilang dalawa dahil hanggang ngayon ay determinado pa rin siyang tapusin na matagumpay ang kanilang misyon kahit sobrang liit ng kanilang tiyansa para maisakatuparan ito.
He just needed Kingston’s cooperation but he’s too hard to convince and he will try his luck this time.
“Kingston, can we talk?” lakas loob na tanong niya kay Kingston nang makita niya itong papunta na sa kanilang silid.
Kahit hindi nito sabihin sa kaniya kung saan ito nanggaling ay alam niyang binisita nito ang puntod ni Amara, isang bagay na parati nitong ginagawa araw-araw. It became his everyday routine for the past seven days and he already memorized it all.
Walang emosyon siya nitong nilingon na hindi na niya ikinapagtaka pa.
“Kahit ilang minuto lang,” pangumbinsi niya rito.
Nakita niyang bumuntong hininga ito bago naglakad papalapit sa kaniyang direksiyon at umupo sa tabi niya.
“Kailangan na ba nating umalis rito?” panimula niya at sapat na iyon para kunin ang buong atensiyon ni Kingston.
Nakakunot ang noo nito ng ito’y tipid na nagtanong.
“Why?”
“Dahil wala na si Amara, ang kaisa-isang taong makakatulong sa kakambal mo,” sabi niya na kaagad ikinadilim ng mukha ni Kingston.
Nagtagis bagang ito at kumuyom ng mahigpit ang kamao.
“She’s not dead,” mariing sabi nito na siya namang ikinainis niya.
“Paulit-ulit nalang ba tayo Kingston?” tanong niya rito. “Patay na siya. Patay na-“
“SHE’S NOT DEAD!”- pagputol ni Kingston sa kaniyang sinasabi at biglang natagpuan niya nalang ang kaniyang sarili na sakal-sakal na nito. “Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi pa siya patay!”
“f**k!”
Pagkatapos siya nitong sakalin ay marahas siya nitong ibinalibag sa kinaroroonan ng kanilang TV na naging dahilan para mabasag iyon.
Sinundan pa iyon ng pagliparan ng mga upuan at kung ano-ano pang bagay na tila pinalipad ng malakas na hangin, mabuti nalang alerto siya sa pag-iwas sa mga iyon.
Being a vampire, it’s not that difficult for him to dodge all of it because his speed is on a different level. He was not hailed as “THE FASTEST VAMPIRE” just for nothing.
Pagkatapos niyang maiwasan ang lahat ng iyon ay itinuon naman niya ang kaniyang atensiyon sa harap kung saan may demonyong kasalukuyang naglalabas ng galit at sama ng loob nito.
Kingston is obviously out of his mind right now and it’s because of all the negative emotions that he’s been keeping for the past few days. Tuluyan na itong nawala sa kaniyang sarili na kahit ang kasalukuyan nitong ginagawa ay tila hindi na nito alam.
His entire body is continuously releasing a demonic aura and his eyes were completely shaded with black. Dahil sa patuloy na paglakas ng kapangyarihan nito ay hindi na kataka-taka pang nagkakaroon na ng lamat ang dingding, kisame at maging ang sahig ng kanilang dormitoryo.
However, despite of the current situation, Lance remains calm and focus watching Kingston in rage. Kilala niya ang mga taong makakapagpakalma rito at ito ay ang kakambal nito pero wala ito rito. Even Amara was not here to calm him down so it’s all in his shoulder sight now to tame the Demon of Wrath.
“KINGSTON!! HAHAYAAN MO BANG MAGING SI QUEENIE AY MAMAMATAY NANG DAHIL SA KAPABAYAAN MO?!” he shouted that loud, hoping that his voice was enough to be heard by Kingston. Pansin niya naman na may kunting dumaan na emosyon sa madilim nitong mukha.
“TANGINA! KONG GANIYAN KANG KLASE NG KAKAMBAL SA KANIYA, SANA HINDI KA NALANG NIYA NAGING KAKAMBAL DAHIL HINDI NIYA DESRVE ANG KAGAYA MO! ALAM MO KUNG BAKIT? DAHIL DUWAG KA AT GAGO! DO YOU f*****g HEAR ME! GAGO KANG TANGINA KA PARA SUKUAN NALANG SI QUEENIE NG BASTA-BASTA LANG!! ”
Halos maputulan na siya ng ugat sa leeg matapos niyang isigaw ng malakas ang lahat ng iyon kay Kingston pero worth it naman kasi napansin niyang tila bigla itong natauhan sa kasalukuyang ginagawa nito dahil kita niya na nagulat ito ng makitang nagliliparan ang lahat ng bagay sa paligid.
Nawala na rin ang itim na kapangyarihan na bumabalot rito paunti-unti na siyang ikinipagpasalamat niya. Now, he can breath properly.
“Q-Queenie.”
Sa wakas ay narinig na rin ni Lance ang pangalan na gusto niyang marinig sa labi ni Kingston.
Sa mga araw na lumipas ay puro nalang si Amara ang bukambibig nito na kahit ang pangalan ng kakambal nito ay hindi na nito masambit. Alam niyang sinisi nito ang sarili sa pagkamatay ni Amara pero sapat na ba iyong dahilan para kalimutan nito ang responsibidad nito sa kaniyang kakambal?
Kasabay ng pagluhod niya ay siya namang pagbagsakan ng mga bagay sa sahig at naglikha iyon ng maingay na tunog pero hindi iyon inalintana ng dalawa.
“I failed her. I failed to save her,” rinig niyang paulit-ulit na sabi ni Kingston habang tumatangis na ito ngayon.
Ngumiti siya ng mapait dahil maging siya ay nasasaktan na makita siyang ganito. He knew that Kingston tried to be strong for the past seven days that’s why he didn’t saw him cry like this.
It’s a rare scene to see but still he didn’t dream of seeing him like this in the near future. As a friend, what he wants from him is to find his happiness at sana matagpuan ito ng binata sa susunod na mga araw.
Nagsimula na niyang lapitan ito at pagkuwan ay nagsalita para ibalik ang dating pag-uugali nito. That Kingston that was full of confidence, strong and calm even in the midst of storm. Pero ang bagyong ito lang ang hindi niya kinaya.
“You failed saving Amara but your twin doesn’t. She’s still alive Kingston and she needs you. ”
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya.
“But Amara was already dead,” bagsak ang balikat na sabi nito sa kaniya.
“Susuko na ba tayo? Susukuan na ba natin si Queenie? Hahayaan na ba natin siyang mamatay dahil isinuko na natin ang misyon nating ito?” sunod-sunod na tanong niya kay Kingston.
Umiling ito at napangiti siya ng makita iyon.
“I want to save her but Ninong Hades said Amara was the only one who can cure Queenie.”
“Alam ko iyan pero sigurado ba ang Ninong Hades mo na siya lang ang makapagpapagaling kay Queenie?” he asked.
Nakita niyang natigilan ito pagkatapos niyang itanong ang bagay na iyon sa kaniya.
“What if there’s still an alternative way to save Queenie? Kung may taong kayang magpagaling sa kaniya like Amara, paano kung meron ding mga espesiyal na bagay o kagamitan at maging halaman ang makapagliligtas sa kaniya?”
“That was just an assumption. What we need right now is the exact solution,” sabi sa kaniya na ikinangiti lang niya. Mabuti naman at gumagana na ang pang-unawa nito sa mga bagay-bagay.
“Pero mas mabuti ng tapusin ang misyon nating ito ng may ginagawa kaysa naman hintayin lang natin si Queenie na mamatay dahil lang sinukuan na natin siya ng basta-basta diba?”
TO BE CONTINUED