KINGSTON POV
It’s been a while since the last time i saw him. I am referring to King Draco Dragunov known as the Dragon King.
He didn’t change at all.
Yeah he didn’t because base in his current size and and enormous form, he remains the same dragon from the last time I saw him with my naked eyes. Well, he was not called “Dragon King” just for nothing. He just proves everyone that he’s not just a title, but a legend instead.
Sa sobrang laki ng Dragon King ay halos maabot na ng ulo nito ang mga ulap kahit nakalapat na ang apat na malalaking mga paa nito sa kalupuan. Naglikha iyon ng malaking bitak sa kalupaan na nagpabuwal rin sa ilang mga puno roon. Dagdag pa rito ang lakas ng hangin na bahagyang pagpagaspas ng kaniyang mga pakpak.
The only thing that I think changes on him is his power level. Para siyang hindi tumatanda kahit na lumipas na ang mga taon dahil tila palakas ito ng palakas habang nagtatagal. I know that he’s strong but he is two times stronger now compared to his previous power level.
May limitasyon ba itong pagtaas ng kaniyang kapangyarihan?
“What did you do to Killer?”
Kumunot naman ang noo ko sa katanungan niyang iyon. Hindi ko inalitana ang nakakatakot nitong boses dahil nasanay na rin ako doon.
“Natuto ng sumagot-sagot ang batang iyon sa amin at sa mga kuya niya pagkatapos mo siyang i-summon,” he added.
Napangisi naman ako ng marinig iyon. Ngayon alam ko na kung bakit. Looks like Killer become braver now after the last time that I summoned him.
“I just teach him how to conquer his fear.That’s all,” I answered.
Naalerto naman ako ng magpakawala ang lahat ng kalaban namin ng maraming palaso pero kinontra lang iyon ng malalaki at malalapad na pakpak ni King Draco.
He used his wings to cover ourselves and then use it also for throwing all our enemies into the ground just by the strong force of wind. Sa laki ng mga pakpak nito ay naglilikha ang mga ito ng napakalakas na hangin sa tuwing pinapagaspas niya iyon.
“I don’t know if I should be happy seeing that kind of changes in my son. He became more powerful and scary right now. Wala na itong kinatatakutan sa amin except you,” pagkausap pa rin sa akin ni King Draco kahit nasa gitna kami ng laban.
Napangiti naman ako ng marinig iyon sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay narinig ko itong tila problemado sa kaniyang mga anak.
This is an achievement for Killer then for making the almighty King of Dragons looked stressed and sounded problematic.
“DRAGON BREATH!”
Umatake muli ang ilang mga man-made demons pero pinaslang lang muli iyon ni King Draco gamit ang signature dragon breath nito.
I know its really weird having a conversation with him while we’re in the middle of a fight but he seems not minding it. Tila mas pinoproblema pa nito ang kaniyang anak kaysa sa mga kinakalaban naming man-made demons.
“Don’t worry. I’ll help you if he become worst,” nasabi ko nalang para pakalmahin ito.
“You should be. You’re the one who influence him to be fearless like that,” sabi nito sa akin at pagkuwan ay sunod-sunod na nagpawala ng kulay gintong laser beams sa lahat ng direksiyon dahil kahit madami na siyang napaslang ay nagagawa pa rin ng mga itong palibutan sila.
I rolled my eyes hearing that from him. Nagmukha pa akong bad influence sa anak nito, tangina!!
“Fine, but can we just finish them off before we continue our conversation. I’m in hurry. My wife is waiting on me.”
Gulat naman itong napatingin sa akin.
“Y-You have a wife?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
Tumango lang ako.
“Yeah,” tipid na tugon ko sa kaniya.
“Nice. Sapat na iyan para seryosohin ko ang laban na ito.”
Pagkatapos niyang sabihin iyan ay agad siyang nagliwanag kaya naman pansamantala kong tinakpan ang aking mga mata. Sinubukan kong aninagin ang lahat ng pagbabago sa kaniya at hindi naman ako binigo ng aking mga mata dahil napansin ko na tila paliit ng paliit ang sukat nito hanggang sa nagkaroon na ito ng pisikal na katawan ng isang tao.
He is now in his human form. Lumiit nga ang sukat nito pero mas naging nakakapangilabot naman ang taglay nitong kapangyarihan. Nababalutan na siya ngayon ng kulay ginto nitong kalasag at may hawak rin itong kulay gintong sibat na katulad ng kaniyang katawan ay nagliliwanag rin ito ngayon.
Kung pagbabasehan naman ang mukha nito ay hindi ito akma sa totoo nitong edad. I knew that the Dragon King is 75 years old at the moment but his physicality says not.
He looks younger than his actual age, specifically ranges at the age of 31-35 years old. Dapat uugod-ugod na dapat ito ngayon at medyo may kulubot na ang mukha but there’s no sign of aging on him.
‘Ang gwapo nung kasama ni Hubby, no?’
Nagpanting ang aking tenga ng muli kong marinig ang boses ni Amara sa malayo. I still didn’t saw her but my ears can still hear her voice from afar.
Wala nga akong mga mata na katulad ni Dad na kayang makita ang sinuman kahit nasa malayong distansiya at nakakubli sa mga establihment pero may mga tenga naman ako na kung gugustuhin ko ay kaya kong marinig ang boses ng sinuman na kahit nasa malayo itong lugar.
I didn’t use it in a regular basis because that’s not nice at all. Hindi ako tsismoso pero ngayon pwede na.
‘Oo nga eh. Pwede na.’
I know that voice. It’s from Gwyneth.
‘Anong pwede na?’ Amara asked that even made me anticipate what she’s going to say.
‘Asawahin. You know. Mas masarap daw makarelasyon kapag medyo matanda na ang lalaki. Matured na mag-isip at hindi isip bata.’
I’m not childish damn it!!
Wala naman siyang tinutukoy pero bakit apektadong-apektado ako. I’m one year older than Amara so I’m still considered a matured man.
Am i?
“On the second thought, I want to fight,” pagbawi ko sa sinabi ko kanina. Pang dagdag pogi points dahil baka maagaw pa ng iba.
Ngumisi ito. “Jealous?”
Alam kong narinig rin niya iyon dahil ang mga dragonaire ay likas na malakas ang kanilang pandinig.
“Tsk. I’m not,” I lied because the truth is I am really jealous.
I just hate it hearing Amara praised him as if she had a cruch on this old man.
Dapat ako lang ang gwapo sa paningin niya.
“Okay. Let’s kill them together.”
After he said that thing, he just disappeared in front of me and then I just heared multiple explosion occurred.
Kahit hindi ko siya tingnan, alam kung siya iyon. The Dragon King was known to be a very ruthless batler in the battle field especially when he’s on it human form.
He showed no mercy on his opponent. Once he started battling, expect that he will go all out even your weaker or stronger than him. In short, wala siyang sinasanto, malakas man ang kalaban o mahina.
Napabuntong hininga nalang ako atsaka itinaas ko ang aking espada. I don’t want him to steal the spotlight to me. Nagsimula ng magpakawala ng kulay itim na apoy na nagkurting bungo ang aking sandata at kaakibat nito ang pagdilim ng kalangitan maging ng pagkulog at pagkidlat sa kalangitan. Ramdam ko na ngayon ang malakas kong kapangyarihan na dumadaloy sa aking mga ugat at hindi ko na ito mapipigilan pang mailabas.
“Kill them all Hellion!”
“SHING!”
Sa isang wasiwas ng aking espada ay nagpakawala ito ng malakas at matalim na kapangyarihan na hindi lang pumutol sa mga katawan ng mga demon kundi tinupok rin ang mga ito ng aking itim na apoy hanggang sa tuluyan silang maging abo.
Mabuti nalang at nakagawa kaagad ng pananggalang ang Dark King kaya hindi ito nadamay sa bagsik ng aking espada.
After I saw the result of my first attck, I suddenly felt so excited to release more of my deadly skills.
“WINGS SECRET ATTACK!”
Ngayon naman ay plano kung gamitin ang aking mga pakpak para sa susunod kong atake.
Bahagyang itiniklop ko ang aking mga pakpak habang bumubuo ako ng itim na bola ng kapangyarihan sa aking harapan.
Patuloy lang ako sa pag-ipon ng aking kapangyarihan at ng napansin ko nang sapat na ang kapangyarihan nakapaloob rito ay hindi na ako nagaksaya pa ng panahon at- “DEMONIC BALL OF HELL!”- tuluyan ko na itong pinakawalan sa direksiyon ng mga kalaban na papalapit palang sa aking kinaroroonan.
Pagkatapos kong pakawalan ang atake kong iyon ay agad naman akong nagbigay ng babala kay King Draco sa abilidad ng atake kong iyon. He instantly appeared at my back before I surrounded ourselves with a profound barrier.
Hindi muna sumabog ang Demonic Ball of Hell tulad ng sa fire ball, water ball at ice ball bagkus ay nagpapatuloy lang ito sa pag-ikot habang hinihigop nito isa-isa ang lahat ng mga kaaway sa paligid nito. Para itong black hole kung tutuusin na once na mahigop ka nito ay hindi ka na makakabalik pa na bahay.
Some of the man-made demons tried to escape from being pulled by the ball’s gravitational force but they failed to do so.
“WILD WIND: STORMY ZONE!”
Gumamit na rin ako ng elemento ng hangin para palapitin ang iba pa sa danger zone ng Demonic Ball of Hell para makasiguradong magagawa naming iligpit ang lahat.
Habang patuloy na hinihigop ng Demonic Ball of Hell ang mga kalaban ay pansin rin namin na lumalaki rin ang sukat nito. Hindi nagtagal ay tuluyan na nitong nahigop lahat ng mga man-made demons at bago pa ito sumabog ay itinaas ko muna ito hanggang sa marating nito ang mga ulap. Hindi pwedeng may madamay sa pagsabog nito.
“RELEASE!”
“BOOOOM!!”
A very loud explosion occurred as expected. Ang dating madilim na kalangitan ay bigla nalang lumiwanag dahil sa hinawi ng malakas na pagsabog na iyon ang maitim na mga ulap. Naging dahilan iyon para magpakita ang haring araw at masinagan kami ng liwanag na mayroon ito.
Nag-fist bump kami ni King Draco matapos naming manalo. We both have victorious smile plastered in our lips but it instantly disappeared when we heard a loud explosion in the Central Part of the Fire Nation.
‘AMARA!!!’
Dagli akong lumipad patungo sa direksiyon ng pinangyarihan ng pagsabog.
“Don’t you dare die Wifey,” kinakabahan kong sinabi iyon.
Ramdam ko na ngayon ang malakas na pagpintig ng aking puso habang lumilipad ako toward their direction, not because of adrenaline rush but rather the anxiety of confirming the truth that my instinct is right all along.
Hindi nagtagal ay narating ko na ang kinaroonan nila pero nanlumo ako dahil kulang na sila. Amara is not with them. Tumuon ang mga mata ko sa sentro ng pinangyarihan ng pagsabog at nandoon ang isang babaeng hindi na makilala pa dahil sa nangyaring pagsabog.
Nanghina ang aking mga tuhod na para bang nawalan bigla ng lakas ang aking mga binti. Tumulo ang isang butil ng luha sa aking mga mata kalaunan dahil hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba itong nakikita ko o hindi.
This can’t be happening.
She’s not dead, right?
“Kuya.”
Nilapitan ako ni Damian habang umiiyak rin katulad ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit pero hindi ko siya mayakap pabalik dahil nakatulala lang ako.
“Ate Amara is Dead.”
TO BE CONTINUED