"Call me Donny. Masyadong mahaba ang... ang pangalan ko," turan ni Donito na halos ayaw nang bigkasin ang pangalan. Napalingon sila sa natatawang si Dome.
"Ang sabihin mo, mabantot. Hahaha!" anitong patuloy pa rin sa pagtawa. Kahit siya naman ay pinipigilan ding mapatawa kaya inikot na lang niya ang paningin sa paligid.
"Aba! Sino sa atin ang mabantot ang pangalan? Sige nga, Dominador the second," napatigil sa pagtawa si Dome at tumikhim ng peke. Nag-aasaran ang mga ito dahil sa makalumang pangalan at natutuwa siyang tingnan ang kakaibang bonding ng heriderong ito. Close pala sa isa't isa ang magkakapatid taliwas sa inaakala niyang mga brat ang mga ito.
"Okay, Donny bro. Hindi ka na mabiro. Dome will do. Una na ako sa inyo," anito at nauna nang umalis. Sumunod naman na tumayo si Donnelly. Napasunod ang tingin niya rito. He's kind of serious type and intimidating. Napakatahimik pa nito kaya naagaw nito ang kanyang pansin. Hindi sa kung anopaman, she's just curious about this guy. Ang gwapo pa nito tiyak na hindi siya patutulugin ni Monique kapag nalaman nitong nasa bahay siya ng mga kalahi ni Adonis.
"Anyways, call me Donny. May older brothers prefer to call them Dome and Don. Masyadong makaluma ang pangalan namin eh!" ani Donny na natatawa. Pareho naman sa kanila. Kung naging lalaki lang siya ay baka junior pa siya. Pangalan kasi ng yumao nilang ama ay George at dito ginaya ang pangalan niyang Georgina. Habang si Andy naman ay nakasunod ang pangalan sa kanilang yumaong ina na si Amanda.
"So, kuwento niyo naman kung pa 'no kayo napunta rito?" nakapangalumbaba nitong tanong sa kanya. Nasa anyo nitong handa talaga sa pakikinig. Marahil ay nagulat ang lahat sa pagdating nila dahil galing ang mga ito sa Ilocos kung saan naroon ang abuelo ng anglan nila. Hindi rin siguro nasabi ng mga magulang ng mga ito ang pagdating nila. Sabagay ay biglaan din iyon dahil kalilibing lang ng ama nila noon at kapwa sila nagluluksa ng kapatid. Sobrang sakit mawalan ng ama na tanging pamilya nila at siyang nagsusuporta sa kanila ng kanyang kapatid.
Nagkuwento na lang siya ng lahat-lahat dahil wala siyang planong itago ang totoo. Baka kung ano pa ang isipin ni tita Prescila na ina ng mga ito. Napatango-tango naman si Donny at kapagkuwa'y naging personal na ang mga tanong.
"So how young are you Andie?" biglang baling nito sa kanyang kapatid.
Sixteen pa lang ho ako," magalang na sagot naman ng kapatid niya.
"I see. Ako naman ay eighteen pa lang. And you, miss George?" baling nito sa kanya na halatang nagpapacute. Well, he's cute alright but he is not her type. Mukha kasi itong playboy.
"I'm twenty," tugon niya sabay ngiti pabalik dito. Napamulagat ito dahil marahil hindi naniniwala sa kanyang sinabi.
"Really?" I thought we 're of the same age. You look young," namamangha nitong turan. Magaan itong kausap at katulad ng mga magulang nito ay mabait din.
Nagkuwentuhan pa sila tungkol naman sa kanilang lugar dahil sa medyo matanong ito. Masaya itong kausap at maging ito ay napakuwento na rin sa naging kabataan nito kasama ang mga mayayamang kamag-anak nito. Hindi kasi uso sa mayayaman ang mangapit-bahay para makipaglaro dahil uso na rin noon ang kidnap for ransom sa mga mayayamang anak.
Pagsapit ng tanghali ay nilibot niya ang buong mansion. Namangha siya nang makita ang napakalaking swimming pool. May palagay siyang malalim iyon.
Malamang mga higante ba naman ang mga nakatira roon.
Lumapit siya sa gilid ng pool at dahil maalinsangan ay minabuti niyang umupo sa gilid ng pool at ibinabad ang mga paa sa tubig.
'Wow! Sarap naman. Mamayang gabi na lang ako maliligo rito,' aniya sa isip.
Habang abala siya sa paglulunoy sa tubig ng kanyang mga paa ay bigla siyang napalingon sa bandang kaliwa dahil nakarinig siya ng ingay sa tubig. Nang biglang may umahon doon. Napatulala siya at parang slow motion, umahon mula sa tubig ang kalahi ni Adonis.
'Ang ganda! Este...ang ganda nga! Ang guwapo niya!' wala sa sariling napakagat siya ng labi. Nakita niya si Dome na umahon na parang isang diwata sa tubig. Tumutulo sa hubad nitong katawan ang tubig pababa. Pababa pa. At napalunok na naman siya.
He's only wearing trunks kaya bakat pa rin. Lalo yata siyang nainitan nang masilayan ang maskulado nito katawan at nakakatakam na abs.
'Mercy!' Magkakasala yata siya sa kanyang nakikita. Namumungay ang mga mata na nakatitig siya rito.
'Oh my! Papalapit siya sa akin.' Para siyang timang at hindi niya maiaalis ang paningin rito. Nakakahiya dahil para sa isang virgin na katulad niya ay tila yata namamamagnet ang mga mata niya sa ganoong tanawin. Naglalakad ito na parang modelo at taas-kilay na nakatitig din sa kanya.
"Malinis ba 'yang paa mo para ibabad diyan habang naliligo ako?" tanong nito pagkalapit sa kanya. Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang narinig. Napatingala siya rito at nagtatanong ang mga mata. Ayaw pang mag-sink in sa utak niya ang tanong nito.
'Ano raw? Anong akala niya na sa putikan ako galing? Napakaarte naman nito!' naiinis na hiyaw niya sa isip. Nilampasan siya nito at kinuha ang towel na nakasampay sa upuan sa 'di kalayuan. Hindi siya makapaniwala sa inasal ng binata. Akala niya ay mabait ito katulad ni Donny pero nagkamali siya.
'Hindi siya mabait. Mapanlait siya,' sambit niya sa isip. Nagdesisyon siyang tumayo na. Naiinis siya sa lalaki dahil pakiramdam niya ay inaalipusta siya nito.
'May pagkaplastic ka rin pala, 'inis niyang turan sa isip. Hindi na niya ito crush. May patulala pa siyang nalalaman kanina 'yun pala ay parang sasampalin lang siya nito para magising.
Sumapit ang gabi pagkatapos ng hapunan ay umakyat na siya sa kwarto.Napangiti siya dahil pagkakataon niya na para maligo.
ahan-dahan siyang lumabas at dumaan sa kabilang veranda pababa sa swimming pool. Kabilaan kasi ang veranda roon. Nakasuot lang siya ng black swimmers bra at black cycling dahil wala naman siyang swimsuit. Isa pa ay hindi naman talaga siya nagsusuot ng ganoon. Malaswa pa rin para sa kanya siguro ay dahil hindi siya sanay sa ganoong uri ng kasuotan. Nagdala na rin siya ng towel para hindi siya lamigin.
Pagkababa niya sa pool area ay tamang-tama lang dahil tahimik at walang tao. May ilaw naman sa paligid kaya hindi madilim at may liwanag pa ng buwan. Nasisiyahang tumalon siya sa swimming pool. Hindi niya naman first time dahil nakakasama na siya sa mga outing ng mga kaklase niya rati.
Marunong din siyang lumangoy kaya aliw na aliw siya at hindi alintana ang paligid. Nang mapagod sa pagbalik-balik na paglangoy ay nagfloating siya at pumikit.
'Ang sarap sa feeling. Buhay mayaman for a while,' nangingiting aniya sa isip.
Bigla namang nakaramdam siya ng pagkaasiwa sa 'di niya mawaring dahilan kaya nagdilat siya ng mata. Pagdilat niya ay isang pares ng magagandang mata ang kanyang nakita.
'Such beauty!' Wala sa sariling natulala siya sa mga mata nito na matiim na nakatitig sa kanya. Napakaganda ng mga mata nito na kung makipagtitigan ka ay nakakalunod. Bigla itong napakunot-noo. Kaagad siyang natauhan kaya noong gumalaw siya ay nalunod siya sa tubig. Dahil sa narealize niya kung sino ang nakaharap ay nanatili siya sa ilalim ng tubig.
'Sana umalis na siya. Please umalis ka na,' pagtataboy niya rito sa isip. Malapit na siyang maubusan ng hangin pero palagay niya ay naroon pa ang binata. Ayaw niyang umahon dahil mamamatay siya sa hiya.
Walang anu-ano'y napapiksi siya sa ilalim ng tubig nang may humigit sa kanya paahon. Napaubo siya dahil nakainom siya ng tubig.
"Sh*t!" Rinig niyang napamura ang lalaki. Kinarga siya nito paalis sa tubig at pinahiga sa gilid ng pool.
"Are you alright?" tanong nito na may himig ng pag-alala. Hindi niya mapigilang mapatitig sa gwapo nitong mukha. Basa ang damit na suot nito dahil kinuha siya nito sa ilalim ng tubig. Marahan siyang tumango at nakaramdam ng pagkapahiya.
"Are you dumb?" May himig na inis ang boses nito bagamat may halo pa ring pag-aalala.
"Nagulat lang ako," mahina niyang saad sa kaharap. Sobra siyang naiilang dahil napakalapit lang nila sa isa't-isa at ramdam niya ang mainit na singaw ng katawan nito.
"I'm sorry," anito at nakatitig sa mga mata niya. Kapagkuwa 'y bumaba sa mga labi niya ang titig nito. Napalunok siya sa sobrang kaba. Sobrang bilis din ng t***k ng kanyang puso at hindi niya malaman kung bakit. This is the second intimate contact with him.
'Gosh! Nakakatunaw ang mga bisig niya.'
Walang ano-ano'y binitawan siya nito at tumayo. Nakakabigla naman ito.
"Ba't ganyan ang suot mong panligo?" tanong nito nang hindi nakatingin sa kanya. Napatingin naman siya sa kanyang suot. May masama ba sa suot niya? Nakatakip pa naman ang maseselang bahagi kaya bakit kung umasta ito ay parang naka-bold siya?
"S-sorry wala akong swimsuit." Tumayo na rin siya at nakayuko paharap sa rito.
That's not what I meant. You should wear something reserve. Masyadong expose ang suot mo," anito at naglakad na papasok ng bahay. Napatanga siya sa tinuran nito. Is this a western country? Expose pa pala ang suot niya? Ano ba dapat ang isuot niya panligo? Dapat ba naka-pajama at sweater siya para tagong-tago?
"Hello? Modern world na tayo ngayon at kung tutuusin, masyado nang reserve ang suot ko. Kung makaasta naman akala mo boyfriend ko." Pabulong-bulong pa siya habang umaakyat sa hagdan papunta sa veranda na siyang dadaanan niya papunta naman sa kaniyang silid. Lalo lang yata niyang hindi ito makakausap dahil sa engkuwentro nila. Hindi niya alam kung pakialamero ito o ano?
Si Dome ay maarte, ito naman ay pakialamero. Si Donessa naman ay madaldal at clingy. Habang si Donny na bunso sa magkakapatid ay bolero.
'Naku, masisiraan ako ng ulo. I just want a privacy and time for myself pero hindi nangyayari dahil sumusulpot sila sa paligid nang 'di ko alam.'
Pagal na inihiga niya ang katawan sa malambot na kama matapos niyang magbanlaw sa shower. Pero kahit nakapikit na siya ay bumabalik pa rin sa isip niya ang nangyari kanina.
"Bakit kailangang mangyari 'to? Ayoko! Ayokong mauugnay sa kahit na sino sa kanila. Agh! Tukso, layuan mo ako. Marupok po ako."