Chapter 5

1645 Words
   Pangatlong araw na nila sa mansion at next week ay balik eskwela na sila ni Andie. Semestral break kasi ngayon kaya tamang-tama lang ang paglipat nila ng tinitirhan dahil nakapag-adjust na sila. Si Andie naman ay sinamahan ni Donny sa bago nitong papasukang paaralan. Nagkasundo kasi kaagad ang dalawa. Mag-isa siya ngayon sa mansion kasama ang mga katulong. Nasa trabaho ang ama ng tahanan na iyon at ang ina naman ng mga Salvatore ay may lakad. Ang dalawang binata naman ay mula pa kagabi na hindi niya nakita. Hindi rin nila nakasabay sa hapunan.    Naisipan niyang pumunta muli sa swimming pool. Nakakarelax kasi roon at iyon lang ang nakikita niyang lugar para makapag-isip. She's wearing a simple yellow sundress na bumagay sa maputi niyang balat. Hindi naman sobrang puti, makinis lang siya kaya maputi tingnan at ang kagandahan pa, kapag magkakasugat siya ay mabilis maghilom at hindi nag-iiwan ng peklat. Nawawala iyon sa katagalan kaya ang akala ng ilan ay may ginagamit siya para matanggal ang mga iyon. Sadyang pinagpala lamang siya ng balat.   Nakaupo siya sa isang upuan doon habang nakatutok sa tubig ang mga paningin. Namula siya ng maalala ang tagpo kagabi sa kanila ni Don. Muntik na siyang madarang sa mga titig nito na tila may nais ipahayag. Ang ganda kasi nitong tumitig. Parang nangungusap at ang akala niya talaga ay hahalikan na siya nito kagabi. 'Oh, my virgin lips!'   Nang makaramdam ng gutom ay nagdesisyon na siyang pumasok. Tanghali na rin dahil mataas na ang sikat ng araw. Pagkapasok niya ay napahinto siya nang may makitang magandang babae na nakaupo sa malaking sala. Maputi ito at maganda talaga. Napasulyap ito sa gawi niya at nanliit ang mga mata na parang inaalala kung kilala ba siya nito. Napatayo ito at marahan siyang nilapitan.    "Ahmm, do I know you?" tanong nito habang sinusuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa itaas. Hindi iyon ang uri ng tingin na nangmamata kundi tingin iyon ng pagkamangha. Lalo niyang naaninag ang mukha nito. Wala itong make up kaya nakikita niya ang natural nitong ganda.      'Sino kaya siya? Kaninong girlfriend kaya siya?' tanong niya sa isip. Para siyang nanliit. Mukha itong modelo. Narinig niyang tumikhim ito habang naghihintay ng sagot.   "Okay! Kaninong girlfriend ka?" Direktang tanong nito. Nagtaka naman siya sa tanong ng babae at pareho sila ng iniisip. Babae nga naman talaga.     "Ho? Hindi ho! Nagkakamali kayo ng iniisip. Dito ho ako nakatira." Wala siyang ibang maisip na isagot. Hindi naman ito mukhang mataray.     "Oh? Adopted ka ba? Ba't 'di ko alam?" Nakataas naman ang kaliwang kilay nito. At may kahawig ito.  "Hindi naman ho. Bale, kinuha kami ni tito at tita sa rancho—"      "Oh really? Are you that Georgina mommy talks about?" Namimilog ang mga mata nito at halata sa mukha ang galak. Alanganin siyang napangiti rito sabay tango. She guess she's also a Salvatore sibling.    "Woah! Glad to finally meet you. Your so pretty without make up you know that? Can we be friends?" Namimilog talaga ang mga mata nito na halatang tuwang-tuwa. Tumango siya at bigla siya nitong niyakap. Magkasintangkad lang pala sila. Bagamat nabigla siya sa ikinikilos nito ay hinayaan na lang niya ito.     "Ilang taon ka na pala ?" tanong nito at hinila siya paupo. Nagpatianod na lamang siya rito. Mabait din pala ang nag-iisang babaeng anak ng mag-asawang Salvatore.    "Twenty na ako," tipid niyang sagot.    "Really? Twenty-one ako. Hindi lang pala tayo nagkakalayo. Nag-aaral ka pa ba?" Ngumiti siya at tumango bilang sagot dahil nahihiya pa siya g makipag-usap dito. Nakakailang lalo na't nanliliit siya. Hindi naman siya naiinggit dito pero nakakaramdam siya ng pagkababa ng kanyang self-confidence. "Ako naman ay kagagraduate lang ng Journalism but I focus my career now in international modelling," mahaba nitong pahayag. Madaldal ito at friendly rin. Clingy type nga lang at sweet. Medyo naging panatag na siya dahil ito na mismo ang nagbabahagi ng personal whereabouts nito kahit na ngayon lamang sila nagkakilala.     Hanggang sumapit na ang gabi ay saka lang napahiwalay sa kanya si Donessa. Nasasabik lang daw ito sa isang kapatid na babae kaya't halos ayaw siya nitong pakawalan.    Pagsapit naman ng hapunan ay natahimik ang lahat sa hapag. Kompleto ang pamilya Salvatore at kasama sila ni Andie.     "I'm so glad to have this dining fully occupied." Bakas sa boses ang galak na wika ni Donnelly Salvatore Senior. Puno nga ang hapag kainan.Waluhan ang upuan at katabi niya si Andie. Sa kaliwa niya naman si Donessa. Ang nakakailang lang ay ang mga taong nakapuwesto sa harapan niya. Ang nasa tapat niya mismo ay ang maarteng si Dome. Naiinis siya kaya hindi niya ito sinusulyapan man lang. Nasa tabi naman nito si Don na tahimik lang at sa pagkain nakatutok ang atensyon.     "I told you hija, the more the merrier," anang ginang na sinang-ayunan ni Donessa at Donny. Habang tahimik lang ang dalawang nakatatandang kapatid na binata. Paminsan-minsan nama'y sumasabat si Dome sa usapan sa maarteng paraan.      'Is he a gay? Ang arte kasi eh!' Pasimple niya itong tinitigan baka sakaling may mali siyang makita sa kilos nito. Napatigil ito sa pag-inom ng tubig ng mapansin siya nitong nakatitig.    "What? Do you have a problem with me?" mahina nitong tanong na sila at siniguro nitong silang dalawa lang ang makarinig dahil magkaharap lang naman sila. Ngumiti siya ng tipid rito at umiling. Nakita niyang umirap ito.     'What the? Kalalaking tao pero kung makairap talo pa ang bully? Seriously? Sayang ka naman kung gano'n?' natatawa siya sa naisip. Naramdaman niya naman na may sumipa sa kanyang paa sa ilalim ng mesa. Napatingin siya sa kaharap nang nagtataka. Nakataas-kilay naman siya nitong tiningnan lang. 'Ikaw yata ang may problema sa akin eh!'   Narinig niya ang pekeng pagtikhim ng katabi nitong si Don. Nabaling kay Don ang tingin niya. Nasa pagkain pa rin ang atensyon nito kaya ibinalik niya kay Dome ang paningin.    "Bakit Georgina? May nangyari ba?" rinig niyang biglang tanong ni tita Prescila. Kinabahan tuloy siya.    "Po? Wala po tita. May naalala lang po ako," kyeme niyang tugon sabay ngiti.  "Hayaan mo na 'yun. 'Di ka mahal no'n," biglang sabat ni Donny kaya binatukan ito ni Donessa. Ito ang nakaupo sa kabilang dulo ng mesa at sa kabilang dulo naman ay ang ama nilang si Donnelly.  "Ate hah, masakit!" reklamo nito.     "Sa ganda ni Georgina siya pa ang lolokohin?" saad naman ni Donessa. Napainom tuloy siya ng tubig. Nasa kanya yata ang spotlight ngayon. Siniko siya ni Andie pero binaliwala niya ito dahil siguradong tutuksohin lang siya ng kapatid.  "You have a boyfriend, hija?" biglang tanong ni Prescila. Napamulagat siya sa tanong nito. Lahat ng nasa mesa ay nakatingin yata sa kanya. Pati na si Dome at maging si Don rin. Pagbaling niya ng tingin sa ginang ay napapahiyang sumagot siya. 'Deym! NBSB po ako.' "Wala po tita. Focus po ako sa pag-aaral," sagot niya at saka siya yumuko para sa pagkain ituon ang kanyang pansin. Pakiramdam niya tuloy ay nasa isang oras na sila sa hapag-kainan. Napakabagal para sa kanya ang oras at gusto na niyang tapusin ang pagkain. 'Bakit kasi ang tagal maubos nitong pagkain ko?'   "Pero may guwapong manliligaw po si ate sa kabilang bayan namin. Nakadalaw na nga po sa bahay minsan." Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ni Andie. Ang daldal nito at talagang ibinulgar sa lahat. Ang sarap nitong batukan kung wala lang sana sila sa hapag-kainan. Palihim niyang sinipa ang paa ng kapatid sa ilalim ng mesa bago siya muling nagsalita.     "Pero sinabi ko na sa kanya na pag-aaral muna uunahin ko. At saka alam niyang namatay na si papa kaya hindi na niya ako makikita. Sinabi ko na rin pong lilipat kami ng kapatid ko," nakangiti niyang pahayag. Kailangang single siya ngayon dahil iyon naman ang dapat. Isa pa, hindi siya paasang tao pero sadyang makulit ang manliligaw niyang iyon. Marami namang nagpapalipad-hangin sa kanya pero dahil snob siya minsan ay hindi na nagtangkang manligaw pa ang iba. Mayroon lang talagang makakapal ang mukha na kahit iniignora na niya ay manhid pa rin.     "I see. Okay lang naman kung may ipakilala ka sa amin na boyfriend mo. You don't have to worry anymore," anang ginang.  Napansin niyang tumayo na si Don at nagpaalam. Saka sumunod na rin si Dome. Tapos na palang kumain ang mga ito. Pero si Dome ay may tira pa sa plato.      Hindi pala ito kumakain ng dahon. Puro kasi piling dahon ang natira sa plato nito.  'Arte talaga!'    MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Don. Mula noong may ibang natutulog sa kaharap niyang kuwarto ay nababalisa na siya. May palagay siyang totoo ang sa tingin niya ay panaginip niya lang. Gusto niyang tanungin kung totoo bang magkatabi sila noong gabing iyon dahil hindi niya naman talaga alam. Medyo nakainom siya pagkauwi nila galing sa Ilocos. Pagkapasok niya naman noong gabing iyon sa kuwarto ay nahiga na siya kaagad kaya 'di niya napansin na may ibang tao. Malay ba niya, eh kuwarto niya 'yon kaya hindi na niya kasalanan 'yon.    'At bakit naman sa kuwarto ko siya natulog? Ano siya naligaw? Psh!'  Nagpasyang magpahangin si Don sa veranda para makapag-isip. Next week ay iti-train na siya ng daddy nila sa clothing company na pagmamay-ari nila. He's only twenty-five and they forced him to do so. Kaya nga Business Administration ang tinapos niya at nakapag-masteral na rin.    Hindi naman maasahan si Dome sa company dahil may sarili itong mundo. At isa pa ay panganay siya. If not, isa sana siyang doctor ngayon. But he knows some minor medication and first aid. He did online studies about medicine whenever he had time. Naisipan niyang bumalik na sa kuwarto niya nang sa pagpihit niya ay may nahagip siyang pumasok sa kanyang silid. 'Na naman? Sinasadya na yata ng babaeng 'to ang pagpasok sa hindi niya kuwarto. Hindi naman siya bulag para hindi makita ang pinapasukang lungga.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD